Chapter 29- Hitting Two birds in one stone

3.1K 137 18
                                    




ZAIDEN ICE POV

Nakalipas ang mga araw. Nag papanggap parin na kami pero ilag kami sa isa't isa, hindi lang namin eto pinapahalata sa mga kaibigan namin.. nasasaktan pa din ako sa pakikitungo niya. I know it hurts. But, i did'nt give up. Mahal ko eh even it hurts.

Andun padin yung sakit dahil sa sinabi niya saakin. Ganun naman siguro ang pag mamahal. Masasaktan ka pero mahal mo parin.

napag planohan nila Lex na pumunta kami sa isa sa vacation house nila pero syempre hindi alam ng tatlong mag kakaibigan na kila Lex yun. Dahil secret parin na isa akong Sinclair at isa din sila sa makapangyarihan na pamilya.


Kaya naman ngayon, andito ako nakaupo sa buhangin at nakatingin sa kawalan. Hayy..



"Dude! Andito ka pala. kanina ka pa namin hinahanap. And it's already lunch time." Nag aalalang sabi ni Dems at umupo sa tabi ko habang nakatingin din sa dagat.


"May problema ba Zai? napansin ko kasi this past few days lagi kang tahimik at parang laging may iniisip." Napatingin naman ako sakanya at ngumiti ng tipid.


"Asan sila Lex?" Pag iiba ko ng sagot. Hindi pa kasi ako handang sabihin sakanila dahil na din alam kong mababatukan ako at magagalit sila. Mas okay na sarilihin ko na muna.

"Andun nag luluto ng bbq kasama niya sila Ams at Yas. Pati yung tatlong mag kakaibigan." Nag bugtong hininga nalang ako. Sinama kasi ni Lex sila Maddy at Ingrid. Syempre pati na din si Winter kasama, dahil daw gf ko naman siya, kahit fake lang.


Tumango lang ako bilang sagot. "Tara dude, kain na tayo alam kong gutom na din alaga mo sa tiyan" natatawa niyang sabi at tinuro pa niya ang tiyan ko.


"Tara na nga. Baka ikaw pa makain ng tiyan ko." Biro ko at nanlalaki ang mata niya.


"Dude, na ngangain ng tao yang tiyan mo?" gulat na sabi niya at mabilis ko siyang binatukan ng kina-aray niya. Puro kasi kalokohan ang asa isip. Pero thankful ako dahil kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko.

"Gago, tara na nga puro ka kalokohan." Sabi ko at iniwan na siya mag isa habang humahagalpak siya sa tawa. Abnormal talaga.




*****

Nakita ko naman busy na nag iihaw ng bbq si Lex pati na din si Yas. Habang si Ams naman ay nag aayos ng table sa may cottage. Hindi ko na din makita ang tatlong mag kakaibigan. Siguro nag swimming na sila.


Nakangiti akong dahan dahan lumapit kay Ams dahil nakatalikod siya mula saakin.



"BOOOO!!!"



"AHHH!!" Hiyaw niya at mabilis niya naman akong pinag hahampas ng hawak niyang plato. Buti nalang plastic eto kung hindi kanina pa basag ang muka ko.


"walang hiya ka talaga Zai!! Lagi mo nalang ako ginugulat!" Inis niyang sabi habang patuloy parin sa pag hampas sa braso ko.


"Hahahha! Magugulatin ka parin talaga kahit kailan Ams. When you see your face. Ang epic eh! Hahahaha!" Tawang tawa kong sabi pero pinag hahampas niya parin ako. Dahil nakaramdma na ako ng sobrang sakit ng braso ko. Sigurado akong namumula na eto.

Sakto naman hahawakan ko sana ang dalawa niyang kamay para pigilan pero natapilok siya ng kinatumba naming dalawa.


Nanlalaki naman ang mata ko dahil nakaupo sa masilang parte ng aking katawan.


"A-ams?" Nauutal kong sabi dahil hindi parin siya umaalis sa top ko.


Sinclair Series #1: Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon