SAD THINGS

804 33 0
                                    


NASA loob ako ng opisina ng Bible Club, kasama si Henson. Tapos na kaming mag-usap ng mga makabuluhang bagay. Nakaupo na lang kami doon, ikinukuwento ang mga nangyayari sa buhay ng isa't-isa.

Ewan ko ba, pero no'ng araw na 'yon, hindi ako excited makininig tungkol sa buhay ni Henson. Wala akong naramdamang matinding interes sa nalaman ko na napili siyang ipadala sa isang religious retreat sa Tarlac.

Ang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ay ang ginawa kong pag-amin kay Damien tungkol sa kapangyarihan na meron ang mga mata ko. Naisip ko kasi na kung dapat niya akong pagkatiwalaan, kailangan kong sabihin ang lahat sa kanya.

Mukhang nabigla si Damien sa ipinagtapat ko, pero naniwala din naman.

And I said to him, "I can help you, Damien. Tell me the terrible thing that you're keeping only to yourself. Tell me. Makakagaaan 'yon ng loob mo."

Damien smiled. It was a sad smile. "It's a pretty big secret."

Napabuntong-hininga ako. Kung hindi pa siya handa na tumitig sa mga mata ko at sabihin sa 'kin ang sekreto niya, maiintindihan ko 'yon. "Maghihintay ako," sabi ko. "Maghihintay ako hanggang sa kaya mo nang sabihin sa 'kin ang nagpapabigat sa loob mo."

Damien gave me a noncommittal nod.

"And I know you want to end your life..." Pinisil ko pa ang kamay niya. "Promise me you won't do it. Promise me. Alam ko na malungkot ka. Pero hindi solusyon ang suicide. Iisip ako nang paraan para ma-appreciate mo ang buhay na meron ka."

Ngumiti muli si Damien, humawak na rin sa kamay ko. Iba talaga ang pakiramdam na mahawakan ang kamay niya. Iba.

At doon ko na rin naisip na handa talaga akong tulungan siya...

"And Sylvia, I'm having second thoughts about Sylvia" biglang sabi ni Henson, daan para mabaling ang atensyon ko sa kanya. "Mukhang tama ka."

"Ha?" nasabi ko lang.

"Tama ka. Mukhang hindi nga kami bagay. Mukhang hindi rin niya kayang magbago para sa 'kin."

Dapat maging masaya ako na malaman iyon, 'di ba? Kung nawawalan na ng interes si Henson kay Sylvia, dapat ikatuwa ko 'yon, 'di ba? Pero wala naman akong maramdaman.

Ngumiti si Henson, sandaling sumulyap sa 'kin, nagbawi din agad ng tingin. "Naisip ko na siguro mas okay na maghanap ako ng babaeng katulad ko ng ugali."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. May naisip kasi akong itanong. Tanong na kanina ko pa gustong hanapan ng sagot. "Henson..."

"Hmm?"

"How can you make a suicidal person appreciate life?" I asked.

And Henson answered.

HENSON told me that a person would appreciate his life if he encountered someone who struggles to do so.

At iyon ang gustong kong malaman ni Damien.

"Ano'ng lugar 'to?" tanong agad ni Damien pagkatapos naming bumaba sa isang malaking bahay. At nasagot naman ang tanong niya ng tarpaulin na nasa gate ng bahay. ANGEL'S HAVEN FOR CANCER KIDS ang nakasulat sa tarpaulin, may kasamang litrato ng sampu sigurong mga bata na may tila pagod na ngiti sa mga labi.

"Volounteer ako rito," sabi ko. "Maliit na foundation 'to for kids suffering from cancer. At may party sila ngayon dahil may isa sa mga batang inaalagaan nila ang naging negative na sa cancer cells."

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon