Nagtipa ako ng mensahe para itanong kung nasaan na si Daddy pero hindi naman ito sumagot. Naging maingat ako sa pagbihis at pagbukas ko ng pinto. It was already five am in the morning. Magiisang linggo na ring maulan rito kaya ramdam pa rin ang lamig kahit madaling araw na.
I felt sore but I have no time to deal with it. Before I could even shut the door, I glanced at my man who was peacefully sleeping. Pinilig ko ang aking ulo dahil baka magdalawang isip pa akong umalis.
I stared at the roses scattered on the living room pati na rin ang mga naiwang pagkain.
Lumandas ang aking kamay sa aking katawan, inaalala ang nangyari kagabi. Lumabas na ako sa main gate at nakita kong naroon na ang kotse. Nang buksan ko iyon, hindi si Daddy ang bumungad kaya nagtaka ako."Si Daddy?"
"Kaaalis lang po." Kumunot ang noo ko, akala ko ba siya ang susundo sa akin?
"Po? San po siya pumunta? Bakit hindi po siya ang nagsundo sa akin?" tanong ko kay Kuya Efren.
"Hindi ko po alam. Nagmamadali po kasi siya kanina. Dumating po si Mam Eleanor." gulat kong tinignan si Mommy.
"S-si M-mommy po?" Tumango siya at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
"Ngayon ngayon lang rin po Mam. Kanina pong alas dos. Nagulat rin po ang Daddy niyo. Sa totoo lang po, gusto kayong puntahan ng Mommy niyo kanina, pero pinigilan po siya ni Sir Jacob at sinabing magpahinga." Humilig ako sa bintana at nakaramdam ng matinding kaba.
Nakarating kami sa mansyon at agad akong huminga ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Binungad sa akin sa salas ay si Mommy na ngayo'y naka silk dress . Nilapitan ko siya at nagmano. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Where have you been?" my mom asked me coldly. Tila nagtitimpi ng kanyang galit.
"Kela Pri-" I was cut off by Mom at mabilis na tumayo para harapin ako.
"Don't you dare lie to me, Caroline! Dahil wala kang magiging kakampi rito!" Napapikit ako nang mariin at yumuko.
"Tinawagan ko si Paul at sinabing wala ka doon, and also Leah, kaya huwag ka nang magtangkang magsinunggaling."
"So sobrang spoiled mo at pati sa ganitong bagay, pinagbibigyan ka ng Daddy mo pero sa akin hindi!" galit niyang sabi.
"Now, I'll ask you once again, saan ka galing?" may diin ang bawat salitang binibitawan ni Mommy kaya natakot rin akong magsalita.
"Sa r-resthouse, m-mommy." tugon ko sakanya habang nakayuko pa rin.
"And you're with Nathaniel?" Umagos ang luha ko at tiningala si Mommy na galit na galit pa rin hanggang ngayon.
"Hihintayin mo pa ba na pati tayo masira dahil sa ginagawa mo?"
"M-mommy.." I tried to reach her hand but she flinched.
"Will you still act blind like you weren't the reason of all this?" Lumunok ako at hinarap si Mommy.
"Mommy, alam ko naman na may kinalaman ako dito. Alam ko po iyon, pero—"
"ALAM MO PERO BAKIT HINDI MO PA RIN TINITIGIL YAN CAROLINE?!" Humikbi ako at panibagong luha nanaman ang umagos sa king mga mata.
BINABASA MO ANG
Home (Summer Series #1)
Storie d'amoreSummer Series #1 Maria Caroline Esquivel, a seventeen-year-old girl who seemed to be the epitome of pure and perfection will have to cope with his father's best friend's son, Aeson Nathaniel Vergara, her complete opposite...the definition of brute...