38

394 15 1
                                    

Candice

Naupo kami ni Hyunjin sa damuhan katabi ng puno, para di kami masyado nasisinagan ng araw. Mabuti nalang ang ganda ng panahon ngayon. Kaya ang sarap tumambay ngayon dito sa park.

"Nakakamiss rin pala magpalipad ng kite, no?"

Rinig kong sabi ni Hyunjin. Napatingin ako sa kanya at nakita kong pinagmamasdan nya yung mga batang naglalaro at nagpapalipad ng mga kite. Napangiti naman ako.

"Gusto mo ba?"

"Oo naman!"

"Edi tara, magpalipad tayo ng kite."

Pag-aya ko sa kanya. Gulat naman syang napatingin sa akin.

"S-sure ka?"

"Oo naman no! At gusto ko rin masubukan eh!"

Nakangiti kong sabi sa kanya at napangiti nalang rin sya. Inalalayan nya na akong tumayo at bumili na ng kite.

Ng makabili na kami ay nakisama kami sa mga bata. Di ko naman maiwasan matuwa dahil ang cucute nilang lahat. Napatingin ako kay Hyunjin na inaayos na yung kite.

"1...2...3!"

Sabi nya at pinalipad na yung kite nya. Tumakbo sya at pinagmasdan ko lang yung kite hanggang sa makarating na yun sa ere. Sunod akong napatingin kay Hyunjin na ang lawak ng ngiti. Di ko na rin maiwasan mapangiti habang pinapanood sya. Sobrang saya nya at napansin kong pinagtitinginan sya nung mga babae sa gilid at mukhang kinikilig sila. Ang gwapo kasi ni Hyunjin eh.

"Tara, Candice! Try mo!"

Tawag nya sa akin. At napatingin naman sa akin yung mga babae. Di ko naman maiwasan mailang at naglakad na papalapit sa kanya.

"P-pano paliparin to?"

Sabi ko. Nagulat ako ng bigla nyang hinawakan tong kamay ko. Naramdaman ko nanaman ang biglaang pagtibok ng puso ko. Dahan-dahan nya pinahawak sa akin yung tali ng kite.

"Basta hawakan mo lang sya ng ganyan at hayaan na tangayin sya ng hangin."

Sabi naman ni Hyunjin. Di ko alam bakit napatingin ulit ako dun sa mga babae na nagbubulungan na ngayon habang nakatingin sa amin. Fudge. Pero di ko na iyon pinansin at pinalipad tong kite. Biglang humangin ng malakas kaya naman tinangay yung kite at maging ako ay tinangay rin. Agad akong nilapitan ni Hyunjin at inalalayan ako habang nakahawak rin sya dun sa tali. He looked at me then smiled.

"Don't worry, di yan masisira."

He said reassuringly. I just nod my head and enjoyed myself flying this kite. Namalayan ko nalang na nakangiti ulit ako. Napatingin ako kay Hyunjin who looked at me as well. And we both smiled at each other.

• • •

Changbin

Ng matapos kaming kumain ay naisipan nila Woojin na pumunta kami sa park. We all agreed since ang ganda naman ng panahon ngayon. At di ako akalain na pati si Woojin ay inaasar-asar na ako dun kay Candice. Kasalanan to nila Chan at Felix eh!

IT'S YOU. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon