TERRIBLE THINGS

696 27 0
                                    


Damien's terrible thing...

PAPASOK pa lang si Damien sa kusina para sana kumuha ng tubig kung hindi lang niya naabutan ang Mama Angela at Papa Mario niya na nag-aaway. Halos maiyak na ang mama niya habang tila hindi naman alam ng papa niya ang gagawin nito.

"We're dead broke now!" sabi ng mama niya, pinunasan ang luha sa mga mata. "And we're buried in debt, just because of that sick, perverted hobby of yours!"

Hindi nakapagsalita ang Papa Mario niya, nakayuko lang ito na parang maamong tupa.

"What now, huh?" his mother said. "Ano, isanla na lang natin 'tong property? Isanla natin tapos mabuhay na lang tayo sa kalsada. Ano, 'yon ba 'yong gusto mo?" Parang gusto nang saktan ng mama niya ang papa niya, nagtitimpi lang. "Grabe ka naman. Sobra sobra na ang pagtitiis ko sa 'yo..."

"I'm sorry, honey," his father said.

"Don't call me honey!" sigaw ng Mama Angela niya. "We all know this marriage is a lie! So don't you ever call me honey!"
Hindi na nakapagsalita ang papa niya. Napaupo na lang ito sa sahig, umiiyak.

"Gawan mo ng paraan 'to, Mario. I want our best for our family. I don't want us to live in the street, kaya 'tong problema mong 'to sa pera, gawan mo ng paraan 'to."

Umalis ang mama ni Damien ng gabing iyon. Nakitulog muna ito sa isang kaibigan. Isinama nito si Prim. Tingin ni Damien ay hindi nito kayang makita ang papa niya.

Hindi tuloy makatulog si Damien sa kuwarto niya. Inisip niya na kung baon man sila sa utang, puwede naman nilang ipagbenta ang mansyon nila. Ang matitira sa pera ay puwede nilang ipambili ng mas maliit na bahay. Tutal apat lang naman sila sa pamilya. Hindi na rin siguro nila kailangan ng kasambahay. Mag-aaral na lang sila ng kapatid niyang si Prim ng mga gawaing bahay.

Someone opened the door. And then he heard footsteps. It was so dark in his room that Damien suddenly felt afraid. But he recognized the scent of the person who entered the room. It was his father.

He should not be afraid.

Naramdaman ni Damien na may tumabi sa kanya sa kama. Naramdaman din niya ang init ng katawan ng papa niya. Naramdaman niyang pumulupot ang mga bisig nito sa kanya. Narinig niyang suminghot ito, tila katatapos lang umiyak.

"Your mother is mad at me," he said. Parang kakaiba ang tinig nito, parang hindi nagmumula dito. Parang nagmumula sa isang taong hindi niya kilala.

Hindi tuloy sumagot si Damien.

"Nakita kita doon. Hindi ka nakita ng mama mo, pero nakita kita. Alam kong narinig mo lahat ng sinabi namin sa isa't-isa," his father said. "I'm sorry you have to hear that, Damien."

"It's okay, 'Pa," sagot ni Damien, nanginig ng bahagya ang tinig. Was he scared? He realized he was indeed scared. Hindi lang niya matukoy kung bakit.

"Can I sleep here with you? It's lonely in my room."

"Sure," he said.

Katahimikan. Ang naririnig lang ay ang mabining paghugong ng aircon. Pati na ang malakas na kahol ng aso ng kapitbahay. Ilang minuto din silang ganoon. Hindi siya makatulog. Hindi siya komportable. Hindi niya alam kung bakit.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon