Candice
Narinig kong tumunog yung cellphone ko. Pagkakuha ko ay nakita kong may message ako galing kay Changbin. I decided to read it.
From: lalaking mahilig sa dark
are you resting well? i'll visit you again later.
Napahinga ako ng malalim at di na muna sya nireplayan. Sa ngayon, wala akong gana sa lahat ng mga bagay. Sobrang klaro pa sa utak ko yung ginawa ni Yugyeom sa akin. At hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Ng dahil dun sa ginawa nya sa akin, nagbago na ang tingin ko sa kanya. Nung una palang nararamdaman ko na, na parang may kakaiba sa kanya eh. It turns out, I was right all along. I should've known. At di ko rin akalain na magugustuhan nya ako. Hays..
Narinig ko nanaman tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko iyon ulit at nakitang nag-message nanaman sa akin si Changbin. Napahinga ako ng malalim at binasa yung message nya.
From: lalaking mahilig sa dark
ok ka lang dyan? kumain ka na ba?
I shifted my gaze at my wall clock and saw that it's already pass 12 pm. I still haven't eaten anything yet since I woke up. Agad ako bumangon at pinatay na muli cellphone ko. I need to eat or else I'll get sick easily. Sakitin pa naman ako. Tumayo na ako at dumiretso na sa kusina upang ipaghanda ang sarili ko ng pagkain.
Maya-maya ay narinig ko nanaman tumunog yung cellphone ko mula sa aking kwarto. Pupuntahan ko na sana iyon ng biglang may kumatok sa pinto ko dahilan para matigilan ako. Who could that be?
Naglakad ako papunta sa pinto at sumilip dun sa may peephole. Nanlaki mga mata ko ng makita ko na si Yugyeom pala yung kumakatok.
"C-candice..."
Rinig kong sabi nya at kumatok muli. Agad ako napalayo sa pinto at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Fudge. Kumatok nanaman sya muli.
"C-candice, p-please. H-hayaan mo ako magpaliwanag sayo. Maniwala ka, hindi ko sinasadyang gawin iyon sayo.."
Pagmamakaawa nya at di ko na alam gagawin ko. Di ko alam bakit naiiyak nanaman ako.
"Candice...s-sobra akong nainis sa sarili ko ng dahil dun. I'm very sorry. Please, pagbuksan mo ako..."
Sabi nya. Sa mga oras na yun ay nakaramdaman ako ng kaba at takot. Kumatok sya ng kumatok sa pinto ko at napatakip nalang ako sa tenga. Maya-maya ay tumigil na rin sya sa pagkatok at saglit na tumahimik. Dahan-dahan ko inalis tong kamay ko sa tenga ko at muling naglakad papalapit sa pinto.
"Candice, it's me. Please open the door."
Mas lalong bumilis tong tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses ni Changbin. Agad kong hinawakan yung knob at pinihit ito. Ng mabuksan ko na yung pinto ay nakita ko na sya.
"Don't worry, pinaal–"
Di ko na napigilan ang sarili ko kaya lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. I buried my face in his chest and couldn't help but cry once again. Changbin slowly wrapped his arms around me as he keeps tapping my back to calm me down.
"Shh, don't cry. I'm here for you, always."
He whispered.
...
an: fucc, sana all huhu : (