Candice
"Tara na, dali!"
Excited na sabi ni Hailee habang hinihila nya ako palabas ng Park Department. Saktong pagtapos ng shift namin ay niyaya agad ako netong babaeng to para mamili na ng susuotin ko para dun sa anniversary party. She's been excited like this ever since earlier.
"Teka, san ba tayo mamimili?"
Nagtataka kong tanong. I literally don't know where are we going and I don't know why I'm just letting her drag me like this.
"Basta! You'll love it for sure!"
Sabi nya ng di lumilingon sa akin. I just sighed and just let her drag me. Umikot-ikot kami sa buong kalye kakahanap dun sa shop na pinagmamalaki neto ni Hailee. Kaibigan nya daw kasi nagmamanage nun kaya gusto nya dun daw kami mamili.
"Hailee, sigurado ka ba na alam mo kung san yon?"
"Of course, duh!"
She said with so much sassiness. Napabuntong hininga nalang ako. Matapos ang ilang minutong kakaikot ay sa wakas nahanap na rin namin yung shop na yun. Napatingin ako dun sa store na yun at nakita yung mga gowns na nakadisplay dun sa bintana. They're beautiful, but God knows how much does those gowns cost.
Natauhan ako ng hilahin na ako ni Hailee papasok sa shop. Pagpasok palang namin sa shop ay amoy bulaklak. And the whole place looks elegant, even the ladies here looks elegant.
"Hailee!"
Parehas kaming napatingin sa gilid at meron nakitang isang magandang babae. Agad naman lumapit si Hailee sa kanya at nagyakapan sila.
"Hi! Kamusta ka na?"
"Ok lang naman!"
Sabi ni Hailee at nagkamustahan pa sila. Pagtapos ay lumapit na ulit sa akin si Hailee at pinakilala ako dun sa babae na nangangalang Tamara.
"Hello, Candice."
Nakangiting bati sa akin ni Tamara. I did the same. Pinaliwanag naman ni Hailee kung anong pakay namin dito sa shop nya. Tumango-tango nalang si Tamara habang nakikinig kay Hailee.
"So, meron ka bang dress dyan na babagay sa kanya?"
"Of course, we have plenty of dresses that'll suit her! Come, andito sila."
Sabi ni Tamara at niyaya kami sa isang closet room. Pagbukas nya ng ilaw ay di ko maiwasan mamangha ng makita ang dami ng mga gowns tsaka cocktail dress na nandun. Woah, imagine kung ganto kadami at kaganda damit mo.
"So Candice, what do you like?"
Tanong nya sa akin. Napalunok ako dahil sa kaba at ngumiti ng parang ewan sa kanila. Oh fudge, makakapili ba ako?
Medyo natagalan ako sa pagpili. All of them are beautiful. But the problem is, their price are higher than my grades back in highschool. Sabi naman sa akin ni Hailee na wag ko na problemahin yun dahil sya na daw bahala sa lahat. Ayoko pa naman sa lahat na pinaggagastusan ako ng malaki pero pinilit pa rin ni Hailee na wag ko na nga daw yun problemahin at pumili nalang ako. Hays.
After going through the racks, I finally saw the dress that I think would best fit in me. At para sa akin, eto na ang pinaka-maganda sa lahat ng nakita ko. I grabbed the dress then showed it to them."Omg! Yan na napili mo?"
Nakangiting tanong sa akin ni Hailee. At tumango nalang ako. Well, ang simple lang nung dress pero very elegant sya tignan. But, I don't know if this would fit me well. Natauhan ako ng biglang hawakan ni Hailee tong braso ko.
"Tara! Sukat mo na!"
• • •
"Salamat, Tamara!"
"Anytime! Basta kung kailangan nyo ng dress, andito lang ako!"
Sabi ni Tamara. Ng makapagpaalam na kami sa kanya ay lumabas na kami sa kanyang shop. Ng makalabas na kami ay napatingin ako dun sa paperbag kung saan andun yung dress na susuotin ko.
"Hey, ok lang?"
"O-oo naman. Medyo nahihiya lang ako kasi ikaw na nagbayad.."
Sabi ko. Ngumiti naman sya sa akin at hinawakan tong kamay ko.
"Don't worry about me, Candice. Kaibigan kita at naging mabait ka sa akin. I would love to buy you whatever you want. Isipin mo nalang na maagang birthday gift ko na yan sayo!"
Sabi nya. Napangiti nalang rin ako at niyakap sya. Niyakap nya rin ako pabalik.
"Thank you, Hailee.."
"Your welcome!"
Sabi nya. Kumalas na kami sa yakap at sakto naman kumulog na tong tyan ko. Shocks, nagugutom na ako. Narinig kong tumawa si Hailee.
"Tara! Kumain na tayo!"
"Hehe, sige.."
Sabi ko. Kumapit naman sa braso ko si Hailee at sabay na kaming naglakad paalis. Napaisip ako, magugustuhan kaya ni Changbin tong damit ko?