Hyunjin
Napasandal ako sa aking swivel chair tsaka napatingin sa bakanteng pwesto ni Candice. Ilang araw na syang hindi nakakapasok at sobrang miss ko na sya. Gustong-gusto ko na ulit sya makita. Gusto ko na ulit makita yung mga ngiti nya dahil yun lang ang tanging nagpapalakas sa akin. At ngayon wala sya, di ko alam bakit nalulungkot ako. Napahinga nalang ako ng malalim.
"Hyunjin."
Agad naman ako napatingala at nakita si Hailee.
"Ano?"
"Tara na, uwi na tayo."
Sabi nya. Tumango nalang ako at niligpit na mga gamit ko. Pagtapos ay sabay na kami naglakad. Ng makadaan kami sa may desk ni Candice ay may nakita akong isang bulaklak sa may gilid at medyo nalalanta na. Bigla ko tuloy naalala na pinasalamatan ako ni Candice dahil dyan sa bulaklak. Akala nya kasi ako ang nagbigay. Pero, hindi. I never gave that flower to her.
"Hyunjin? Ok ka lang?"
Natauhan naman ako ng hawakan ni Hailee tong balikat ko. Napahinga nalang ako ng malalim tsaka tumango.
"Oo. Namimiss ko lang si Candice.."
"Don't worry, babalik rin sya. Kailangan nya lang muna magpahinga ng ilang araw."
Sabi nya at bago kami umalis ay diniligan ko yung bulaklak na yun. Baka mamaya malungkot si Candice pag nakita nyang nalalanta na yung bulaklak. Pagtapos ay dumiretso na kami sa elevator.
Ng makababa na kami sa lobby ay meron kaming nakitang isang lalaki sa may entrance. Ng makalapit na kami ay saka lang namin sya nakilala.
"H-hailee.."
Sabi ni Yugyeom. Napatingin ako kay Hailee at nagtaka ako ng makita kong ang sama ng tingin nya kay Yugyeom. Teka, usually pag nakikita namin si Yugyeom kinikilig sya ah.
"Anong ginagawa mo dito?"
Seryosong tanong ni Hailee kay Yugyeom. At ako naman naguguluhan sa dalawang to. Ano bang nangyari??
"A-andyan ba si Candice?"
"Bakit mo sya hinahanap? Sa tingin mo ba gusto ka pa nya makita matapos mo syang bastusin, ha?!"
Pasigaw na sabi ni Hailee at nanlaki naman tong mga mata ko. Bastusin? Binastos nya si Candice? Naikuyom ko tong palad ko dahil sa inis.
"Anong ginawa mo kay Candice?"
Sabi ko at humakbang papalapit sa lalaking to. Mabilis kong hinawakan yung kwelyo ng damit nya at wala na akong pake kung pagtinginan na kami ng iba.
"Bakit ayaw mo sumagot, ha? Anong ginawa mo sa kanya?!"
"H-hindi ko sinasadya iyon! K-kaya ko nga sya hinahanap para humingi ng tawad sa nagawa ko!"
Sabi nya at mas lalo lang akong nainis sa sinabi nya. Sabi na nga ba sa una palang may kakaiba sa deputang to.
"T*ngina mong hayop ka!!"
Sigaw ko at sasapakin na sana sya pero agad ako inawat ni Hailee at pilit akong ilayo kay Yugyeom.
"T-tama na Hyunjin!"
"HAYOP KA! WALA KANG KARAPATANG BASTUSIN SI CANDICE!"
Sigaw ko at pilit na kumakawala. Napaluhod nalang yung lalaking yun sa harapan namin habang paulit-ulit humihingi ng tawad.
"T*NGINA MO! DEMONYO KANG BWISIT KA!"
Sigaw ko at hinila na ako palabas ni Hailee. Ng makalabas na kami ay agad ko inalis kamay ni Hailee sa akin at babalik na sana ulit sa loob pero hinarangan nya ako.
"Hyunjin, tama na! Please!"
Pasigaw nyang sabi. Tinignan ko sya diriteso sa mata.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin to?"
Tanong ko at napaiwas naman sya ng tingin sa akin. Naglakad ako papalapit sa kanya at hinawakan yung mga balikat nya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin yung ginawa ng lalaking yun kay Candice? Bakit!"
Pasigaw kong sabi. Napayuko nalang sya at humingi ng tawad sa akin.
"I-I'm so–"
"Akala ko ba magkakaibigan tayo, ha?! Bakit mo sinikreto sa akin to?!"
Sabi ko at paulit-ulit naman syang nagsosorry. Napailing-iling nalang ako at lumayo sa kanya.
"K-kaya hindi ko sinabi sayo dahil a-alam ko na magkakaganyan ka. A-ayaw na kitang mag-alala pa–"
"Mahal ko si Candice at alam mo yun! May karapatan din akong malaman dahil kaibigan nya rin ako!"
Sabi ko. Si Candice, kailangan ko syang mapuntahan.
"Asan si Candice? Asan sya?! K-kailangan ko syang mapuntahan!"
Sabi ko at di naman sya sumasagot. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad na paalis.
"H-hyunjin, saan ka–"
Di ko na sya pinakinggan pa at naglakad na paalis upang hanapin si Candice.