Kabanata XVIII

310 15 7
                                    

Hinayaan kong malublob ang aking talampakan sa dagat. I hugged myself as I felt the wind flew my hair and sundress. It's our free day and I decided to stay at the resort after the meeting. Malapit na ang isa sa pinakamalaking event dito sa Ria De Vigo. Tinanaw ko ang mga batang nagtatampisaw sa gilid ko.


Naalala ko ang mga panahon kung paano ako magtampisaw sa dagat habang nagrerelax ang mga magulang ko sa mga cottage. Kadalasan pa nga, ay may mga bodyguards pa ring nakabantay sa akin kahit maglalakad lakad lamang ako sa resort.


In some instances, naisip kong mawalay ako sa magulang ko para hindi ako bantay-sarado. Pero sa mga taong lumipas, I realized that having freedom is not just about being free from constraints, it's about pursuing genuine happiness. Malaya ka nga, pero hindi ka naman masaya. Get it?


Funny how my toxic trait turns out to be the one who'll ruin myself. I let things go away easily because I'm not a risk-taker. I like doing things all planned out and foreseeing the outcomes. Dapat walang palya. That's why when things get out of hand, I just loosen my grip and let fate does its part.


Pero magmula noong dumating siya, things always get out of hand. Hindi ko hawak ang nararamdaman ko. My decisions are often impulsive. And I hate to admit that this is not a stupid attraction anymore. No matter what he does makes my heart flutter.


Napagdesisyunan kong umuwi nang maaga. I would like to help Inay Fely cook some dinner tonight.


" Anong gusto mong ihain ngayong hapunan, iha? Para makapagluto na si Felicia at maihain pagkauwi mo." Nakatuon ang mga mata ni Itay Rene sa kalsada habang tinugon sa akin iyon.


"Huwag na po, Tay. I'll help tonight." Tumango siya sa akin at nagpatuloy sa pagmamaneho habang ako'y nakadungaw sa binatana, tinatanaw ang magagarbong bahay  na malapit lamang sa resort.


Nadatnan kong nagpupunas si Inay Fely nga mga vases sa living room. Habang ang ilang tauhan ay nagwawalis. Kinawayan ko si Inay Fely at dumiretso ng kusina. Nadatnan kong naggagayat na si Ate Edith ng sibuyas.


"Oh, Ma'am. Andito na po pala kayo. Naku! Wala pa pong hapunan!" Nagpapanic na sabi ni Ate Edith.

"Okay lang, Ate. Tutulong ako sa pagluto." Natawa na lamang ako sa inakto ni Ate Edith at tinulungan na siya sa pagluluto.

Sweet and sour fish ang inihanda sa hapunan. Galak na galak akong kumain dahil isa ito sa aking paboritong pagkain. Pinadalo ko na ang mga tauhan. Nagdasal muna ang lahat bago kumain.


"Carrie, tatawag si Eleanor mamaya." ika ni Inay Fely. Tumango ako at nagpatuloy sa pagkain. Sa kalagitnaan ng aking pagnguya ay bigla akong nasamid. Naging alerto ang lahat at binigyan ako ng tubig.


Nang ako'y nahimasmasan, ako'y napatawa. Sa sobrang sabik ko sa ulam ay nasamid pa ako.


"Nay Fely, bigyan moko number dali." Ani ni Ate Edith. Nagtatakang mata kaming lumingon lahat sa kaniya.


"Uno." tugon ni Itay Rene. Nagulat kami nang biglang umirit si Ate Edith.



"Edith. Nasa harapan ka ng pagkain." saway ni Inay Fely at agad namang sumunod si Ate Edith.

Home  (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon