64

406 13 11
                                    

Candice

"Ready?"

Tanong sa akin ni Changbin at inilahad sa aking harapan yung kamay nya. I blushed and slowly grabbed his hand. As we held hands, he intertwined his fingers with mine.

Naglakad na kami palabas. Habang pababa kami ay di maawat tong puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito, lalo na magkahawak kamay kami. I tried my best to hide my smile.

Ng makasakay na kami sa kotse nya ay nagsuot na kami ng seatbelt.

"Um, san tayo pupunta?"

I asked and he just chuckled at me. Ngumisi naman sya at pinagana na yung kotse nya.

"Basta."

He said. I just scoffed and looked at the window instead. And secretly smiled.

• • •

Habang nasa byahe kami ay nagpatugtog naman sya ng mga love songs. Di ko alam kung sinadya nya ba yun o ano. But I'm enjoying it though.

I leaned back on my seat and just enjoyed the view right infront of me. Maya-maya ay naramdaman kong hinawakan nya muli kamay ko. Nagsimula nanaman bumilis tong tibok ng puso ko. Bwisit ka talaga, Changbin.

Maya-maya ay nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Napatingin ako sa labas at nakita kong nasa park kami. Bigla ko nalang naalala yung araw na pumunta rin kami ni Hyunjin. Di ko alam bakit kumirot tong puso ko ng maalala ko sya.

"Tara na."

Natauhan naman ako at tumango nalang. Sabay na kaming naglakad palabas at napangiti ako ng makita kong may mga bata ulit na nagpapalipad ng saranggola. Di ko alam bakit naalala ko nanaman si Hyunjin. Mas lalo lang tuloy akong nasaktan.

Napatingin ako kay Changbin at nakita kong naglabas sya ng isang blanket at picnic basket. Napataas naman tong kilay ko.

"Mag-pipicnic tayo?"

"Yup. Let's go."

Nakangiti nyang sabi at di ko alam bakit medyo naninibago ako sa kanya. I mean, di naman kasi sya palangiti at ngayon ngumingiti na sya. I guess people do really change when they're inlove. Napangiti nalang ako at sumunod na sa kanya.

I helped him place the blanket on the ground right next to the shady tree. Naisipan namin na dito pumwesto para di masyadong mainit. Kaagad kami umupo dun bago pa ito tangayin ng hangin.

Ng makaupo na kami ay nilabas nya na yung picnic basket at binuksan iyon.

"Wait, nagluto ka?"

Tanong ko at tumago naman sya.

"Kaninang umaga pagkagising ko."

"Wait, plinano mo ba to?"

Tanong ko at bigla naman syang lumapit sa akin. Napalunok naman ako.

"Isa pang tanong mo, hahalikan kita."

Sabi nya. Is he threatening me? Charot. Ng makita nyang di ako makapagsalita ay napangisi nalang sya at lumayo na. Di man lang mahiya tong lalaking to ang dami-daming tao oh!

"S-sus. Nagtatanong lang ako."

I scoffed and he just chuckled. He brought a chicken sandwich and some maccaroni salad. Bigla tuloy ako nagutom. He sliced the sandwich in half then gave the other one to me.

IT'S YOU. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon