NOONG gabing iyon, napanaginipan ko ang nangyari nang araw bago magkaroon ng pagbabago ng kulay sa mga mata ko.
I was on a mall. I bought a self-help book. Pauwi na ako nang makita ko na may mga nagkakagulong kabataan sa tapat ng isang clothing store. Lumapit ako para malaman kung bakit nagkakagulo sila.
Nagpapa-autograph pala ang mga bagets kay Marcus Mendoza, isang guwapong model na may hawig kay James Reid. Game namang pumirma si Marcus, na ang guwapo-guwapo sa suot nitong pulang t-shirt at maong na skinny jeans. Ang jacket nitong itim ay nakasampay sa malapad na balikat nito.
Conservative man ako, marunong pa rin akong humanga sa mga guwapo. Kaya natulala yata ako doon, ilang segundo ring nakangiti lang na parang timang.
And then Marcus stared at me, the cute, boyish smile was still on his pinkish lips. Pero parang nagbago ang mga mata niya. Para bang mga mata na iyon nang isang matanda, mga mata ng isang taong marami nang alam sa mundo.
"Ikaw ang napili na tulungan siya," sabi ni Marcus, sa direksyon ko nakatingin.
Nagpalinga-linga ako, sinisiguro kung may tao sa tabi ko o sa likod ko. Wala. Marcus chuckled.
"Ikaw ang kinakausap ko, Leonna," he said, patuloy sa pag-pirma sa mga papel na inaabot rito ng mga nasa paligid niya. Tila hindi napapansin ng mga babae sa paligid niya na kinakausap niya ako, panay lang ang tilian ng mga iyon, pati pagkurot kay Marcus. At bakit gano'n, kahit maingay ang fans niya, dinig na dinig ko ang boses niya?
"Ikaw ang napili na tumulong sa kanya. Posibleng may masama siyang balak sa sarili niya, Leonna. Kailangan mapigilan mo siyang gawin 'yon," sabi ni Marcus. "We don't want him to die. The demons would feast on his soul."
Doon ako nagising. Naalala ko na matapos sabihin ni Marcus iyon ay nagmamadali akong umalis doon, nalilito sa nangyari. Sinubukan kong kalimutan iyon, inisip na naghallucinate lang ako sa gutom, pero ngayon ay nasisiguro ko nang nangyari nga iyon.
Now, I was more confused.
Naghanda na ako sa pagkain ng almusal. Hindi ako makatingin sa mama ko. Umalis ako agad ng bahay, hindi tumitingin sa kahit sino. Magulo ang isip ko.
Sino ang sinasabi ni Marcus Mendoza na kailangan kong tulungan? Was it... Damien?
I remembered what Damien said when he stared at my eyes...
I want to kill myself.
He was obviously in need of help. At hindi ba mas naging obvious iyon nang ma-meet ko ang mama niya?
"Kailangan mo siyang tulungan," narinig kong may nagsalita malapit sa 'kin.
Agad akong napatingin sa direksyon ng nagsalita. Si Ate Alice ang nagsalita, 'yong street sweeper ng barangay. May hawak siyang malaking walis habang nakatingin sa 'kin. May kakaibang ngiti sa mga labi niya. At ang mga mata niya... Katulad nang nakita kong mga mata ni Marcus Mendoza. Parang mata ng isang matanda...
"Ate?" nasabi ko, napatitig sa street sweeper.
"Kailangan mo siyang tulungan. Ikaw ang napili na tulungan siya."
I was now frustrated. "Ano ba'ng sinasabi mo, 'Te Alice?"
"You know I'm not Alice. You know that I'm just using her body to tell you a message." She winked.
Deep in my heart, I know that. I was just reluctant to believe it. "Sino ka ba?"
"Sabihin na lang natin na... isa akong anghel."
"Masama mag-drugs, Ate Alice, si Duterte na ang presidente."
Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "You should help him, Leonna. He's drowning. He is. We do want him to sink deeper. We don't want him to be gone. The demons would feast on his soul."
Sobra akong nalito at kinilabutan sa pagbanggit niya ng mga demonyo. Hindi ko na siya pinagka-abalahang tingnan uli, nagmamadali na lang maglakad palayo sa kanya. Maglakad na tila ba may papatay sa akin.
OKAY. Maybe, I really do have to help him. Maybe Damien was really drowning. Maybe he really needed to be saved.
At isa pa, nagbitaw na ako ng pangako kay Mrs. Arnaiz. Kaya nang Sabadong iyon ay nagpasya akong magpunta sa mansyon ng mga Arnaiz, para makausap si Damien at mahikayat na rin na sumali sa Bible Club.
Alam naman ni Mrs. Arnaiz ang balak kong pagpunta at pumayag siya. Sinabi nga lang ni Mrs. Arnaiz na wala siya at ang anak niyang babae sa mansyon dahil may pupuntahan sila.
Sinabi na rin daw niya kay Damien ang pagpunta ko doon at pumayag daw ang lalaki na makipag-usap sa 'kin. Hindi ko man gusto ang ideyang mag-isa lang sa mansyon si Damien, wala naman akong magagawa.
"Gusto n'yo po ba ng maiinom?" sabi sa 'kin ng kasambahay nina Damien, na siguro ay ka-edad lang namin. Morena at maganda. "Gusto n'yo po ba ng merienda, puntahan n'yo lang po kami sa kusina."
"'Wag na," sabi ko. "Gusto kong... Makausap si Damien."
"Nasa kuwarto si señorito, sasamahan kita doon."
Pumasok na kami sa loob ng mansyon. Pinigil kong mapaikot ang mga mata ko nang makita kung gaano kalaki at kaganda ang loob. Napakalinis ng sahig, napakakintab. Mukhang mamahalin ang chandelier na nasa kisame. Mukhang malambot at komportable ang sofa. Malalaki ang mga bintana, katulad sa mga mararangyang bahay na nakikita ko sa magazine.
Damien was obviously filthy rich. Kaya nga 'señorito' ang tawag sa kanya. Napaisip tuloy ako kung ano ang problema ni Damien, kung gaano iyon kalaki para i-consider niya na tapusin ang buhay niya.
Inakyat namin ang malawak na spiral staircase, nilakad ang second floor na parang hallway ng isang hotel. Lima ang pinto sa floor na iyon. Pero ang pinto sa dulo, parang kakaiba. Kulay itim iyon at tila ba kung sino mang nasa loob, gustong iwasan ang mga bagay na nasa labas.
"'Ayan na po ang kuwarto ni Señorito Damien," sabi sa 'kin ng kasambahay. "Tawagin n'yo na lang po siya. Kung nagugutom po kayo, nasa kusina lang po kami."
May sasabihin pa sana ako pero nakaalis na siya. Ako na lang ang naiwan sa tapat ng pinto. Kinabahan ako. Pero hindi na ako makakaatras, nandito na, eh.
Lakas-loob akong kumatok sa pinto. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko habang naghihintay ng sagot. Malakas pa ang tibok ng puso ko kaysa sa katok.
"Bukas 'yan," sagot mula sa loob.
Humugot ako nang malalim na hininga, hinawakan ang malamig na door knob. Pinihit ko iyon at binuksan ang pinto.
Bumungad sa 'kin si Damien, nakaupo sa kama niya, tinatanggal sa pagkakatupi ang isang damit. Pero ang hindi ko inaasahan, kakapirasong tuwalya lang ang nakatakip sa katawan niya!
Napasigaw ako, parang nakakita ng himala. Hinila ko pasara ang pinto.
Narinig ko ang malakas at nakakalokong tawa mula sa loob.
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomanceThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...