SUICIDAL DEVIL

946 35 1
                                        


NASA tapat kami ni Henson ng classroom ng ECE 5A. Katatapos lang ng klase ng mga ito pero wala pa ring umaalis dahil ni-require ang mga ito ng professor na mag-participate sa Bible study namin.

Sa totoo lang, wala na sa Bible study ang isip ko. Naguguluhan ako, tinatanong sa sarili kung bakit kung ano-ano ang sinabi sa 'kin ng nanay ko at ni Henson. Alam kong may kinalaman iyon sa pagbabago na nangyayari sa mga mata ko, na mukhang wala namang nakakapansin. Pero kahit walang nakakapansin ng pag-iiba iba ng kulay ng mata ko, mukhang namang kapag may napapatitig sa mga iyon, doon sila nagsisimulang magsabi ng kung ano-ano.

"Nakikita mo ba 'yong babaeng 'yon, Leonna?" bulong sa 'kin ni Henson, dahilan para mapadiretso ako ng tayo. Mukhang hindi niya naalala ang mga sinabi niya sa 'kin, ngayon ay kaswal na lang siyang nakaturo sa babae na nasa kaliwang bahagi ng classroom, malapit sa dulong bintana.

"She's Sylvia Aragon," Henson said.

Kilala ko naman si Sylvia Aragon. Paano namang hindi? Itinuturing siya na pinakamaganda sa campus.

"I like her Leonna," narinig kong sabi ni Henson sa 'kin. "I really like her."

Nakaramdam ako ng inis sa narinig mula sa kanya. Hindi sila bagay ni Sylvia. Sylvia was too... Different. Kitang-kita iyon sa kapal ng make-up niya, maging sa kung paano siya manamit. Ngumunguya siya ng bubble gum habang kumukuyakoy at imposible yata talaga siyang hindi makita sa seksuwal na paraan.

"H-hindi kayo b-bagay," nasabi ko bigla.

"Dahil sa make-up niya?" he said.

"Dahil sa personality niya."

"Mabait siya, Leonna. Mabait naman siya. Alam ko naman na willing siyang magbago..."

Wala na akong sinabi. Para naman kasing hindi magpapakontra si Henson.

"Tara, pasok na tayo," sabi ni Henson sa 'kin, pumasok na kami sa loob, tumayo sa tapat ng classroom. Mukhang masaya si Henson pero nawala na naman ako sa mood.

"Good afternoon sa inyo," bati ni Henson sa mga estudyante.

"Good afternoon," sabay-sabay na pagbalik nila ng pagbati.

"So, sandali lang 'to," sabi ni Henson. "Alam ko kasi na ilan sa inyo, gusto nang umuwi--"

"Buti alam mo," may nagsalita.

Napatingin ako sa nagsalita. Iyong lalaki sa pinaka-sulok ng classroom, nakatingin sa bintana. Nakasabit na ang backpack sa likod niya na parang handa na siya na layasan kami.

Sa totoo lang, sa klaseng iyon, sa kanya lang ako naiinis. Mukha kasi siyang barumbado. May hikaw siya sa kilay at kulay red-orange ang buhok niya. At sa pagkakatanda ko, hindi siya nakikinig sa 'min kapag may Bible study.

"So, why don't we start?" Nagboses grade one na si Henson, obvious na na-intimidate ng lalaking barumbado. "Ang pag-uusapan natin ngayon ay kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa premarital sex--"

The guy groaned in frustration. Napatingin tuloy ako sa kanya. Naiinis man ako sa kanya, aaminin kong guwapo siya. Matangos ang ilong niya, maganda ang kurba ng mga labi. Maganda rin ang kutis. Kahit laging hostile ang expression niya, tila palagi namang nangangarap ang mga mata niyang may malalantik na pilik. Hindi na ako magtataka na nakipag-pre marital sex na siya. Siya kasi iyong tipong babae na mismo ang nanliligaw.

Inudyukan ko si Henson na magpatuloy kaysa pansinin ang lalaki.

Sinabi nga ni Henson ang purpose ng pakikipagtalik. Buhay. Hindi iyon ginagawa dahil lang hinahanap-hanap at ipinagmamakaawa ng katawan. Ginawa iyon para makabuo ng isang buhay.

