Candice
Dahan-dahan ako bumaba ng hagdan. Tinignan ko kung andun sya sa sala at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong wala sya dun. Huminga ako ng malalim at mabilis na dumiretso sa kusina at natigilan ako ng makita ko si Changbin dun. He sipped his coffee as he turned his head to look at me. Ng magtama ang mga mata namin ay bigla ko nalang naalala yung nangyari kagabi. Fudge!
Babalik na sana ako sa taas ng bigla nya akong tawagin.
"Where are you going?"
Tanong nya at napakamot naman ako sa ulo ko habang nag-iisip ng sasabihin.
"Um..."
He then chuckled and walked towards me. Akala ko anong gagawin nya pero inabutan nya lang pala ako ng isang mug na may laman ng kape. Napatingin ako dun sa kape at sa kanya. A small smile formed on the corner of his lips.
"Tara, dun tayo sa balcony."
Sabi nya at nauna ng naglakad. Napahawak naman ako ng mahigpit sa mug ng maramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Fudge! Bakit kinikilig ako?! Ikinalma ko ang aking sarili bago sumunod sa kanya sa balcony.
Ng makalabas ako sa balcony ay di ko maiwasan mamangha dahil ang ganda pala dito pag umaga. Tsaka ang sarap tumambay. Nakita ko si Changbin na nakatayo na dun sa may gilid habang pinagmamasdan yung view sa baba. Huminga ako ng malalim bago naglakad papalapit sa kanya.
I awkwardly stood beside him and take a sip on my coffee. It tastes bitter once again but I don't know why I'm enjoying it. Bitter coffee does taste great too.
"The view up here is beautiful, isn't it?"
Rinig kong tanong nya at tumango naman ako. Ang ganda nga pero malulula ka rin lalo na kapag takot ka sa matataas. I felt him glancing at me.
"But, you know what's more beautiful?"
"A-ano?"
Tanong ko at sinubukang humarap sa kanya. He smiled as he looked at me straight in the eye.
"You."
Ok, ang corny. Pero bakit nakakakilig lalo na galing sa kanya?! Fudge! I quickly looked away from him and drank my coffee to hide my blushing face. Di porket alam nyang mahal ko sya eh papakiligin nya ako ng ganyan ha! I sighed at napatingin sa baba.
"Hindi ko alam kung bakit ganto nararamdaman ko sayo.."
Bigla nyang sabi. Anong ibig nyang sabihin?
"Because everytime you're around, I've been having this weird feeling. Naisip ko na baka nacoconfuse lang ako o ano. But then I realize, I am not confused all along.."
Sabi nya. Dahan-dahan ako napatingin sa kanya hanggang sa magtama ang mga mata namin. Humakbang sya papalapit sa akin.
"Narealize ko na, nahuhulog na pala ako sayo.."
He said and his words made me feel soft inside. My knees began to feel weak. Fudge! He moved a strand of my hair away from my face. He slowly put down the mug on the side and closed the gap between us and kissed me softly on my lips.
Dahan-dahan kong pinikit tong mata ko at buong puso na tinanggap ang kanyang halik. Kinuha nya mula sa aking kamay yung baso at inilapag rin iyon sa gilid tsaka ibinalot ang kamay sa aking bewang. At ipinulupot ko naman kamay ko sa kanyang leeg.
Habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang halik. Sobrang bilis na ng tibok ng puso ko at parang sasabog na ito. Di ko akalain na aabot kami sa ganto. Di ko akalain na mahuhulog sa akin si Changbin. Kung dati lang, hinihiling ko na sana magustuhan nya rin ako.
Kumalas na sya at dahan-dahan lumayo sa akin. Ipinatong nya yung noo nya sa akin at napangiti nalang ako. He slowly grabbed my hand and planted a soft kiss.
"Candice..."
"Hmm?"
"Let's go on a date."
....
an: omg sorry kung ang corny! hnngg : ((