07

556 21 10
                                    

Candice

"Candice oh! Inaaway nanaman ako ni Hyunjin!"

Pagmamaktol ni Hailee sa akin. Napailing-iling nalang ako sa kanilang dalawa. Bigla naman kumapit sa braso ko si Hailee.

"Candice! Si Hyunjin napaka-epal talaga!"

"Ano nanaman ba ginawa ko?"

Biglang singit ni Hyunjin. Napabuntong hininga nalang ako. Jusko kung maging anak ko man tong dalawang to, mas gugustuhin ko nalang mamuhay mag-isa.

"Wag mo nga guluhin si Candice. May ginagawa sya oh!"

Sabi naman ni Hyunjin at hinila palayo sa akin si Hailee. Muntikan ko pa madelete lahat ng tinype ko.

"Di porket may gu–"

"IBANG usapan na yan, pre."

Pagputol naman sa kanya ni Hyunjin. So yun naghihilahan silang dalawa habang di ako makafocus sa ginagawa ko. Natigil silang dalawa, maging ako, ng bigla akong tawagin ni Madam. At mukhang may sasabihin nanaman sya sa akin. Ano nanaman kaya yon? Tumayo na ako at tsaka inayos ang aking sarili.

"Bakit kakausapin ka nanaman ni Madam?"

"Aba malay ko dun. Wag nyong guluhin gamit ko ah."

Sabi ko at tumango nalang sila. Dumiretso na ako sa opisina ni Madam. At di ko alam kung bakit sa tuwing pupunta ako sa opisina nya ay lagi akong tinitignan ng mga tao dito na akala mo nakagawa ka ng napakalaking krimen eh. Bahala sila dyan. Ng makapasok na ako sa loob ng opisina nya ay naupo na ako sa upuan sa may tapat nya.

"Bakit po?"

"Do you have plans later?"

Tanong nya na ikinataka ko naman. That's weird. She never usually ask those kind of questions.

"Um, wala naman po. Bakit?"

I said. She heaved a long sigh as she turned on the next the page on the article she's reading.

"Tumawag kanina ang Seo Corporation and sabi nila na inimbitahan ka daw ng anak ni Mr. Seo na maglunch."

Sabi nya at literal na nanlaki tong mga mata ko. What the fudge?! Bakit naman ako yayayain nung Changbin na yun na kumain?? Di naman kami close eh. Wait, baka mamaya nagkamali lang sila.

"Baka namisundersta–"

"No, they clearly said your name. At hindi ako bingi."

She said as she shot a glare at me. Napalunok naman ako dahil sa kaba. What the? Seryoso?? Ok sana kung di ko kilala yung anak ni Mr. Seo eh. Pero, kilala ko na at sadyang mapaglaro ang tadhana na si Changbin iyon na wala akong kaide-ideya na SYA pala ang anak ni Mr. Seo!

"That's all. You may now go back."

Sabi ni Madam. Tumango nalang ako at lumabas na. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Madam. Is she really serious about it? Well, it doesn't seem like she's joking and she sounded VERY serious. Fudgecake!

IT'S YOU. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon