"SUMBUNGERA," iyon ang sinabi sa 'kin ni Damien nang makalapit na siya sa 'kin. Sa pisngi ko siya nakatingin, hindi sa mga mata ko. Bahagyang naniningkit ang mga mata niya, siguro dahil naiinis.
"Ano?" Masyado siyang mabango, natigilan tuloy ako.
"Sumbungera," pag-ulit niya. "Sinabi mo sa mama ko na kinukunsumi lang kita. Nagalit siya sa 'kin, sinabihan niya 'ko na kapag hindi ako sumunod sa 'yo, mawawalan ako ng allowance."
Wala akong nasabi.
"Kaya ngayon, wala ka nang choice," sabi pa ni Damien. "Susunod ako sa 'yo. Makikipag-usap ako sa 'yo. At mapapadalas ang pagdikit-dikit ko sa 'yo. I am your responsibility now."
His serious expression suddenly changed, his lips curled into a smile. He cocked his head to the right. "Now that I think of it, I don't think that's so bad."
Sa narinig kong iyon mula sa kanya ay parang nag-init ang magkabilang pisngi ko.
"Saan ka ba pupunta ngayon, ha?" tanong ni Damien. Nakatingin pa rin siya sa may pisngi ko. "C'mon, sasamahan kita."
Gusto kong sabihing hindi naman niya ako kailangang samahan sa kung saan ako pupunta ngayon, pero naisip ko na hindi kaya kailangan talaga niya ng makakasama? Hindi kaya kailangan niya talaga ng makakausap?
Bumuntong-hininga ako. "Sa cafeteria ako pupunta," sabi ko. "Magme-merienda ako."
HALOS puno ang cafeteria nang makapunta kami doon. Malaki man iyon dahil tatlo ang kainan doon, okupado pa rin ang karamihan sa mga mesa. Isang mesa lang ang bakante, iyong nasa dulo, sa tapat ng kainan kung saan maitim na maitim ang kilikili ng tindera.
"Ano'ng gusto mo?" tanong ni Damien, patingin-tingin sa mga nakahaing pagkain.
"Carbonara na lang," sagot ko.
Damien started at me--well, on my chin to be exact, and raised his eyebrow. "Sa dami nang ginawa mo ngayon, carbonara lang ang kakainin mo?" May disapproval sa tinig niya.
"How did you know na--"
"May kakilala akong may kakilala na classmate mo. Nasabi niya sa 'kin ang schedule n'yo ngayong araw."
"At inalam mo pa talaga ang schedule ko?"
He just shrugged.
No comment na ako. Ang sabi ko na lang, "Pero okay na talaga sa 'kin ang carbonara."
Mukhang hindi naman siya natuwa doon, napabuga siya ng hangin. Bumaling siya sa hangin at sinabi sa tindera, "Isang order ng adobong manok po. Saka carbonara. Samahan n'yo na rin po ng tinapay." Tinuro ng lalaki ang crinkles. Pagkatapos ay tumingin siya sa 'kin. "Kakainin mo 'yong tinapay o babatukan kita."
I know that the threat wasn't serious. Ewan ko ba, pero alam ko naman na hindi siya physically violent. Kaya iyong ginawa niya... Nakaka-touch. Para bang nag-aalala siya sa 'kin.
"Sisenta lahat," sabi ng tindera, daan para mabaling ang atensyon ko sa kanya.
Akmang maglalabas ako ng pera sa wallet ko pero tinapik ni Damien ang kamay ko.
"Ako ang magbabayad," may finality na sabi niya.
"Hindi naman ako nagpapalibre--"
"C'mon. Madalas mo na akong makikita mula ngayon. Madalas na kitang makukunsumi. Dapat naman makabawi ako sa 'yo kahit paano."
Bakit parang kumislap ang mga mata niya nang sabihin niya na madalas na kaming magkikita? Napangiti pa siya, tila aliw na aliw sa sinabi niya. O baka naman praning lang ako, na-imagine ko lang 'yon lahat?
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomansaThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...