CAN YOU KEEP A SECRET?

1.1K 28 0
                                    


GUMISING ako nang araw na iyon na kakaiba ang pakiramdam. My eyes felt warm, as if I have a fever. Inisip ko na baka may sore eyes ako--which was a shame, kasi may meeting ang Bible Club at makikita ko ang crush ko na si Henson. Nagtungo ako sa banyo ng bahay namin, tumingin sa salamin para makasigurado.

Saglit akong natigilan dahil sa nakita ko sa salamin. The pupils of my eyes--they were changing their colors. From brown they're turning into bright green, then into deep blue, then brown again. Kulang na lang may kumanta ng "We Wish You A Merry Christmas" sa tabi ko, parang Christmas light na ang mga mata ko.

The weird thing was, I was not scared. Hindi ko gustong sumigaw o mangisay o himatayin. Para bang ineexpect ko nang mangyayari 'yon. Para bang imposibleng isa iyong sakit. Pero bakit nga ba nangyari iyon?

May kinalaman ba iyong 'model' na nakita ko kahapon?

Naghilamos ako, bumaba sa kusina ng bahay namin. Naghahain na ang nanay ko ng almusal sa mesa. Naisip ko na ayaw kong ipakita sa kanya ang mga mata ko, baka magtatakbo siya palabas ng bahay. But a voice whispered inside my head, and it told me that everything was okay.

"Good morning, 'ma," pagbati ko, sabay dumulog sa mesa.

"Good morning," nakangiting pagbati niya sa 'kin.

Natapos na siya sa paghain ng mga pagkain sa mesa at umupo sa tapat ko. Nakayuko ako sa plato ko, hindi muna ipapakita ang mga mata ko. Pero naisip ko na pointless naman ang ginagawa kong iyon--makikita at makikita rin naman ng nanay ko 'yon. Kaya nag-angat ako ng tingin at tumitig sa kanya.

"Kumusta naman ang school--" My mom froze. Napatitig lang sa mga mata ko, ang ngiti sa mga labi niya ay hindi nawala, pero wala ng kasiyahan ang mga mata niya.

Pinigil ko ang hininga ko, naghintay nang sunod na mangyayari.

"Natuwa ako nang iwan tayo ng papa mo," biglang sabi ng mama ko, daan para ako naman ang matigilan. "Dahil hindi ko na mahal ang papa mo. Mula nang magkaroon siya ng babae, nawala na ang pagmamahal ko sa kanya."

"Why are you telling me this, 'Ma?" nalilitong sabi ko.

"Minsan... Minsan kapag nakakakita ako ng ibang lalaki, hindi ko mapigilang isipin kung ano ang pakiramdam na mahalikan nila. Kung ano'ng pakiramdam na mayakap nila, maangkin nila."

This was now disturbing me. Conservative ako, pero mas conservative sa 'kin ang mama ko. Napaka-traditional niya mag-isip. Hindi siya magsasabi sa 'kin ng mga gano'ng bagay, imposible. And what was wrong with her eyes? Her eyes seemed like an abyss.

A dark, haunting abyss.

"I wanted to sleep with younger men," she said.

Doon hindi ko na kinaya ang sinasabi niya, naglayo ako ng tingin. Nang ginawa ko iyon ay narinig ko siyang sumagap ng malalim na hininga, para bang sumisid siya sa ilalim ng tubig ng ilang segundo at umahon para bumawi ng hininga.

Mayamaya ay nagsalita siya. "Kumain kang mabuti, anak." Bumalik na ang normal na masiyahang tinig niya. Sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong tumayo ang nanay ko, nagpunta sa may lababo at nagsimulang maghugas ng ilang pinggan na naroon. She was humming a song, as if she didn't say those terrible things earlier.

As if nothing happened.

Nakatulala ako sa may mesa, hindi makakain. Ano'ng nangyari? Bakit sinabi sa 'kin ng nanay ko ang mga bagay na 'yon?

Bakit?

