THE FIFTH LEVEL OF HELL
"YOU'RE a failure!" dumagundong ang sigaw ni Andromelech nang bumalik sa fifth level of hell si Abaddon. Nabigo si Abaddon na kunin ang kaluluwa ni Damien.
"Pasensiya na po, kamahalan," sabi ni Abaddon, nakayuko ang ulo. Nanginginig ang katawan sa takot.
"Hindi mo natupad ang pangako mo," gigil na gigil na sigaw ni Andromelech. "Sinabi mo sa 'kin na kukunin mo ang kaluluwa ng Damien na 'yon, pero hindi mo nagawa! Nararapat lang na parusahan ka!"
Ikinumpas ni Andromelech ang kanyang kamay at bigla ay hindi na makagalaw si Abaddon. Nataranta si Abaddon, sinubukang pumiglas pero hindi magawa. Tumayo si Andromelech mula sa kanyang trono, lumapit kay Abaddon at naglabas ng isang nagbabagang punyal.
Nanlaki ang mga mata ni Abaddon. "Wag po, kamahalan!" sigaw niya, may pagmamakaawa sa tinig. "'Wag po, maawa po kayo sa 'kin..."
Nakalapit si Andromelech kay Abaddon. Malapit na malapit na naramdaman ni Abaddon ang napakainit na hininga ng kanilang pinuno.
"Demonyo tayo, Abaddon," sabi ni Andromelech, ilang sandaling naging mapaglaro ang tinig. "Hindi tayo naaawa."
Pagkatapos sabihin niyon ay itinarak ni Andromelech ang punyal sa dibdib ni Abaddon. Napasigaw si Abaddon, kasunod ay tila binalot siya ng asul na apoy. Nanood si Andromelech habang unti-unting natutupok ang katawan ng demonyo. Naamoy sa kanyang kaharian ang mabahong amoy ng nasusunog na katawan ni Abaddon. Nanatili si Andromelech doon hanggang si Abaddon ay maging isa na lamang abo.
Tumingin si Andromelech sa malaking salamin, kung saan maraming mga taong problemado at malulungkot ang nakikita niya. "Hindi kami titigil," sabi ni Andromelech. "Hindi kami titigil sa pagkuha ng kaluluwa n'yo."
Andromelech felt a little bit better.
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomansaThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...