Candice
"Kumusta naman ang lunch date nyo ni Changbin?"
Nakangising tanong sa akin ni Hailee. I scoffed at her.
"Ok lang naman. At fyi, hindi iyon DATE."
"Nagbibiro lang ako, eto naman. Alam mo bang andaming nainggit sa iyo kanina?"
Sabi nya. Halata naman eh. Nung sinundo ako kanina ni Changbin, ramdam ko na agad yung mga matatalas na tingin nung mga tao, lalo na yung mga babae.
Maya-maya ay naramdaman kong dumaan sa likod ko si Hyunjin. I turned my head and looked at him. Tatawagin ko na sana sya pero nakabalik na sya sa pwesto nya. I just sighed and continued working. Hmm, galit pa ba sya sa amin?
• • •
"Bye!"
Ng makapagpaalam na sa akin si Hailee ay iniligpit ko na mga gamit ko. Kailangan na daw kasi umuwi agad ni Hailee dahil may family dinner daw sila ngayon. Habang inaayos ko gamit ko ay may bigla nalang tumulong sa akin. Paglingon ko ay napangiti ako ng makita ko si Hyunjin. He looked at me and quickly looked away.
"T-tulungan na kita.."
He shyly said. Natawa nalang ako ng onti at pumayag na tumulong sya sa akin. Ng matapos na kami ay nagpasalamat ako sa kanya.
"Salamat, Hyunjin."
I said and poked his cheeks.
"T-tara sabay na tayo bumaba."
Sabi nya at tumango nalang ako. Sabay na kaming dumiretso papunta ng elevator. Once the elevator door opened ay pinauna nya akong pumasok. Buti pa si Hyunjin napaka-gentleman. Sana ganyan rin sya. Di ko sinasabing si Changbin to pero parang ganun na nga.
We're both quiet while waiting for the elevator to reach the ground floor. Mamaya-maya ay nagsalita si Hyunjin.
"Umm, Candice..."
"Hmm?"
I said and looked at him. Napakamot sya sa batok nya habang nakatingin sa sahig.
"S-sorry nga pala about dun sa behavior ko kanina.."
Sabi nya. I smiled at him and lightly hit his shoulder.
"Ok lang, ano ka ba."
"S-sorry talaga. Alam kong napaka-childish nung attitude ko kanina.."
"Ang cute nga eh."
Sabi ko at natawa. Napangiti naman sya at natawa rin. Fudge ang cute talaga ni Hyunjin..
We just laughed hanggang sa makarating na kami sa ground floor. Kagaya kanina ay pinauna nya akong lumabas. Nagpasalamat ako sa kanya at sabay na kaming naglakad palabas ng building.
"Sige, dito na daan ko. See you–"
"Teka, hatid na kita."
Pagpuputol nya sa akin. I smiled at him and shook my head.
"Wag na. Tsaka medyo malayo-layo pa bahay ko baka gabihin ka ng uwi.."
Sabi ko at nagulat ako ng bigla syang humakbang papalapit sa akin habang nakatingin ng diretso sa aking mata. Napalunok ako ng dahil sa mga tingin nya.
"Candice, ok lang sa akin kahit gabihin man ako umuwi basta maihatid lang kita ng ligtas.."
Sabi nya. He sounded so sincere tho. Napangiti nalang ulit ako at tsaka pumayag nalang rin na ihatid nya ako.
"Sige na nga."