Kabanata II

884 39 7
                                    

Gumising ako sa sikat ng araw. Mabuti nalang at may one way mirror window ang aking kwarto, kahit papaano, nalalaman ko kung umaga na. Tinignan ko ang orasan at nakita kong alas-onse na. Napabangon agad ako at bumaba kahit hindi pa naghihilamos. Nagtataka kung bakit hindi ako ginising ni Inay Fely.

"Ate Edith!"

Muntik pang matapon ang food tray na hawak ni Ate Edith na may lamang orange juice at vegetable salad. Tila nagulat pa sa aking itsura dahil hindi pa ako nakakapagsuklay man lang.

"Ma'am Carrie? Bakit hindi pa kayo bihis? Akala ko ay kinain ka na ng damitan mo. Ang sabi ni Manang Fely ay nagaayos ka na kanina pang alas-otso." Aniya habang may paghagikhik pa.

Napasapo ako sa aking noo. Napasarap ata ako masyado sa librong nabasa ko. Naalipungatan lang siguro ako nang kinatok ako ni Inay Fely. Nagbasa kasi ako ng panibagong libro kagabi, at malapit ko na itong matapos. Nawala lang ako sa pagmumuni-muni dahil sa pagkaway ng kamay ni Ate Edith sa aking mukha.

" Ma'am. Nalimutan niyo na po ba?"

"Ha? Ang alin po?"

"Ngayon po ang dating ng anak ni Sir Landon."

Napasapo na naman ako sa aking noo. Dali-dali akong tumakbo mula sala hanggang hagdan at iniwan si Ate Edith na umiiling na lamang sa pagiging makalimutin ko. Bakit naman kasi tanghali na ko nagising? Bago pa man din ako makaapak sa hagdan, may bumungad sakin na kakagaling lang sa kusina. His gaze was cold as ice na hindi ko kayang tumingin nang matagal. It's him.

"Hey, sleepy head."

Di ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I've never been this nervous in my whole life. Tinignan ko ang kabuuan niya, his eyes were caramel, katulad ni Tito Landon, his sharp nose and jawline, his dimpled plump lips at halata mo sakanya that he works out for his body. Ngayon ko lang masasabi to, but damn. How could a creature be this perfect? Umiling na lamang ako and saw him smirk. Kaya nagkunot ako ng noo.

"You should learn to wake up early, little girl." aniya at nilampasan ako para magpunta sa hardin.

Umakyat lahat ng dugo sa aking ulo. How dare he calls me little girl? Gwapo nga, arogante naman! Akala mo kung sino, kung ikukumpara naman ang ugali naming dalawa, mas malala pa yung pagiging immature niya dahil dumating sa puntong pinalayas siya sa kanila!

Nagmartsa ako pabalik ng kwarto at nagisip nang susuotin para sa araw na to. Ipapasyal ko nga pala yung lalaking yun. The nerve of that guy. I picked my clothes for today, after several minutes, napagpasyahan kong loose white v-neck shirt maong shorts pair with dark brown ankle boots na lang ang suotin ko. I was a little conscious on my outfit.

Naguguluhan akong lumabas ng pinto ng aking kwarto because I've never been this conscious.

"Tara na."

Halos mapaupo ako sa sahig. Bakit naman kasi nasa labas siya ng kwarto ko?! Ganoon na ba ko katagal o sadyang di lang siya marunong maghintay? Kainis.

"Can't you just wait outside?"

"Hmm. Labas naman to."

Wow. This guy really knows how to answer. I just rolled my eyes and walk passed him. Being rude isn't one of my plans but he's really pissing me off.

Dumiresto ako sa veranda at nagpakawala ng buntong-hininga. Ngayon ko lang napansin na di ko pa nakikita si Inay Fely. I glanced at the brute who keeps following me like a pet.

"Bakit mo ba ko sinusundan?"

His brow raised and chuckle devilishly. I just stared at him intently, watching his every move.

"Is that how you treat visitors, Caroline?"

The way he calls my name sent shivers down to my spine. What is this man doing to me? I kept a straight face while having the unusual feeling within me. Sasagot pa sana ako nang pabalang, nang sumagi sa isip ko ang bilin ni Mommy. I pursed my lips to hide my irritation.

"Iintayin ko lang si Inay Fely saka kita igagala sa --"

"Matagal pa daw si Manang Fely. May inaasikaso daw. I don't like to go somewhere else anyway." aniya habang nakatalikod sakin.

The anger boiled in me once again. He cut me off at hindi man lang makausap nang tino.

"Edi kung ayaw mo, huwag mo! Diyan ka na nga!"

I turned my back at magkatalikuran na kami ngayon. I stomped my feet angrily but just before I could take another step.

A tight grip held onto my wrist making me turned back and meet his cold gaze. We're only a few inches apart. Sinubukan kong makipaglaban sa titig niya pero ako pa rin ang unang nag-iwas ng tingin. Send help, 911.

"Where are you going?"

"Sa loob. Saan pa ba?" sabi ko habang di pa rin nakatingin sa kaniya.

"If you're going to be like this everyday, how am I supposed to deal with you for the rest of my stay here?"

He leaned closer. Naghuhuramentado na ang puso ko dahil ni isang lalaki, wala pang nakakalapit sakin nang ganito kalapit. I pushed him with all my force and thankfully, he let go. He just put his hands on his pockets.

"E-edi wag mo ko kausapin! Hintayin mo nalang diyan si Inay Fely. If you want to have access on wifi, alam ni Ate Edith ang password. I will just hire someone who will tour--"

"Tita El told me that no one will tour me, except you. Or should I just tell her that you don't want to?"

Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. This guy!

"I'll take that as a no. I'll be sleeping on the guest room. Guess you'll have to accompany me tomorrow, huh?"

Bumalik na siya sa loob ng mansyon at iniwan akong nakatunganga. He really is a brute! Not just a brute... but a manipulative arrogant brute!

Home  (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon