Bumaling ako sa wristwatch ko habang naghihintay kela Mommy at Daddy. Tumulong ako sa pagluluto ngayon. Hindi pa rin kami nakakapagusap ni Nate. Tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagaaral. I was excused for a week because of my parents. Wala pa rin naman masyadong gagawin.Nagkulong ako sa kwarto ng dalawang araw, tutal mayroon din namang banyo roon. Madalas ako magpaakyat ng pagkain, dahil sinasabi rin sa akin ni Ate Edith na pumupunta si Nate nang patanghali at naalis ng pagabi. Natatakot pa rin ako. Hindi dahil sa malalaman ko, pero dahil sa mangyayari kapag nalaman ko na ang totoo.
"Ma'am Carrie. May bisita ho ba dapat kayo ngayon?" Nilingon ko si Ate Edith na ngayon ay nakadungaw sa bintana tila may tinatanaw sa labas.
"Hmm. Wala naman, Ate. Bakit?" tugon ko.
"Wala lang din Ma'am. Feeling ko lang, magkakaroon. Nahulog kasi tatlong tinidor kanina e. Pero alam ko namang pamahiin lang iyon." patango-tango niyang sabi. Ngumuso lamang ako at hinayaan na siyang magayos nga mga kubyertos.
Tumungo muna ako sa sala at binuksan ang telebisyon. Baka sakaling may magandang palabas ngayon, manonood muna ako habang wala pa sila Mommy.
"Carrie." Ramdam ko ang pagyugyog sa akin. Nang minulat ko ang aking mga mata, pares ng seryosong mata ang bumaling sa akin.
"Mom. Andyan na po pala kayo." Tumango siya at hinintay akong makatayo galing sa sofa. Nakatulog pala ako habang nanonood, hindi ko na namalayan. Mukhang pagod na pagod rin si Mommy galing sa Manila, dahil ang madalas niyang maayos na bun ay ngayo'y medyo buhaghag at may ilang hibla ng buhok ang nakalugay.
"How was your trip, Mom?" I asked. Narinig ko ang buntong hininga ni Mommy kahit nakatalikod siya sa akin patungo sa hapag. Natigilan ako at agad kinuha ang kaniyang kamay.
"Are you okay, Mom?" mahina kong sabi. Siguro isa rin sa rason kung bakit ko sila gustong umuwi dahil ayaw ko silang nakikitang ganito. Siguro naman malaki na ang kanilang ipon para manatili nalang dito.
"It was fine, baby. Pagod lang talaga ako... kami ng Dad mo." Nakahinga naman ako nang maluwag. Kahit kasi pagod si Mommy, she never fails to look fresh. Kaya nakakapagalala ngayon. Tahimik ang lahat sa hapag kainan. Nakasanayan na talaga na kasabay ang mga tauhan sa pagkain kahit andito na sila Mommy at Dad.
"Carrie, what will you be taking in college?" Napatigil ako at tuminghaya para tagpuin ang mata ni Daddy. Nagaalinlangan pa kong sumagot dahil nandito ang mga tauhan pero kailangan kong sagutin si Dad.
"I'm planning to take PolSci, Dad." Nilingon ko si Mommy na ngayon ay nakakunot noo.
"I thought we've talked about this, Carrie." I felt my body stiffened at my Mom's words. Napagkasunduan kasi namin na ngayong senior high, kukunin ko ang gusto ko. Pero pagdating ng college, siya na ang masusunod. I thought it would do nothing, because they always say mother knows best, pero hindi ko kayang sundin si Mommy sa gusto niya. Gusto ko talaga kunin ang gusto ko.
"But Mom, ito ang gusto ko. Masaya ako dito--"
BINABASA MO ANG
Home (Summer Series #1)
RomanceSummer Series #1 Maria Caroline Esquivel, a seventeen-year-old girl who seemed to be the epitome of pure and perfection will have to cope with his father's best friend's son, Aeson Nathaniel Vergara, her complete opposite...the definition of brute...