This is a short update. Thank you for getting this far. All the love.
______________________________________
"Ahhh! Ayoko na!!! Mahuhulog ako!!"
I glanced at the girl who's shouting endlessly but she's just simply sitting in her place. Lahat kami ay tinatawanan siya. Pinagtitripan kasi siya ni Elise. Ginegewang gewang niya pa ang bangka para lamang takutin si Rose.
"Ayos lang po yan, Mam. Hanggang leeg lang po ang lalim niyan." Napatingin kami lahat kay Manong na ngayong nagsasagwan sa amin patungo sa kabilang banda ng Burnham Lake.
"T-talaga M-manong?" tugon ni Rose habang nauutal pa.
"Opo. Leeg po ng giraffe." Ngisi ni Manong at agad nanamang tumili si Rose.
Sa aming apat nila Luigi at Sebastian na laking dagat, siya lang ata ang takot. Paano ba naman kasi, magkasunod niyang pinanoood ang Titanic at The Life of Pi. Kung kaya't takot siya hanggang ngayon sa mga sakayang pandagat dahil baka daw biglang tumaob ito.
Anim ang kayang isakay ng bangka. Kasalukuyan kong kasama si Rose, Luigi, Elise, si Lola at JJ. Habang nasa kabilang banda ang Quadrant. Si Sebastian ang nagsasagwan dahil hindi na sila nagabalang kumuha pa ng mamamangka.
Nilingon ko si Nate na ngayo'y nakatingin rin sa akin. Agang-aga ay nagaway na agad kami dahil sa damit ko, pero sa huli ay ako rin naman ang nasunod. I'm wearing a sleeveless turtle neck and a plaid skirt topped with a denim jacket. Hindi naman kasi ganoon kalamig dahil patanghali na kami nakaalis ng hotel.
I stick my tongue out directly at him and I saw his brow raised. He said something to me. Abala ang mga kasama niya sa pagsasagwan at pagkuha ng mga litrato. Hindi ko iyon naintindihan.
"Ano?" I mouthed. Inulit niya ulit iyon. Di ko maintindihan dahil maliit ang pagkakabuka ng bibig niya sa pagsalita.
"Ano?!" Hindi ko na napigilang sumigaw. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang paglingon nila Rose sa akin. He repeated every word slower than earlier. Ramdam kong nakatingin rin ang tatlo sa kaniya.
"I love you." Agad akong pinamulahan ng pisngi. Siniko ako ni Luigi at nginitian nang makahulugan habang si Rose at Elise ay inirapan lamang ako.
Kalahating oras kami nagikot sa Burnham Lake. Nabasa pa nang kaunti ang aming mga damit dahil dumaan kami sa gitna kung saan naroroon an fountain.
Napagdesisyunan naming dito sa Burnham Park magtanghalian kaya't nagdala kami ng picnic blanket and utensils. Humanap kami ng hindi masyadong matao dahil sa mga bata ring naglalaro.
"Grabe! Ito na ata ang pinakarelax kong weekend." ika ni Gray na ngayo'y kumakain ng strawberry taho.
Nagtanguan ang iba sa kanyang sinabi. I can't help but agree to. Mula noong nagsimula ang klase, parang ngayon lang ata kami nakahinga hinga nang maluwag. Dahil pagkatapos nito ay sasalubungin na kami ng Quarters.
"Gusto mo nito?" turo ni Nate sa vegetable salad. Tumango ako at agad niyang kinuha at sumandok saka inilagay sa aking plato.
"How about this?" dugtong pa niya. I bit my lip. Tiningala ko ang mga kasama naming nagpipigil ng tawa
"Ako din, Nate. Pahingi." Sebastian said batting his eyelashes.Nagtawanan ang lahat dahilan ng mas lalong pagkamula ng aking pisngi.
"Don't mind them." tugon niya. Ngumuso ako habang nagpipigil rin ng tawa.
"Kaya ko naman kasi." Sabi ko sa mahinahong boses.
"Alam ko." he said in a flat tone. Natigilan ako nang biglang lumapit si JJ at kumandong sa akin.
BINABASA MO ANG
Home (Summer Series #1)
RomanceSummer Series #1 Maria Caroline Esquivel, a seventeen-year-old girl who seemed to be the epitome of pure and perfection will have to cope with his father's best friend's son, Aeson Nathaniel Vergara, her complete opposite...the definition of brute...