Candice
"Candice?"
Natauhan ako ng tapikin ni Hailee ang aking balikat. Agad ako napatingin sa kanya.
"Ok ka lang? Kanina ka pa nakatulala dyan."
Sabi nya. Napayuko ako at napahinga ng malalim.
"Ok lang ako..."
"Kung inaantok ka pa, pwede ka naman matulog muna. Ipapaalam nalang kita kay Mada–"
Agad ko sya pinigilan ng tangkain nyang pumunta sa opisina ni Madam.
"W-wag na. Ok lang talaga ako."
"Sure ka? Kase kanina ka pa ganyan eh.."
Sabi nya at naupo na muli sa upuan nya. Napakagat ako sa aking labi habang iniisip ko kung ikwekwento ko ba sa kanya yung pag-uusap namin ni Changbin kagabi o wag na. Napahinga ako ng malalim at wala na akong nagawa kundi ikwento nalang. She's my friend after all and I trust her.
Kwinento ko sa kanya yung nangyari kagabi mula dun sa nakita ko si Changbin sa cafe hanggang dun sa pag-uusap namin ng ihatid nya ako pauwi. Tahimik lamang si Hailee habang nakikinig sa akin. Pagtapos kong magkwento ay napatingin ako sa sahig.
"Sa totoo lang, medyo nasaktan ako sa sinabi nya. H-hindi ko lang masabi sa kanya kagabi.."
Pag-amin ko. Hinawakan naman ni Hailee kamay ko.
"Naiintindihan kita, Candice. At tsaka, hayaan mo na yung sinabi nyang yun. Di nya man lang naisip ang mararamdaman mo bago nya sabihin lahat ng yun sayo."
Sabi ni Hailee. It's kinda my fault too. He was trying to explain but I was being selfish again and didn't let him to do so.
"Don't worry, Candice. Andito lang ako para sayo."
Dagdag nya. Napatingin ako sa kanya at napangiti.
"Salamat, Hailee."
Sabi ko. Laking pasasalamat ko na dumating si Hailee sa aking buhay. She's the only one who understands me and the only one who cared for me. Kasama na rin dun si Hyunjin. Pero minsan kase mas komportable akong mag-kwento kay Hailee at medyo naiilang ako minsan kay Hyunjin.
"Anong nangyari?"
Sabay kaming napatingala at nakita si Hyunjin. His face looks worried as he look at me straight in the eye.
"Sinong umaway sayo?"
Dagdag nya. Napangiti ako at napailing-iling nalang.
"Wala, baliw. May naalala lang kasi ako."
"Ano naalala mo?"
Tanong nya. Sumingit naman si Hailee.
"Mamaya mo na alamin. Tara na magtrabaho na tayo baka mahuli pa tayo ni Madam."
Sabi ni Hailee at bumalik na sa kanyang ginagawa. Napatingin ako kay Hyunjin and promised him na ikwekwento ko sa kanya mamaya. He just nods his head and went back to his place. I turned my swivel chair to face the computer screen. Muli akong napabuntong hininga for the nth time at pinagpatuloy na yung ginagawa ko.
• • •
Lunch time na at naisipan namin kumain sa malapit nalang. Nakakatamad kasi maglakad. Hahaha. Di rin namin alam kung bakit wala si Yugyeom ngayon. Siguro busy sya o may inaasikaso lang. Who knows.
"Malapit na pala yung anniversary party no."
Sabi ni Hailee. Oo nga no, tatlong araw nalang pala ang natitira. Medyo kasi pre-occupied tong utak ko ni hindi ko namalayan kung anong araw na.
"I still don't get it na bakit ikaw yung inimbitahan ni Changbin. Knowing him, iniignore ka lang nya dati."
Sabi nya. Oo nga eh. Medyo naguguluhan pa rin ako kung bakit ako ang napili ni Changbin. Agad naman syang sinaway ni Hailee.
"Di porket alam nya na gwapo sya at maraming baliw na baliw sa kanya eh ganyan na sya. Candice deserve someone better than him."
Sabi naman ni Hailee at natawa nalang ako.
"Someone like me?"
Sabi naman ni Hyunjin. Tinignan ko sya at natawa nalang ulit.
"Hay nako. Mga galawan mo talaga. Alam mo ba Candice na–"
Di na natapos ni Hailee sasabihin nya ng takpan ni Hyunjin bibig nya. Eto nanaman sila.
"ANYWAYS, tara na bumalik na tayo. Marami pa tayong gagawin. Ikaw na magbayad Hailee."
Sabi ni Hyunjin at tumayo na. Tumayo na rin kami at kinuha ko na gamit ko.
"Anong ako?! Diba sabi mo libre mo ngayon?!"
"Wala akong sinasabi!"
At yun nagsigawan ang dalawang kupal ni hindi man lang mahiya. Ng makapagbayad na kami ay sinabi kong mag-ccr lang ako saglit.
"Sige, hintayin ka namin dito."
Sabi naman ni Hailee. On my way to the comfort room, a guy suddenly bumped into my shoulder. I looked at him and he just completely ignored me and continued walking. Tch. Di man lang nagsorry.
Ng matapos na ako mag-cr ay maglalakad na sana ako palabas when I suddenly overheard two men talking about the Seo Corporation.
"Alam mo na yung plano, diba?"
Dahil dun, napatigil ako at pinakinggan yung sinasabi nila. I hid behind a plant at sinubukan tignan yung mga nag-uusap. There are two of them and the other one was the guy who bumped me earlier.
"Sa friday na yung party nila. At dapat kumilos na tayo habang nagpapakasaya pa yung mga tao. Panigurado walang makakahuli sa atin dun."
"Oo. Kailangan makuha natin lahat ng mga pera nila. At Kailangan natin patumbahin yang Seo Corp na yan."
My eyes grew wide ng marinig ko yung mga sinabi nila. Patumbahin ang Seo Corporation? Sa mismong party?? Oh fudge. Kailangan malaman ni Changbin to! I hurriedly walked outside at nakitang nagtatalo nanaman yung dalawa.
"Candice, bakit ang tagal mo?"
Tanong nila. I just smiled at them.
"W-wala. Tara na."
Sabi ko. At naisipan ko na puntahan mamaya si Changbin. And tell him everything I heard before it's too late!