Candice
Halos malapit ng mag-gabi nakarating dito si Hailee. Sinalubong nya naman agad ako ng yakap. At sinabi ko naman sa kanya na ok na ako but still she hugged me na parang ba mawawala ako ng ilang buwan.
Once she calmed down, we all sat at the living room at kwinento ko lahat sa kanya yung nangyari.
"Niligtas ka ni Changbin??"
Di makapaniwala nyang sabi. Tumango naman ako at nagtaka naman ako ng bigla syang kinilig na parang ewan.
"Omg! Sabi ko sayo eh! He do care for you!"
Sabi nya at napabuntong hininga naman si Hyunjin.
"Hoy. Niligtas ko rin tong si Candice no. Di naman malalaman nung lalaking yun na nawawala si Candice kundi dahil sa akin eh."
Sabi nya at parang proud pa sya dun ah. Napahinga naman ng malalim si Hailee.
"Hmp. Still, mas nakakakilig pa rin si Changbin kesa sayo!"
Hailee scoffed. At bigla ko naman naalala na pupunta nga rin pala dito si Changbin mamaya. Oh fudge. Sabihin ko kaya sa kanila? Wala naman masamang mangyayari kung sasabihin ko sa kanila eh.
"Uh guys, pupun–"
"Oo nga pala, nagdala ako ng mga pagkain!"
Biglang sabi ni Hailee at pinakita sa amin yung mga pagkain na binili nya. Inilapag nya na lahat ng yun sa center table.
"Naisip ko na mag-picnic tayong tatlo dito! And of course, binili ko yung favorite mo!"
Nakangiting sabi sa akin ni Hailee at napangiti nalang ako. Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Guys, may–"
"Hyunjin, kuha ka na ng plato!"
Utos naman ni Hailee. Hyunjin scoffed.
"Bakit ako?"
"Sige na, please!"
Sabi ni Hailee at napabuntong hininga naman si Hyunjin tsaka dumiretso na sa kusina. Agad naman ako lumapit kay Hailee.
"Hailee, may sasabihin ako–"
"Ano mas gusto mo? Chocolate or Vanilla?"
Tanong nya at pinakita sa akin yung dalawang ice cream na binili nya. I heaved a long sigh at hinawakan ang mga balikat nya.
"Pwede bang makinig ka muna sa akin?"
"Sure! Ano ba yun?"
Tanong nya. Muli akong huminga ng malalim bago sabihin sa kanya.
"Ano kasi, pupunta dito si–"
Natigilan ako ng marinig namin na may kumatok sa pinto. Parehas kaming napatingin dun at naisip ko na baka si Changbin na yun. Tatayo na sana ako upang buksan iyon pero naunahan na ako ni Hyunjin. Pagbukas nya ng pinto ay di nga ako nagkamali na si Changbin iyon.