Candice
Nakaupo kami sa may lobby habang nilalagay ng yelo ni Jihyo tong paa ko. Di ko pa rin mapigilang umiyak. Nag-aalala ako kay Changbin at kinakabahan ako sa kung san man sya pumunta ngayon. Gusto ko syang habulin. Gusto ko syang yakapin. Gusto kong alisin yung sakit na nararamdaman nya.
"Tahan na, Candice..."
Sabi sa akin ni Jihyo habang dahan-dahan tinatapik tong likod ko. Inabutan nya ako ng panyo. Nagpasalamat naman ako at kinuha mula sa kamay nya yung panyo. I wiped away all the stray tears on my face when Changbin's friend suddenly appeared.
"Si Changbin, asan??"
Nag-aalala nyang tanong. Agad naman syang lumapit sa akin at hinawakan tong balikat ko.
"Candice, asan si Changbin??"
"H-hindi ko alam k-kung san sya pumunta..."
Nanginginig kong sabi. Magtatanong pa sana sya pero agad syang sinaway ni Jihyo.
"Felix, ano ba. Hayaan mo munang kumalma si Candice."
Napahaplos nalang sa noo si Felix at lumayo na sa akin. Napayuko nalang ako at napatingin sa paa kong namamaga ng dahil sa pagtulak sa akin ni Changbin. Naiintindihan ko naman si Changbin. Kaya lang naman nya nagawa yun eh dahil sa sobrang galit.
"Yan. Wag mo na muna masyadong igalaw yang paa mo.."
Sabi sa akin ni Jihyo at tumango nalang ako. Magsasalita pa sana sya ng biglang lumapit sa akin si Felix.
"Alam ko na kung san sya pumupunta. Di ko sure kung dun talaga sya pumunta. Pero alam kong lagi syang pumupunta dun pag may problema sya.."
Sabi nya at biglang inilahad sa harapan ko yung kamay nya.
"Sumama ka sa akin, Candice. Ikaw lang ang tanging makakausap kay Changbin.."
Sabi nya at napatingin naman ako kay Jihyo na tumango nalang. Muli akong napatingin kay Felix.
"Felix, alalayan mo sya ha."
Paalala ni Jihyo.
• • •
Habang nasa byahe kami ay di ko naman maiwasan mag-alala kay Changbin. I just hope he doesn't hurt himself. Maya-maya ay nagitla ako ng biglang hampasin ni Felix yung manibela. I turned my head to look at him and saw tears falling down on his face.
"Kasalanan ko to. Alam kong galit na galit si Changbin sa Mom nya. Pero, nagmakaawa sa akin Mom nya at gustong-gusto syang makausap. Wala na akong nagawa kundi pagbigyan sya..."
Sabi nya at di ko naman maiwasan maawa sa kanya.
"H-hindi mo kasalanan to. You did the right thing. At...nasaktan lang si Changbin."
I said and he just heaved a long sigh. I just sit back and prayed na sana ok lang si Changbin kung nasan man sya ngayon. Ilang oras na kaming nasa byahe at di ko naman alam kung saan kami papunta. Napatingin ako sa gilid ko at nakita yung dagat sa di kalayuan.
"Naalala ko na sinamahan ko dito si Changbin nun. Yun yung araw na nag-away sila ng Dad nya. He said na dito sya lagi pumupunta pag may problema sya at dito rin daw sya kumakalma. I just hope he's really here.."
Sabi ni Felix at huminga nalang ako ng malalim. He parked the car in the side and we immediately got out of his car. Once we got outside, the night breeze sents shivers down my spine. Halos onti lang ang tao ang nandito sa dagat dahil gabi na. Naramdaman ko nanaman sumakit tong paa ko at agad naman ako inalalayan ni Felix.
"Baka mas lalo pang mamaga yang paa mo. Maiwan ka nalang muna–"
"K-kaya ko to. K-kailangan natin mahanap si Changbin.."
I said reassuringly. He looked at me worriedly and he just sighed. Sinimulan na namin hanapin si Changbin. We looked everywhere and there is no sign of him. We are almost losing hope but we didn't give up and continued searching for him.
"Ayun si Changbin!"
Sabi ni Felix sabay turo dun sa may shore. Nakita na namin si Changbin na nakaupo dun sa buhangin malapit sa mga alon. Inalalayan naman ako ni Felix papalapit sa kanya.
"S-sige na, ako na kakausap sa kanya.."
Sabi ko at dahan-dahan nya naman ako binitawan. Ngumiti nalang ako kay Felix at napatingin na sa kinaroroonan ni Changbin. Huminga ako ng malalim bago maglakad papalapit sa kanya. Paika-ika akong maglakad pero tinitiis ko lang para makalapit kay Changbin.
I stood a few meters away from him. I gulped hard and tried to call him.
"C-changbin.."
I said but he didn't bother turning around to look at me. Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo sa tabi nya. I slowly turned my head to look at him. He had his head hung low as endless tears escapes from his eyes. He sobbed quietly, which breaks my heart.
"Bakit pa sya bumalik?"
He suddenly asked without looking at me. Naramdaman kong nadudurog tong puso ko habang pinagmamasdan sya.
"Akala ko ba kinalimutan nya na kami? Why did she come back? Why did she have to show up?"
"Changbin, bumalik sya dahil mahal nya kayo. At dahil pamilya nya kayo."
I said and tried to hold his hands. He chuckled and a bitter smile formed on his lips.
"Mahal nya kami? Kung mahal nya man kami, hindi nya dapat kami iniwan. Hindi na dapat sya sumama sa lalaking yun."
Sabi nya. Dahan-dahan naman syang tumingin sa akin at sobrang pula na ng mga mata nya.
"She doesn't love us. Maybe she's just forced to come back here and don't really mean what she said!"
Pasigaw nyang sabi at napahinga naman ako ng malalim. Naramdaman kong may namumuong luha sa gilid ng mata ko.
"Naiintindihan kita, Changbin. Pero, nanay mo pa rin sya. She gave birth to you and she raised you to become a better person. She loves you more than anything in this world. She might not be there watching you grow up and become successful, but she's very proud of you for making it this through. She has come all the way here to apologize to you. Naglakas loob sya kahit na alam nyang ayaw mo syang makita.."
Sabi ko at umiwas naman sya ng tingin sa akin. Tears started to pool in my eyes. Bigla naman humangin at wala akong ibang marinig bukod sa mga alon na tumatama dito at ang tibok ng aking puso.
"Sometimes we have to forgive people no matter how much they hurt us. Forgiving is better than ignoring. Kung hindi nya kayo mahal, bakit pa sya nagpunta sa inyo? Changbin, let her explain. Oo sobrang sakit para sa iyo. Pano pa kaya yung Mom mo? It must be hard for her too.."
Sabi ko at napayuko muli sya at humikbi. Dahan-dahan kong ibinalot tong kamay ko sa kanya at niyakap sya. And I just let him sobbed in my embrace. I closed my eyes and feel the beating of my heart. Ramdam ko ang sakit nya.
And all I could do was to hug him.
...
an: sorry kung ang corny hnggg