Epilogue

512 17 11
                                    

Candice

"Papunta na po kami. Sige po, see you!"

Sabi ko at binaba na yung tawag. Napangiti ako tsaka napasandal. Narinig ko ang malalim na paghinga ni Changbin.

"Looks like they're also excited to see you."

Sabi nya at mas lalo naman akong napangiti. Matagal ko ng hindi nakikita sila Mama at ngayon ko lang ulit sila makikita ni Papa. Ngayon na ang araw ng uwi nila at papunta na kami ngayon ni Changbin sa airport para sunduin sila.

"Excited na rin ako makita sila."

"Talaga ba?"

"Oo, Mr. CEO."

I said and he just chuckled. Ilang araw na ang nakakalipas simula ng iannounce ng Dad nya na sya na ang bagong CEO ng Seo Corp. I'm proud of him of course. Pero hindi ko pa rin makakalimutan yung pag-amin nya sa lahat ng tao na girlfriend nya ako. Kaya tuloy pag lumalabas ako ang daming lumalapit sa akin. I can't believe he has the guts to do that.

"Um, hihintayin ko nalang kayo–"

"Diba napag-usapan na natin to kagabi?"

Pagpuputol ko agad sa kanya at napalunok naman sya. Ngayon ko lang sya nakitang kinabahan ng ganto at sa mga magulang ko pa sya kinabahan ah!

"Wag ka ngang kabahan. It's not like they're gonna eat you alive."

"Di mo kasi naiintindihan eh. What if they don't like me?"

Sabi nya at napabuntong hininga naman ako. Ang kulit talaga nitong lalaking to.

"You're overthinking. They'll like you for sure. Just try to relax."

"Easy for you to say."

He scoffed. At pinigilan ko lang na wag tawanan sya. Tahimik lang kami buong byahe at di ko alam bakit ramdam na ramdam ko yung kaba nito ni Changbin. Hindi naman ako kinabahan ng ganto nung pinakilala nya ako sa Mom and Dad nya nung announcement day.

Maya-maya ay nakarating na kami sa airport. Medyo marami-rami rin ang mga tao dito at mabuti nalang nakahanap agad kami ng mapaparkingan. Ng maipark na ni Changbin yung kotse nya ay agad ko ng tinanggal tong seatbelt ko.

"Teka, baka mauhaw yung mga magulang mo. Bibili lang ako ng–"

"Hindi ka bibili ng kung ano. Tara na."

Sabi ko at niyaya na sya palabas. Napakamot nalang sya sa ulo nya at lumabas na rin. He immediately approached me then held my hand. My heart began to beat fast and I try hard not to blush.

"Let's go."

Sabi ko at naglakad na kami papunta sa may waiting area. Marami rin ang mga naghihintay dito. Hinigpitan naman ni Changbin ang pagkapit nya sa kamay ko dahil baka daw mawala ako bigla.

Sumilip ako at hinintay na makalabas sila Mama. When I finally saw them, I smiled and began waving my hands at them.

"Ma! Pa!"

Tawag ko at agad silang napatingin sa akin. Parehas silang napangiti at agad ko niyaya si Changbin para abangan sila.

"ANAK!!"

IT'S YOU. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon