PINAPUNTA ako ni Professor Macatunggal--ang propesor na namamahala sa Department of Student Affairs--sa opisina niya, may importante raw siyang sasabihin sa 'kin. Dahil isa si Prof. Macatunggal sa mga ka-close kong professor doon, hindi ako nagdalawang-isip na pumayag.
"Upo ka, Miss Rizalino," bungad sa 'kin ni Professor Macatunggal nang pumasok ako sa opisina niya. Inilahad niya ang kamay niya sa silya na nasa harapan ng mesa niya. Hindi tumitinging sumunod ako sa kanya. I was afraid to look at her in the eye. I was afraid to hear terrible things from her.
"Bakit n'yo po ako ipinatawag, ma'am?" sabi ko, nakatingin sa mga paa ko, bahagyang nakayakap sa sarili. Napakalamig sa opisina. Nakakasuka din ang amoy doon, tila halu-halong pagkain: spaghetti, bagoong at mint candy. Professor Macatunggal loves to eat. She was obese.
"Meron kasi akong ipapakilala sa 'yo, Miss Rizalino. Tingin ko kasi ay makakatulong ka sa problema niya."
"Po?" nasabi ko, hindi napigilang mag-angat ng tingin at salubungin ang titig ni Professor Macatunggal. I wanted to looked away that instant, but I saw loneliness in those eyes. And suddenly I found myself looking intently at her.
Ilang segundo rin yatang tulala si Professor Macatunggal bago ito nagsalita, "I hate my sister," she said. "I hate her so much. Sometimes I wish she'd die on her sleep."
Hindi ko alam ang sasabihin ko, bahagyang kinilabutan sa naramdaman kong lungkot sa tinig ni Professor Macatunggal. Hindi ko napigilan ang sariling hawakan siya sa kamay, sabihin na, "Ma'am, are you okay?"
Pero hindi pa man nagtatagal na nakalapat ang kamay ko sa kamay ng professor ay biglang naintindihan ko na kung bakit siya galit sa kapatid niya. Para bang pansamantalang nahiram ko ang memorya niya.
May sakit ang kapatid ni Professor Macatunggal, malala. She only had months to live. Lahat ay pilit na iniintindi ang kapatid ni Professor Macatunggal dahil nga sa sakit nito. Her sister, her name was Claire, has this one weird wish. To watch Professor Macatunggal make love with her husband. Matagal nang may gusto si Claire sa asawa ni Professor Macatunggal kaya nito hiniling iyon. Claire would usually hide inside the closet. And then she'd watch. At walang magawa si Professor Macatunggal kung hindi pagbigyan ang kapatid niya. It was a death wish, for goodness' sake. Disturbing wish, but a death wish just the same.
"She is sick," sabi ni Professor Macatunggal. "Ang katawan niya, nilalamon na ng sakit niya. Pati na rin isip niya. I hope she'd just die."
Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Bukod sa kakaiba ang sinasabi sa 'kin ng mga taong napapatingin sa mga mata ko, ang hawakan sila habang nananatili ang eye contact namin ay may iba ring epekto sa 'kin--mas nakikilala ko pa sila, nadidiskubre ko ang mga tinatago nilang ala-ala. Their sickest memories, perhaps.
What the hell was happening?
"Good afternoon po," may bumati mula sa pinto ng opisina, dahilan para matauhan ako at ihiwalay ang titig ko kay Professor Macatunggal.
Professor Macatunggal gasped, and after a few seconds I heard her say in her jolly tone, "Pasok ka, Mrs. Arnaiz."
Napatingin ako sa may pinto. Isang babae ang nakita ko, siguro in her early forties. She was wearing an elegant dress and she moved with grace, like an excellent ballet dancer. Napakaganda niya, pero hindi ko siya tinitigan nang matagal. Baka kung ano rin ang sabihin niya.
"Umupo ka, Mrs. Arnaiz."
Umupo si Mrs. Arnaiz sa silya na nasa tapat ko.
"Leonna, siya si Mrs. Arnaiz. Siya iyong nangangailangan ng tulong mo."
I smiled, still not looking on Mrs. Arnaiz's eyes. Bahala na kung masabihan na rude, basta hindi kung ano-ano na naman ang marinig.
"May anak siya na nag-aaral sa university na 'to. Cross-enrollee, dahil maraming naibagsak na subject sa ibang school na dito na lang kinuha. At dahil Catholic university tayo, naisip nila na baka makatulong tayo na mapagbago ang anak niya."
"Hindi kasi masipag mag-aral iyon," singit ni Mrs. Arnaiz sa usapan. "Bukod pa do'n, distant na rin siya sa 'kin. Nagsimula iyon nang mamatay ang papa niya."
"Ahm, ano po ba ang maitutulong ko?"
"Talk to the man, Miss Rizalino," sabi ni Professor Macatunggal. "I think, iyon ang kailangan niya. Kailangan niya nang makakausap na ka-edad niya. Kailangan niya nang makakaintindi sa kanya. Ikaw ang napili ko, dahil sigurado na magiging mabuting impluwensiya ka sa kanya."
"Gusto ko sanang bumalik siya sa dati," Mrs. Arnaiz said. "Masiyahin kasi siya dati. Tingin ko, kung may problema man siya, mag-o-open up siya sa ka-edad lang niya."
Tumango ako, naiintindihan ko ang point nila.
"Isali mo siya sa Bible Club mo, Leonna," sabi pa ni Professor Macatunggal. "Tingin ko makakatulong sa kanya na magkaroon ng spiritual guidance."
Ngumiti ako. "Okay lang po," sabi ko. "Open po ang lahat para sa Bible Club." At nakabuo na rin ako ng desisyon. Kung kailangan ng anak ni Mrs. Arnaiz ng tulong at kaya kong ibigay iyon, bakit ko naman ipagdadamot? Ang mga mabubuting tao, selfless. "At sige po, kung may extra po akong oras, puwede ko po siyang kausapin. Lalo na kapag may meeting ang Bible Club."
Mukhang natuwa naman si Mrs. Arnaiz, hinawakan niya ang kamay ko ay pinisil. "Salamat, hija," she said. "Malaking tulong 'to sa 'kin."
I tapped her hand without looking on her eyes. "Ahm, I have to ask, ano po ba ang pangalan ng taong susubukan kong tulungan?"
"Damien," sagot ni Mrs. Arnaiz. "My son's name is Damien."
Bigla ay paraang huminto sa pag-ikot ang mundo ko. Bigla din akong nanlamig, para bang may naririnig na halakhak sa kung saan.
"May picture ako sa wallet ko," sabi pa ni Mrs. Arnaiz.
Ibinigay sa 'kin ni Mrs. Arnaiz ang litrato. Mayamaya nga ay nakatingin na ako sa pamilya Arnaiz. Nakaupo ang mag-asawang Arnaiz at naka-indian sit naman sa sahig ang dalawang anak nila. Ang isa ay babae na mas bata sa 'kin, siguro ay nasa high school pa rin. Maganda at mukhang nerd. Katabi ng babae ang kuya niya, si Damien, na siyang tanging hindi nakangiti sa litrato. Nakasuot siya ng itim na jacket, nakatikwas ang buhok. Nakatingin siya sa camera na tila gusto niyang basagin iyon.
"Kinuhanan iyan five days bago mamatay ang papa niya sa isang car accident," narinig kong sabi ni Mrs. Arnaiz. May idinagdag pa siya pero hindi ko na naintindihan. Titig na titig na lang ako sa larawan.
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomanceThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...
