HAPPY THINGS

715 30 0
                                    


MULA nang araw na dinala ko si Damien sa maliit na foundation para sa mga batang may cancer ay na-realize ko na isa talaga siyang mabuting tao na puno lang ng kalungkutan ang puso.

At naging seryoso pa akong lalo sa pagtulong sa kanya.

Tuwing nagkikita kami para sa Bible study ay bibigyan ko siya ng ginawa kong sandwich. Sa tupperware ay lagi akong nagdidikit ng sticky notes na may inspirational quotes.

Noong unang beses ko siyang binigyan ng sandwich ay parang hindi man lang niya binasa 'yong nasa sticky note.

"Uy, basahin mo naman!" sabi ko.

"Tamad ako magbasa," sabi lang niya.

"Basta, basahin mo pa rin."

Bumuntong-hininga siya. "Be happy with this moment. This moment is your life. Omar Khayyam," pagbasa nito.

"See? Be happy with this moment."

Walang sinabi si Damien. Pero mayamaya ay ngumiti na lang siya. "Whatever," he said. "You silly girl."

At nasundan pa nang nasundan ang mga sticky note na may quotes about happiness.

Like...

"For every minute you're angry, you lose sixty seconds of happiness." - Ralph Waldo Emerson.

Or...

"Folks are usually about as happy as they make their minds up to be." -Abraham Lincoln

Also...

"Happiness is when what you think, what you say, and what you do are in harmony." -Mahatma Gandhi.

At napapansin ko na binabasa na lagi ni Damien ang mga sine-search kong quotes. Pagkakuhang-pagkakuha niya ng Tupperware na may lamang sandwich ay lagi niyang babasahin ang note ko. It made me happy.

Sinipag tuloy ako lalo na mag-search ng quotes about happiness.

Minsang naubusan ako ng quote ay wala akong nailagay sa Tupperware. Nasa office kami ng Bible club nang ibigay ko ang sandwich at agad siyang nagtanong, "Bakit walang kasabihan?"

Parang medyo nahiya ako. "Wala na akong makitang quotes about happiness, eh."

Saglit siyang hindi nakakibo. Mayamaya ay sinabi niya, "Penge ngang sticky note."

"Bakit?"

"Basta."

Napilitan naman ako na kunin ang sticky note sa bag ko at ibigay sa kanya. Kumuha siya ng ballpen sa bag niya at nagsulat doon, tinatakpan pa ng isang kamay na para kong isang tamad na estudyante na gusto lang mangopya. Pagkatapos magsulat ni Damien, kinuha niya ang Tupperware, idinikit doon ang sticky note at itinulak palapit sa 'kin.

Leonna makes me smile. -Damien Arnaiz.

And I could not help but smile. My heart melted. My cheeks burned. And how I liked this feeling. How I loved it.

KAPAG gabi ay palagi akong tumatawag kay Damien. Madalas ay nagkukuwento ako sa kanya ng mga inspirational na kuwento.

Isang babaeng binansagang "ugliest girl in the world" ang naging isang magaling na motivational speaker. Isang lalaking bulag na magaling mag-painting. Isang babaeng nasadlak sa depression pero nakabangon.

"There's a story, it's a very short story actually," sabi ko isang gabi. "A man cried because he had no shoes, until he saw a man who had no feet."

"Oh, eh ano naman?" sabi ni Damien, sabay hikab.

"Ano ka ba naman," nasabi ko. "Wala ka ba ni kapirasong empathy? Iniiyakan no'ng lalaki 'yong kawalan niya ng sapatos, eh meron ngang walang paa."

"Oh, eh ano nga? Wala namang paa 'yong nakita niya, paano makakapagsapatos? Siya nga may paa, pero wala namang sapatos. Kawawa din siya."

Natameme ako. "Kakaiba ka mag-isip," sabi ko na lang. At napatingin ako sa orasan. Alas-diyes na ng gabi. Hindi pa ko inaantok. Gusto ko pang makipag-usap sa kanya. Ang kaso, naririnig ko na nang mas madalas ang paghikab niya. Inaantok na yata siya.

"Sige na nga, bukas na lang," I said. "Maghahanap pa ako ng mas inspiring na kuwento."

"Wait lang," sabi naman ni Damien. "'Wag muna."

Hindi ako nagsalita, naghintay nang sunod na sasabihin niya. Wala. Ang paghinga lang niya ang naririnig ko sa kabilang linya.

Sa huli ay hindi ko rin natiis na sabihin, "Bakit ba?"

"Just stay on the line for a while," he said. "I still want to hear your voice."

And that had a good effect on my heart again. Made me feel giggly all of a sudden. Isang pakiramdam na hindi ko pa naranasan kahit kailan.

"Why?" I dared to ask.

There was a slight pause before he said, "Iba ang epekto sa 'kin ng boses mo. It relaxes me. Comforts me."

The night was not warm but she felt warm. Like a blanket was suddenly wrapped around her body.

"Gusto mo kong kumanta?" sabi ko sa pabirong tono, para pagtakpan ang kung ano mang nararamdaman ko.

"Please, no," mabilis na sabi niya. "Gusto ko lang marinig ang boses mo. Pero hindi ko naman sinabing i-torture mo 'ko."

Imbes na ma-offend, natawa ako sa sinabi niya. Matagal. Nakakaramdam na kasi talaga ako ng tuwa kay Damien, hindi tulad dati. Nahinto lang ako sa pagtawa nang mapansin ko na tahimik lang siya sa kabilang linya.

"Natahimik ka naman," komento ko.

"Gusto ko kasing pakinggan nang mabuti ang tawa mo," he said. "I like your voice, but I like listening to your laugh more. There is something so real and innocent about it."

My cheeks burned. And for a moment, I wanted to say something I've been thinking for quite some time now. "I like listening to your voice too."

There was a moment of silence. And then he said, "Magiging masarap ang tulog ko ngayong gabi," he said.

Ako rin, I wanted to say. Ako rin.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon