Hi, this chapter seemed like a bonus chapter since it's full of mystery, charot, My mind is occupied with a lot of things kaya ganito. Anyways,enjoy!
Media above: Lauv-Enemies
-K.
"Nakasanayan na rin naman na ganoon lagi sa resort. So, I think Leah's invited some bands. Kilala mo ba ang mga inimibitahan niya?" tanong ni mommy sa akin habang abala siya sa pagkukulot ng kaunting hibla ng kaniyang buhok.
"I don't know." Sa dami dami kong naisip na sagot, iyon lamang ang lumabas sa bibig ko. Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon niya kung sabihin kong kabilang si Nate sa mga tutugtog. Knowing my mom's been so hysterical ever since I got checked by a psychiatrist, ayaw ko nang dagdagan pa iyon.
"Okay, make sure everything's perfect in that event." I almost rolled my eyes at her famous line. Tipid na lamang akong tumango at nginitian siya.
"Where's Dad?" tanong ko sakaniya. Napatigil siya sa pagkulot ng kaniyang buhok.
"He's with a client." Ako naman ang napatigil sa kaniyang tinugon sa akin. Seriously, another scenario gave me chills. Before I could get washed away by my own thoughts, I bid my goodbye to my mother and didn't wait for her response as I ended the call.
Nilikom ko na ang mga napili kong damit at nilagay na iyon sa aking maleta. Pagod akong humilata sa kama at humikab nang biglang tumunog ang phone ko. Wala na naman akong nagawa dahil pinagtulungan ako ng dalawa kong kaibigan. Ni hindi man lang umepekto ang peke kong pagtatampo sa kanila. Tamad kong kinuha iyon at nakita ang isang mensahe galing kay Nate.
N: Make sure that you won't be late this time.
Napairap ako sa kawalan. As if I'm always late, nagkataon lang naman talagang tinanghali lang ako ng gising noon. Nagtipa ako ng mensahe.
C: Don't worry, I won't.
Wala pa atang dalawampung segundo nang nagvibrate ulit ang cellphone ko. Bilis magtype, ah?
N: Okay. Rest now.
Tumaas ang kilay ko, inuutusan ba ako neto?
C: Pati ba naman sa text, napakabossy mo?
N: I'm just telling you to rest. Should I be happy that you're talking to me casually?
Nabahala naman ako sa sinabi nito. Hindi na ako nagreply dahil baka kung ano nanaman ang isipin neto. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang biglang narinig ko ang phone kong tumunog. Nagdalawang isip pa ako bago ito sagutin. Really, what the hell is happening to me?
"What?" I said.
"Why didn't you reply to my last text?" he replied. What am I supposed to say to him? I'm trying to be careful at my words because it's either hurtful or double meaning to him. I accidentally yawn but shrugged it off.
BINABASA MO ANG
Home (Summer Series #1)
RomantizmSummer Series #1 Maria Caroline Esquivel, a seventeen-year-old girl who seemed to be the epitome of pure and perfection will have to cope with his father's best friend's son, Aeson Nathaniel Vergara, her complete opposite...the definition of brute...