Candice
Nagising agad ako ng marinig kong tumutunog yung alarm clock ko. Pinatay ko agad iyon at saglit na napatitig sa kisame. Di ko akalain na mapapanaginipan ko iyon. It was the day when I first met Changbin. Naaalala nya kaya rin iyon? Malamang hindi. Wala namang pake yun eh. Hays.
Bumangon na ako at inayos na yung kama ko. Ngayon na pala yung party. The party will start at 6 pm sharp at dun mismo sa Seo Corporation gaganapin iyon. Sabi naman ni Changbin na meron silang grand ball room dun and so on.
Dumiretso ako sa closet ko at nakita yung damit na binili namin ni Hailee. I can't believe na susuotin ko na to mamaya. Napahinga nalang ako ng malalim at naligo na.
• • •
"Ano??"
Di makapaniwala kong sabi. Tumawag kasi si Hailee at sinabi nya na wag na daw ako pumasok at sinabi nya rin na ipinaalam nya na ako kay Madam.
"Thank me later nalang."
"Pero bakit?"
"Syempre, para maayusan kita duh! Alam naman ni Madam na isinama ka ni Changbin dun sa anniversary party nila eh."
Paliwanag nya at napabuntong hininga nalang ako. Well, ok na yun. At least may oras pa ako para makapag-isip ng plano kung pano pigilan yung dalawang lalaki.
"Candice?"
"Sorry, may naisip lang ako."
"Don't tell me nag-iisip ka ng plano dyan kung paano mo ililigtas yung Seo Corp?"
Sabi nya. At di naman agad ako nakapagsalita. I heard her sighed on the other line.
"Candice."
"Sorry, ok? Nakakaexcite nga yung party pero alam mo naman yung mangyayari habang nag-eenjoy yung mga tao dun."
"Hay nako. Si Changbin na bahala dun. Akala mo lang na wala syang pake, pero paano kapag nakaisip na sya ng plano kung paano yun pigilan? You just don't know."
Sabi nya. She got a point though. Matalino at madiskarte naman yun si Changbin kaya posible rin na nakaisip na sya ng plano.
"Fine."
"Good girl. Sige na, magtratrabaho pa ako. Baka mahuli pa ako ni Madam. I'll be at your house at 4pm!"
"Ok sige."
"Bye-bye!"
And after that, the call ended. Muli akong napabuntong hininga at napasandal sa upuan na inuupuan ko. I hope na may plano na si Changbin para dun sa mangyayari mamaya. I would be excited to go if I didn't hear what they said.
• • •
Saktong 4pm nakarating si Hailee sa bahay ko. Sobrang dami nyang dala at halos puro make-up nya lang iyon.
"Syempre no, kailangan prepared ka."
"Sus. Paano mo ba ako aayusan?"