Mabilis lumipas ang mga araw, halos hindi ko na namalayan na Biyernes na agad at malapit na matapos ang unang buwan ng klase. Narito kami ngayon sa Acquaintance Party ng Tertiary, I got some access because of Luigi. Pinilit niya ako sa kagustuhang kailangan ko daw panoorin ang unang performance ni Nate. I rolled my eyes at the mention of his name. Kailangan ko pa raw siyang pasalamatan.
Umingay ang crowd dahilan ng pagkalabas ng Quadrant. The band was named Quadrant because in the cartesian plane, there are four quadrants. What a wit move, huh? Nakisayaw ako habang pinapanood silang magperform. I used to perform in stage pero mula noong senior high, hindi ko na napagtuonan ng pansin ang pagiging performer because of acads.
Natapos ang line up nila at nagsimula nang kumain ang mga estudyante. Nakihalubilo ako kela Luigi at tumungo kami sa backtage.
"Congrats guys for your first performance! Grabe ang appeal niyo sa crowd!"
"Ang popogi niyo tonightttt! Lagi naman pero y'all look amazing Well, maliban sa pinsan ko." Rose said while sticking her tongue out.
Dumiretso ako papunta kay Gray dahil siya lang naman ang medyo kaclose ko sa banda maliban kay Basti at si.... Bahala siya.
"Gray! Congrats! Grabe! Iba ka talaga magperform!"
"Yeah, I practiced last night. Kinakabahan ako. Ngayon lang ako nakapagperform sa ganoong crowd except nung auditions!" Umiiling pa ito na para bang hindi makapaniwala.
"I'm proud of ya!" I winked at him and gave him a thumbs up.
"Oh, bukas pala kami pupunta nila Andy at Abby sa inyo right? Group activity?"
"Yep. Nagpaalam na rin ako kay Inay Fely about that."
"Good. Una na ako, may family dinner pa kami."
Nagpaalam siya sa kanyang mga kabanda at tuluyan nang umalis. Pumunta ako kung saan nakalagay ang mga pagkain at kumuha ng appetizers. Pagkatapos kong ubusin ang mga nakuha kong pagkain. Nakisayaw ako sa mga tao sa dancefloor. I am wearing a creme buttoned blouse, high waisted shorts and brown ankle boots.
While dancing, I spotted Nate standing right beside the photobooth looking at me. I ignored his presence as I brushed my hair with my fingers as I move my hips along with the beat. The night went pretty well. Maaga akong nagising dahil may groupwork kaming gagawin dito.
Napagusapan namin na alas-nuwebe ang pagpunta nila sa bahay. Natigil ako sa pagtulong sa paggawa ng mga sandwiches nang may lumapit na tauhan na nagsabing dumating na ang mga kaklase ko. There were three of them, Gray and the Valeza twins.
"Morning!" Gray greeted me with a toothy smile. I smiled back.
"Good morning Carrie. Nakakahiyang pumasok." sabi ni Andrea
"Oo nga. Hehe. Ang laki ng bahay ninyo." dugtong naman ni Abigail
BINABASA MO ANG
Home (Summer Series #1)
RomanceSummer Series #1 Maria Caroline Esquivel, a seventeen-year-old girl who seemed to be the epitome of pure and perfection will have to cope with his father's best friend's son, Aeson Nathaniel Vergara, her complete opposite...the definition of brute...