AKO, SI Leonna Rizalino, ang nagpasimula ng Bible Club. Nasa isang maliit na kuwarto sa isang maliit ding building ang opisina namin. Unang linggo pa lang ng Bible Club, excited na akong naglagay ng sign-up sheets sa bulletin board.

Binurara lang ang mga sign-up sheet. Sinulatan lang iyon ng "I heart Donovan 4ever" at "Panget mo, Ma'am Homeres!"

Ngayon, anim na buwan nang nag-e-exist ang Bible Club pero lima lang yata kaming miyembro--napilitan pa iyong tatlo. Pero ayos lang, dahil may isa namang seryosong member.

Ang member na naniniwala sa mga adhikain ko. Si Henson.

I like Henson. He was my dream man. Hindi katulad ng ibang college guys na interesado lang sa online games at sex, sa pananampalataya nakasentro ang buhay ni Henson. Iyon ang dream man ko: lalaking mas mahal ang Diyos sa 'kin.

Everytime na nasa masikip at mainit na opisina kami ng Bible Club, everytime na nagbabasa si Henson ng Bible na puno ng emosyon, para akong natutunaw. Minsan tuloy, nag-doodle ako sa notebook ko ng: Leonna loves God and Henson. Nilagyan ko iyon ng mga puso sa paligid.

At sa totoo lang, umaasa ako na balang-araw, liligawan ako ni Henson. Umaasa ako na balang-araw ay mari-realize niya na ako ang perpektong babae para sa kanya. Wala ng iba.

"Samahan mo 'ko sa Bible study ha?" tanong ni Henson sa 'kin, kasalukuyan kaming nasa opisina. Nakayuko ako sa notebook ko at nagdo-drawing, dahil hindi ko matingnan ang mga mata niya. Gano'n kasi ako sa mga crush ko.

"Sige," sabi ko. "Sa ECE 5A ba?"

Ang ECE 5A ang section kung saan madalas kaming magsagawa ng Bible study. May kaibigan kasi ako doon at tingin ko ay may mga mahihikayat ako doon na maging miyembro.

"I think for today, we should discuss to them the real meaning of sex," sabi ni Henson, daan para mapa-angat ako ng tingin.

"Ha?" sabi ko.

Nakayuko si Henson, tila nahihiya rin na mapag-usapan namin ang sex. "Naisip ko kasi na maraming mapusok na kabataan ngayon. Tingin ko mas makakabuti kung ipa-realize natin sa kanila ang totoong kahulugan ng pakikipagtalik--" Nag-angat rin siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ko. Biglang naputol ang sasabihin niya, natulala siya sa 'kin.

Doon ko lang naalala na nag-iiba iba nga pala ang kulay ng mga mata ko. Naghintay ako na magsisigaw siya or something, pero hindi iyon nangyari. Para bang hindi niya iyon nakikita o napapansin.

And then, he started saying something.

"I will always feel guilty," he said. "I will always feel guilty, cause I could not help but touch myself."

Parang huminto ang mundo ko nang marinig ko iyon. Wala rin akong nasabi, para bang nawalan ng kuwenta ang dila ko. Nag-iinit ang buong mukha ko, hindi inaasahang sasabihin sa 'kin ni Henson iyon.

"I could not help but think of naughty things. Very naughty things," he said. "Sometimes it involves two women."

"Henson--" nasabi ko, gusto na siyang pigilan sa pinagsasabi niya. Pero nakuha ng mga mata niya ang atensyon ko. Tila blangko iyon, katulad ng mata ng nanay ko kanina. Parang balong walang katapusan, o balong may mga nakatagong mapanganib na bagay sa ilalim.

"And I do certain things... Unimaginable things with my pillow..."

At hindi ko na kinaya ang mga sinasabi niya, naglayo ako ng tingin. Narinig ko na napasinghap si Henson, katulad din ng nangyari sa nanay ko kanina.

"Puntahan na natin 'yong ECE 5A," mabilis na sabi ko. Bahagyang nanginginig ang katawan ko. "Puntahan na natin sila."

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon