Candice
Ng makapasok na ako sa loob ng unit nya ay iginala ko ang tingin ko sa paligid. The walls and the floor are black. Sinasabi ko na nga bang mahilig sa dark tong lalaking to. Pati nga office nya puro itim ang makikita mo eh.
Lumapit ako dun sa may malaking bintana sa gilid. Pagsilip ko ay nanlaki tong mga mata ko ng makita ko kung gaano kami kataas. Bigla nalang ako nalula at kaagad lumayo dun. Napahawak ako sa dibdib ko at narinig kong natawa si Changbin.
"You're scared of heights?"
Tanong nya at dahan-dahan naman ako tumango. He just chuckled and went somewhere. At ako naman naupo nalang dito sa mahaba nyang sofa. Grabe, sya lang nakatira dito pero ang laki ng lugar nya. Iba talaga pag anak ka ng may-ari ng isang kompanya.
Napatingin ako sa gilid ko at may nakita akong mga picture na nakapatong sa isang maliit na lamesa. Napangiti ako at kinuha yung isang litrato ni Changbin kung saan highschool pa lamang sya.
- photo not mine. ctto. cute nya no? kekekeke.
Badboy na badboy yung tsura nya at natawa nalang ako. Inilapag ko na ulit iyon at may nakita rin akong family photo nila. Napawi naman tong ngiti ko at kinuha iyon. Napansin ko na medyo malabo yung mukha nung nanay ni Changbin. Speaking of, he doesn't even mention anything about his Mom. Even Mr. Seo. I wonder, did she passed away?
Isinoli ko na agad iyon ng marinig kong nakabalik na si Changbin. I turned my head to look at him and he already changed his clothes. He's now wearing a plain white shirt and a black sweatpants. Why does he still look handsome??
"Dinala ko na yung gamit mo dun sa kwarto ko. You can use my room. Dito nalang muna ako sa sala matutulog."
He said. At di ko naman maiwasan mahiya.
"N-no, ako nalang dito sa sala. Dun ka na sa kwarto mo.."
"I insist. Get change now."
Sabi nya at dumiretso sa kusina. Wala na akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga nalang. Naglakad na ako papunta sa kwarto nya. Dahan-dahan ko binuksan yung pinto. Di ko akalain na pati ba naman dito sa kwarto nya ay puro itim makikita ko. Pati yung bedsheets itim rin. I sighed and closed the door.
Pinagmasdan ko yung kwarto nya. Right infront of me is his king size bed na may dalawang lampshade sa magkabilang gilid nito. Sa aking kanan ay andun yung malaki nyang cabinet. And to my other side is his bathroom.
Agad ko na kinuha yung bag ko na nakapatong sa kama. Nilabas ko na yung mga damit ko at yung susuotin ko ngayon. I just wear a t-shirt and some knee-length shorts. Pagtapos ay kinuha ko na yung mga extra kong damit at nilagay muna iyon sa cabinet nya.
Pagbukas ko ng cabinet nya ay nagulat ako ng biglang may nahulog. I put down my clothes and picked it up. Akala ko kung ano pero isang litrato lang pala. I thought it was gonna be his picture. Pero ng tignan ko yung likod ay hindi si Changbin yung nakita ko kundi isang matandang babae. Not too old though.
She looks lovely. At medyo kahawig sya ng onti ni Changbin. I'm guessing this is his Mom. Nasan na kaya yung Mom nya? He's not even mentioning about her so why does he keeps a picture of her. Natauhan ako ng bigla nalang sya kumatok at agad ko tinago sa bulsa ko yung picture ng Mom nya. I guess I should ask him about this later. Sinarado ko na yung cabinet nya at naglakad papalapit sa pinto. Ng mabuksan ko iyon ay nakita ko sya.
"Tara na."
"B-bakit?"
"Kakain, malamang."
Sabi nya at naglakad na paalis. I just scoffed and followed him.
• • •
Akala ko pa naman ay niluto nya yung mga pagkain pero inorder nya lang pala. Wala daw syang oras magluto. Sus. Ng matapos na kaming kumain ay niligpit na namin yung mga pinagkainan namin.
"Just put them all in the trash bag."
Sabi nya sabay turo dun sa mga plastic na kutsara at tinidor. I can't believe na tinatapon nya lang to. Ako kasi iniipon ko tong mga to eh.
"Ayaw mong ipunin mga to?"
"What would I do with it?"
Tanong nya at napabuntong hininga nalang ako. Dumiretso ako sa lababo at hinugasan iyon. Kung ayaw nyang ipunin edi ako nalang.
"You seriously gonna take that home?"
"Yes. Masama ba?"
Sabi ko and he just scoffed at umalis nanaman. Habang hinuhugasan ko iyon ay bigla ko nalang naalala yung litrato ng Mom nya. I quickly turned off th faucet at tinabi muna yung mga kutsara. Kinuha ko sa bulsa ko iyon at saglit na pinagmasdan. Wala naman sigurong masama mangyayari kung itanong ko sa kanya, diba?