70

475 12 3
                                    

Candice

1 week later...

"WAAAA CANDICE!"

Agad ako sinalubong ng yakap ni Hailee ng makarating ako. Napangiti nalang ako at niyakap rin sya pabalik.

"NAMISS KITANG BAKLANG KA!"

Sabi nya. Kumalas na sya at natawa naman ako ng makita kong nanluluha yung mga mata nya.

"Namiss ko rin kayo!"

Sabi ko. Maya-maya ay may bigla nalang yumakap sa amin sa likod at paglingon namin nakita namin si Hyunjin.

"Sali naman ako dyan oh!"

Sabi nya. We laughed and hugged each other. Parang hindi kami nagkita ng mga ilang buwan. Natigilan naman kami ng biglang dumating si Madam. Agad kami kumalas sa yakap. Agad na nagsibalikan sa kanilang pwesto sila Hyunjin at Hailee. Di ko naman maiwasan kabahan sa mga tingin ni Madam.

"H-hello po.."

Bati ko at pilit na ngumiti sa kanya. Akala ko papagalitan ako ni Madam pero nagulat ako ng bigla rin syang ngumiti sa akin.

"It's nice to see you here again, Candice. I am very sorry to what my nephew did to you.."

Sabi nya at tumango nalang ako. Bigla ko naman naalala si Yugyeom. Ilang araw ko na rin syang hindi nakikita.

"O-ok lang po."

"Okay. Get back to work now."

Sabi nya at tumango nalang ako. Ng makaalis na si Madam ay naupo na ako sa aking swivel chair. Agad naman akong nilapitan ni Hailee.

"Don't worry, Candice. Pag dumating yung Yugyeom na yun, sasapakin ko sya."

Sabi ni Hailee at pinakita ang kanyang kamao. Di ko naman maiwasan matawa sa kanya. Napailing-iling nalang ako.

"Sus. Akala ko ba nagugustuhan mo sya?"

"H-hoy! Hindi ah!"

Depensa nya at mas lalo lang akong natawa. Pagtapos ay bumalik na sya sa pwesto nya at ako naman napangiti sa aking sarili. I'm glad that I'm back and I'n glad everything is back to normal. I just sighed and started doing my work.

• • •

"May bagong bukas na kainan dun sa may kanto!"

Excited na sabi ni Hailee habang naglalakad kami sa may lobby. Napangiti naman kami at magsasalita na sana ako ng biglang may tumawag sa akin.

"Candice.."

Natigilan kaming tatlo ng makita namin si Yugyeom. Naramdaman ko naman ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko. Agad naman tumayo sa harapan ko si Hyunjin.

"Ano nanaman kailangan mo, ha?"

Seryoso nyang tanong kay Yugyeom. Napahinga naman ng malalim si Yugyeom habang nakatingin sa akin.

"Pwede ba kita makausap, Candice?"

Tanong nya at tinignan naman ako nila Hailee, hinihintay ang aking sasabihin. Kagaya ng sinabi ko kay Changbin nun, it's better to forgive someone no mattter how much they hurt you. Huminga ako ng malalim at naglakad sa harap.

IT'S YOU. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon