The Fifth Level of Heaven

5.3K 53 2
                                    


THE FIFTH LEVEL OF HEAVEN

Heaven is huge. Kasinglaki siya ng isang malaking bansa. It also has several levels. The fifth level is where the guardian angels live.

"Eremiel, may malaki tayong problema," iyon ang sabi kay Eremiel ng pinaka-pinuno nilang mga guardian angels, si Angel Muriel. Ipinatawag siya nito dahil may importante silang pag-uusapan. He had this somber look on his face and that meant bad news.

At naroon din ang ilan sa mga anghel, tila gustong makiusyoso sa nangyayari.

It seemed that it was a really bad news.

"Ano po ang problema, Angel Muriel?"

Tumayo si Angel Muriel mula sa kanyang malaking gintong trono, naglakad sa sahig na mala-ulap. Lumapit siya sa salamin na halos kasinglaki ng pader ng isang gusali. Pumalakpak si Angel Muriel at bigla ay nakakita sila ng imahe sa salamin. Tila naging malaking TV iyon.

Mga tao sa lupa. Naglalakad, nagkukuwentuhan, nagtatawanan. May mga mag-jowa na magkaholding hands, may forever alone ang drama sa buhay. Mga estudyante iyon, kung pagbabasehan ang suot ng mga itong uniporme.

Hanggang sa isang lalaki na lang ang nakikita nila sa salamin. Iyon si Damien, ang taong naiatas na tulungan niya. Siya ang guardian angel nito.

May kulay ang buhok ni Damien, salubong ang kilay habang naglalakad. Dire-diretso lang ang tingin na para bang walang pakialam sa mga tao sa paligid nito. Mabibilis ang hakbang na para bang hindi nabibigatan sa pasan nito.

Napasinghap ang mga anghel sa paligid ni Eremiel.

"Lalo pang bumigat ang pasan niya," sabi ni Eremiel, nabigla. Napaatras. "Napakabigat na nito ngayon," ulit niya.

"At iyan ang malaki nating problema," sabi ni Angel Muriel. "Alam natin na nahihirapan ka na bantayan si Damien dahil masyadong masakit ang nangyari sa kanya. Pero ngayon, hindi na sapat na bantayan mo na lang siya. Kailangan mong gumawa ng paraan para gumaan ang pasan niya."

Nagkaroon ng bulungan ng mga anghel. Halos lahat ay hindi mapakali. Halos lahat ay takot. Si Eremiel naman ay naiwang nag-iisip.

Bawat tao sa lupa ay may pasan--pasan ang sarili ng mga ito. Hindi lang iyon nakikita ng mga tao sa lupa pero may nakapasan sa mga ito na kamukhang-kamukha ng mga ito. Kapag masaya ang isang tao at walang pino-problema, nakangiti ang nakapasan rito. Nagliliwanag pa nga. Ibig sabihin niyon ay magaan ang puso ng taong iyon.

Kapag malungkot naman ang isang tao ay makikita iyon sa nakapasan dito. Malungkot din iyon at hindi nagliliwanag. At nagiging mas mabigat iyon kaysa karaniwan. Iyon ang dahilan kaya karamihan sa mga malulungkot na tao ay nakayuko o tila bagsak ang mga balikat--dahil sa bumigat ang nakapasan dito.

Pero normal naman na bumigat at gumaan ang pasan ng isang tao. Ang hindi normal ay ang nakita ni Eremiel na pasan ng lalaki. Halos wala nang liwanag na galing doon. Kamukha pa rin iyon ng lalaki pero wala nang buhay ang mga mata niyon.

It only meant one thing: the guy was dead inside.

"This is terrible," sabi ni Angel Muriel, nakatingin sa lalaki. "Sobrang laki ng problema ni Damien. Lalo siyang lumalala sa paglipas ng araw. Nangyari na 'to noon. Dalawa lang ang posibleng kahantungan nito. He might commit suicide or he might turn into a murderer."

Hindi agad nakasagot si Eremiel. Natulala lang siya sa malaking salamin. Tuloy naman sa pagbubulungan ang mga anghel.

"Paano ko siya matutulungan?" nagawang sabihin ni Eremiel mayamaya.

"Hindi mo siya makakausap dahil masyadong malakas ang impluwensiya sa kanya ng mga demonyo," sagot ni Angel Muriel. "Kaya kailangan mo ng tulong ng isa pang tao mula sa lupa."

Nagbago ang nakikita sa malaking salamin. Hindi na si Damien. Isang babae na seryoso ang mukha at tahimik lang habang naglalakad. Ang nakapasan dito ay napakaliwanag at tila puno ng buhay.

"'Yan si Leonna," sabi ng isang kasamahang anghel ni Eremiel. Si Ariel. "Ako ang guardian angel niya. Siya ang nakita naming posibleng makatulong kay Damien. Masiyahin siya at malakas ang pananampalataya sa Panginoon. Bukod doon, malapit lang siya kay Damien. Pareho lang sila ng paaralan. Siya lang ang nakikita naming magagamit mo para matulungan si Damien."

Nakatingin lang si Eremiel kay Leonna, hindi agad makapagsalita.

"Bibigyan natin si Leonna ng kapangyarihan na puwede niyang magamit para matulungan si Damien." sabi ni Angel Muriel. "Kailangan niya ang kapangyarihang iyon dahil hindi mo puwedeng sabihin sa kanya ang problema ni Damien."

"Bakit?" naitanong ni Eremiel.

"Hindi matutulungan ni Leonna si Damien kung sasabihin mo lang basta sa kanya ang problema. Hindi niya mararamdaman kung gaano kabigat ang pasan ni Damien. Kailangang siya mismo ang makatuklas niyon."

Eremiel could not say anything.

"Kailangan na nating umaksyon ngayon," sabi ni Angel Muriel. "Kailangan na nating umaksyon ngayon dahil siguradong nagpaplano na ang mga demonyong kunin ang kaluluwa ni Damien, Eremiel. Nagpaplano na silang kunin ang kaluluwa niya."

Eremiel just stared at the mirror, and he admitted to himself that he was scared.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon