ZAIDEN ICE POV"Darating ngayon ang mga pinsan mo. Kaya kailangan mo mag ayos. Tsaka, na natin pag usapan ang tungkol sa narinig ko kanina." sabi ni dad at agad din etong umalis kaya naman lumuwag ang pag hinga ko dahil pigil hininga din kaya ako. Nakakatakot kasi talaga si dad pag seryoso eh.
"Wew! Grabe Zai, katakot talaga si tito. Kinabahan ako dun." Bumuga naman siya ng hangin na tila kanina pa din niyang pinipigilan. Hahahaha!
"Pero, alam kong kakausapin parin tayo ni dad about sa narinig niya." May himig na kaba saakin boses. Ilang beses ko ng sasabihin na nakakatakot talaga si dad pag galit at seryoso. Baka mapag tripan kaming itali ng patiwarik sa bukanan ng ilog kasama ang alaga niyang crocodile.
Tama kayo. Crocodile. Iba din trip ng aking ama. Hayy..
"Maiba nga tayo. Sinong pinsan mo ang darating?" Takang tanong ni Lex kaya naman napaisip ako. Dahil, ang kilala ko lang na mga pinsan ko ay nang galing pa sa ibang bansa. Siguro bakasyon nila. Kaya sila pupunta dito.
"Ang alin?" balewala kong sabi. Binatukan naman ako ng gago.
"Malamang Isa din na Sinclair. Wala talaga toh. Puro kasi Winter ang nasa isip kaya pati mga pinsan niya hindi na niya kilala. Tsk tsk tsk." Iling niyang at tinignan ko lang siya ng masama dahil masakit kaya ang batok niya. "Sana yung triplets. Ang cu-cute kaya nila." Natutuwang sabi ni lex. Bipolar talaga paiba-iba ang mood.
"Sino? Sila Xenon, Xion at Xena?" Sagot ko. Nag ningning naman ang mata ng gago sa huling pangalan na binanggit ko.
"Naku! Lex, may Maddy ka na wag mong taluhin ang pinsan kong si Xena baka makalaban mo pa ang dalawa niyang kapatid." Sabay hawak ng kanyang balikat at umiling-iling na parang naawa sa mangyayari sakanya. Gusto ko matawa sakanyang reaction na tila ba may inaalala. syempre malakas ang trip ko kaya kailangan kunwaring seryoso.
"Shit, naalala ko tuloy kung gaano kapasaway yung dalawang yun lalo na si Hunter." Ilang beses naman siya na pailing na tila horror ang kanyang naalala. Gusto kong matawa dahil yung pinsan kong yun eh mas nakakatakot pa kaysa saakin kung magalit. Maski ako takot sakanya.
etong si Lex kasi pinupurmahan niya dati si Xena, syempre babaero ang gago kahit kabata bata nun. Papatulan niya kahit ilang years pa ang agwat namin sakanila.
"Hahaha. Anu? Po-pormahan mo pa si Xena?" Pang aasar ko at agad naman etong umiling kaya natawa ako lalo ng maalala yung nangyari sakanya.
Sinubukan niya kasing halikan si Xena sa labi. Ayun nakita ng dalawa at kaya kumuha agad sila ng kadena at ginapos si Lex sa kamay at paa tapos kinaladkad papunta sa horse field na maputikan at tinali siya sa kabayo. Sumakay naman si Hunter sa kabayo na nakangisi. Habang si Xenon naman ay pinalo ang kabayo ang pwet. Kaya ang ending sigaw ng sigaw si Lex at syempre dakila kaming supportive na kaibigan. Tinawanan lang namin siya hahahaha.
"Hoy!" Sigaw na batok naman saakin ni Lex. Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Gago, bat ka nambabatok?!" Inis kong sabi.
"Eh paano tumatawa ka jan na mag-isa. Malamang sa malamang inaalala mo nanaman yung ginawa saakin ng mag kapatid na yun. Grabe ba naman kasi tinawanan ninyo lang ako. Kay galing." Sarcastic na sabi ni Lex sabay irap saakin kaya napatawa ulit ako.
"Cute mo kasi nuong time na yun. Muka kang sumisigaw na uling hahahah." Tumatawa kong sabi. Dahil buong katawan niya eh putikan at kasama na din yung tae ng mga kabayo. Hahahaha!
BINABASA MO ANG
Sinclair Series #1: Love at First Sight
Random-COMPLETED- Kung nag tataka po kayo kung bakit Chapter 17 na po agad. Continuation po eto dahil gusto ko po ituloy ang story na eto at kung hindi po maintindihan. Check nyu nalang po yung isa kong account. 'XyLoNer28'. Bago basahin po eto para maint...