The annoying guy snorted once again, then raised his hand. "Really?" he said. "So dude, when you're having sex, you're thinking about procreation?"

Lumunok si Henson. "Hindi pa ako nakikipagtalik."

"Uh-huh." Tumaas ang isang kilay ng lalaki. May sumilay na pilyong ngisi sa mga labi niya. "Not even with yourself?"

Nagtawanan ang buong klase. Napaatras ako, hindi inaasahan ang narinig. Pero nang makabawi ako, naisip ko kung gaano kabastos ang nakakainis na lalaki. Hindi niya dapat sinabi iyon. Hindi niya dapat ipinahiya si Henson.

Hindi ko napigilan ang sarili, nasabi ko, "Bakit ang bastos ng bibig mo?"

Umulan ng 'ohhh' sa buong classroom.

Biglang sumulyap ang lalaki sa 'kin, daan para mapaatras pa ako, mapasandal sa chalkboard na nasa likod ko. Parang kinakapos ako ng hininga nang makita ko kung gaano katalim ang mga titig niya. Nanayo rin ang mga balahibo ko sa batok. Naglayo ako ng tingin.

"Ano ngang sinabi kong bastos, miss?" he said in a playful way.

"I think obvious naman." Nakikita ko siya sa sulok ng mga mata ko. "Alam mo ba na hinuhusgahan ang tao sa kung paano siya magsalita? Kung gaano kasama ang salita--"

Tumayo mula sa upuan ang lalaki. Natahimik ang buong klase, dinig na dinig ang ugong ng electric fan sa kisame.

He was tall. He was lean. Namulsa siya, naglakad palapit sa 'kin nang dahan dahan. Nagbubulungan na ang mga kaklase niya, nagsesenyasan.

Nang makalapit na sa 'kin ang lalaki ay napapikit ako, dahil nahagip ng pang-amoy ko ang pabango niya. Bumilis ang tibok ng puso ko, kinakapos ng hininga.

Nang bigla siyang dumukwang para maglapit ang mga mukha namin ay napasinghap ako, napatitig sa kanya. Naka-angat ang sulok ng mga labi niya, tila nanunukso. Naglayo agad ako ng tingin.

Pero hinawakan niya ang baba ko at pinihit ang mukha ko paharap sa kanya. "You're annoying, don't you know that?" he said with on a playful tone. "But I like your attitude. I really do."

Laking gulat ko nang maramdaman ang mga labi niya sa noo ko. Mainit ang mga labi niya. Ihiniwalay niya ang mga labi niya sa 'kin at pinakatitigan ako sa mga mata.

He chuckled playfully that was cut short, his eyes suddenly turned into deep, bottomless wells.

Saglit siyang walang sinabi, nakatingin lang sa mga mata ko. Lumunok siya at nagsalita nang mahinang-mahina, tila isa na lang bulong. "I want to kill myself."

Sa narinig kong iyon ay naglayo ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi na lang ako kumibo, wala na lang ginawa hanggang sa marinig ko ang pagsinghap ng lalaki.

Katahimikan.

Sunod ay nakarinig ako ng mga yabag. Nakita ko na ang lalaki na nakapamulsang umalis sa classroom. Naiwan ako doon, naestatwa, nanlalamig.

Bakit sinabi sa 'kin ng lalaki iyon?

"Mukhang gusto ka talaga ni Damien, miss ah," narinig kong sabi ng isa sa mga estudyante na naroon. "Wala kasi 'yong kinakausap dito, eh."

"Galing kasi yon sa ibang university, cross enrolee 'yon, eh," sabi ng class president.

"And he kissed you," sabi ng isang babae, parang naiingit sa 'kin. "'Kakainggit ka, teh."

"Karamihan sa mga babae dito, may crush kay Damien," sabi ng isa sa mga bakla doon, na mukhang may crush din kay Damien.

"He's called the devil," wika ng isa pa doon.

Hindi ako nakapagsalita. Napatingin ako sa may pinto, kung saan lumabas ang lalaking iyon.

Damien. The Devil. They got that right. I think he is devilish.

And the devilish guy told me-I really think he did--that he wanted to kill himself.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon