Candice
"Ngayon mo talaga sya iinterviewhin?"
Tanong sa akin ni Hailee. Tumango naman ako habang inaayos ko na gamit ko. Tsaka si Madam na rin mismo nagsabi na ngayon ko na iinterviewhin yung anak ni Mr. Seo.
"Anong oras ka babalik?"
Tanong naman sa akin ni Hyunjin habang pinagmamasdan nya akong ayusin yung gamit ko. Nagkibit balikat nalang ako sabay sabing,
"Di ko alam. Siguro kung anong oras man matapos yung interview."
Lumapit naman sa akin si Hailee tsaka niyakap ako na para bang ilang buwan akong mawawala.
"Mamimiss kita Candice!"
"Jusko, mga ilang oras lang ako mawawala."
Sabi ko at natawa ng onti. Kumalas na sya at kinuha ko na yung mga kakailanganin ko para sa interview. Pagtapos ay humarap ako sa kanilang dalawa tsaka ngumiti.
"Wish me luck, guys!"
"Goodluck Candice! Kaya mo yan!"
Sabi nilang dalawa sa akin. Nagpaalam na ako sa kanila tsaka umalis na. Bago ako tuluyang umalis ay dumiretso muna ako sa opisina ni Madam para makapagpaalam rin sa kanya. Pagtapos ay lumabas na ako.
Sana makayanan ko to. Tiwala lang!
• • •
Nag-taxi ako papunta dun sa Seo Corporation. Pagbaba ko ng taxi ay di ko maiwasan mamangha ng makita ko ang napakalaking building ng Seo Corp. Napaisip ako, ilang floors kaya meron tong gusaling to?
Napatingin ako sa mga nagtratrabaho dun na labas-pasok sa building. Grabe, ang professional nila tignan. Lahat sila nakaitim at ang seryoso ng mga mukha nila. Bakit parang bawal ata ngumiti dito?
Huminga ako ng malalim at naglalakad na papasok sa Seo Corp. Pagpasok ko ay ramdam ko na agad ang malamig na hangin ng aircon nila. Di ko nanaman maiwasan mamangha. Sobrang laki ng lobby nila, parang isang grand ball room. Di ko tuloy maiwasan mailang ng makita kong pinagtitinginan ako ng iba. Mga naka-formal kasi ang karamihan na nandito samantalang tong suot ko ay casual lang.
Inayos ko na sarili ko tsaka naglakad papunta sa receptionists' table. Paglapit ko ay nginitian naman ako nung babae na nakatayo dun. Di ko maiwasan magandahan sa mga ngiti nya.
"Good afternoon, Ma'am. How may I help you?"
Bati nya. Wow, napaka-professional rin ng boses nya. Napalunok ako bago magsalita.
"Umm, I'm Candice and may schedule ako for an interview sa anak ni Mr. Seo."
"Ah, yes. You may take a seat po muna at iinform ko na po sila."
Sabi nya at tumango nalang ako. Naglakad na ako papunta sa may waiting area at naupo dun sa sofa. Fudge, ang bilis ng tibok ng puso ko. Kalma lang, Candice. Makakaya mo rin to.
Ilang minuto rin ako naghintay. Nilapitan naman ako nung babae na nakausap ko dun sa receptionists' table at binigyan nya naman ako ng tubig. Nagpasalamat ako sa kanya at sinabi nyang naghahanda na daw yung anak ni Mr. Seo. Oo nga pala, ano kaya pangalan nung anak ni Mr. Seo?
"Umm, teka–"
Di ko na natanong dahil nakaalis na pala yung babae. Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa sofa. Hays, malalaman ko rin naman pag nainterview ko na sya. Matutong maghintay, Candice.
Naghintay ako ng naghintay. Feeling ko ang tagal ko na dito. Bakit ang tagal naman maghanda nung lalaking yun? Daig nya pa yung babae kung maghanda, charot lang.
Maya-maya ay tinawag na ulit ako nung babae at sinabi nyang pwede ko ng mapuntahan yung anak ni Mr. Seo. Omg, this is it. Muli akong nagpasalamat sa kanya at dumiretso na sa elevator. Sabi nya sa akin na nasa 10th floor daw yung opisina nung anak ni Mr. Seo. Grabe, ang taas naman.
Pagbukas ng elevator ay pumasok na ako at pinindot agad yung number 10 na button. Mabuti nalang rin wala akong kasabay. Para makapagpractice na rin ako ng sasabihin ko. I began clearing my throat and keeping a straight face.
"Hi. I'm Candice from the Park Department and I'm a journalists– wait, ang panget."
Sabi ko. Nagpractice ako ng nagpractice hanggang sa makarating na ako sa 10th floor. The door slowly opened and I saw a very few people. As in, ang onti lang ng tao na nandito kumpara sa dami ng tao dun sa lobby. Lumabas na ako ng elevator at di ko malaman kung saan ba yung opisina nung anak ni Mr. Seo. Mabuti nalang may lumapit sa akin at tinanong kung anong pakay ko dito.
"Umm, iinterviewhin ko po yung anak ni Mr. Seo."
"Ah, you're the one from the Park Department right?"
Sabi nya at tumango naman ako. Di ko alam kung magtataka ba ako o ano sa kung pano nya nalaman na taga Park Dept. ako eh. Tinuro nya naman sa akin kung nasan yung opisina at nagpasalamat naman ako sa kanya.
Dumiretso na ako sa opisina nya. Sinundan ko naman yung sinabi sa akin nung lalaki. Akala ko maliligaw ako pero buti nalang nakarating na rin ako sa opisina nya sa wakas.
Habang nakatayo ako sa tapat nitong mala-eleganteng pinto ng opisina nya, ay huminga muna ako ng malalim at ikinalma ang aking sarili. Fudge, eto na. Kaya mo to, Candice. Dahan-dahan ko itinaas tong kamay ko at kumatok sa pinto.
"Come in."
Rinig kong boses sa likod nitong pinto. Pinihit ko na yung knob at bumukas na yung pinto. Sumilip ako at pinagmasdan yung opisina nya. Halos puro itim ang nakikita ko. Itim yung walls, yung sofa, yung carpet. Maliban lang sa sahig na kulay puti na tiles. Mahilig sya siguro sa black? Pumasok na ako at dahan-dahan sinara yung pinto. I cleared my throat and began introducing myself.
"G-good afternoon, sir. I'm Candice, a journalists from the Park Department–"
"I already know you."
Bigla nyang sabi dahilan para matigilan ako. Napakunot naman tong noo ko. Kilala nya ako? Paano?
"P-pano mo–"
Di ko na natapos sasabihin ko ng biglang umikot yung itim na swivel chair sa harapan ko. Ng makita ko kung sino yung nakaupo dun ay nanlaki ang aking mata at halos mabitawan ko na yung mga hawak ko. S-sya ba talaga yan?
"C-changbin?!"