Kabanata XXVII

262 14 15
                                    

Padabog kong sinarado ang aking libro. My mind is purely exhausted. Apat na oras na ata akong nagrereview. Sobrang daming terminolohiyo ang sasauluhin sa EarthSci, idagdag mo pa ang Contemporary Arts.

Bumaba ako para uminom ng malamig na tubig. I think I need a break. Nadatnan kong nagluluto na ng tanghalian si Inay Fely. Magmula noong nakabalik kami galing Baguio, ito na agad ang pinagtuonan ko ng pansin.

Nate keeps on insisting to visit me. But I refused because I frankly told him that I cannot focus while he's around. Hindi ko nga lang alam kung ano ang ginagawa niya sa ngayon, dahil kagabi pa akong huling nagtext sa kaniya.

"Carrie, magpahinga ka muna. Magdamag ka nanaman bang puro ganyan na lamang ang gagawin?" tanong ni Inay Fely.

"Ang dami po kasi talaga ng coverage ng quarters, Nay." tugon ko sa kaniyang tanong.

"Bakit parang hindi bumibisita si Nate sa'yo?"

"Ang sabi ko po kasi'y magaaral muna ako, Nay. Hindi rin po ako makakapagaral nang maayos kung may bisita akong naririto."

"O baka naman hindi ka makakapokus dahil si Nate ang bisita mo?"

"Nay naman." giit ko. Umiling lamang sa akin si Inay Fely at nagpatuloy sa kaniyang pagluluto.

Paakyat na ako nang may narinig akong busina galing sa labas. Alam ko na agad kung sino iyon. Nalimutan ko kasing magtext kaninang umaga. Agad akong bumaba para salubungin siya. Bumungad sa akin ang Nate na nakasuot lamang ng white v neck shirt at khaki shorts.

"Good afternoon, Manang."

"Oh? Nate." Makahulugan akong tiningnan ni Inay Fely. Nagkamot lamang ako ng ulo. I didn't know that he'll be here.

"Bakit ka nandito?" I asked him.

"Iyan na lang ba ang lagi mong sasabihin sakin kapag pupunta ako dito?" he said in a mocking tone. Hinila ko siya papuntang gazebo at baka marinig pa ni Inay Fely ang bangayan naming dalawa.

"Hindi ka man lang nagsabi kasi." I excused. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Out of reach ang phone mo. And I texted you multiple times." Napagtanto kong low battery ang phone ko dahil naiwan kong nakabukas ang wifi nito magmula kagabi.

"Namiss kita." I glanced at him and saw how his lips curved into a half smile. I let out a sigh.

"I missed you too." tugon ko sa kaniya.

"I won't bother you, Swear." Naningkit ang mata ko sa kanyang sinabi. If I'm not mistaken, this brute told me that last time. And what happened was different.

"Dito ka na magtanghalian." I stated. He intertwined his hand with mine. I let go swiftly. Nagtatakang mata ang tumuon sa akin.

"Magagalit si Nay Fely." Pinandilatan ko siya ng mata. We haven't told them yet. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Inay, baka pagalitan ako dahil pinadali ko ang panliligaw niya sa akin.

Ngumuso siya at agad tumango. Inunahan ko siyang maglakad at tumungo sa hapag-kainan. Nakahain na ang tanghalian.

"Si Tay Rene po?"

"May inasikaso sa bayan. Mamaya pa ang rating noon kaya mauna na tayo." sabi nj Inay Fely.

Nagsimula nang kumain. Sa kaliwang banda ko nakaupo si Nate habang nasa tapat ko naman si Inay Fely at Ate Edith. Ramdam ko ang pagoobserba ni Inay sa aming dalawa magmula noong makarating siya.

Home  (Summer Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon