SWEETER THINGS

744 32 0
                                    


After two weeks

NANG sabihin sa 'kin ni Damien na gusto niya akong pumunta sa bahay nila, para manood kami ng mga bituin sa rooftop nila ay inisip ko kung papayag ba ako.

Pero hindi naman ako matagal na nag-isip. Um-oo agad ako.

Siguro, kung hindi si Damien iyon, imposibleng napa-oo agad ako. O kung hindi ko pa siya lubos na nakilala, baka tarayan ko pa nga siya. Pero ngayong alam ko na hindi naman masamang tao si Damien, hindi ako matagal na magda-dalawang isip.

I had to lie though. I had to lie to my mother and said that I have this big project so I had to stay on a classmate's house. Nag-mention pa ako ng pangalan ng "classmate" ko nga. And to top that all up, kinontact ko iyong classmate na idinahilan ko para i-verify ang alibi ko kung sakaling tumawag sa kanya si mama.

I was now learning to lie.

Pero hindi ako nakokonsensiya. It didn't feel wrong. It felt good--cause I wanted to see Damien so much.

At ngayon nga ay naroon kami, nakahiga sa banig na nakalatag sa rooftop, nakatanaw sa mga bituin sa langit. Mukhang pinagbibigyan kami ng tadhana dahil hindi lang puro ulap ang nakikita namin. Maraming maraming mga bituin.

"This is boring," he said.

"Ano'ng sinasabi mo diyan? Stars are amazing. Stars are free, stars are beautiful."

"But the most beautiful star is beside me," he said.

Pinisil ko ang pisngi niya. "Manloloko," I said. "I am not beautiful."

"You are," seryosong sabi ni Damien

"I'm plain, that's what I am."

"But you make people feel good. You make people happy. You inspire people. That makes you exceptionally beautiful."

Natawa ako sa sinabi niya, kinurot uli ang pisngi niya. "Mambobola."

Pagkatapos ay may dumaang katahimikan sa 'ming dalawa. Ang naririnig ko lang ay ang tibok ng puso ko. Bumuntong-hininga ako, sumagap ng malamig na hangin bago ako nagkaroon ng tapang na bitiwan ang tanong na matagal ko nang ko nang bitbit. "Ano ba tayo?" I said.

"What do you mean?"

"Tayo, ano ba tayo? Nagyayakapan tayo, naghoholding hands, nagsasabihan ng I miss you. We go on movie dates together and we promised to each other na kakainan natin lahat ng pagkain sa food court," sabi ko. "Sabihin mo nga, ano ba tayo?"

Hindi agad kumibo si Damien. Ilang segundo rin bago niya nakuhang magsalita. "Gusto ko 'yong nararamdaman ko kapag malapit ako sa 'yo," he said. "Nahihiya ako, pero gusto ko ring magpa-impress. Kinakabahan ako na parang excited. Pero siyempre, masaya ako... masaya ako kapag kasama kita."

Hindi ako nagsalita. Sa totoo lang ay hindi naman luminaw ang lahat dahil sa sinabi niya

"And I'm not really confused or anything. Alam ko kung ano ang nararamdaman ko."

"Ano?"

"I'm falling in love," he said, breathless.

I became breathless, too.

I sighed. "I think I'm falling, too."

Kasi ano pa ba ang ibig sabihin ng nararamdaman ko? Kakaiba sa 'kin iyon, dahil hindi ko iyon naramdaman kay Henson. Ngayon ko lang naranasan 'to, pero alam ko na kung ano ito. Para kasing nakatakda na talaga na maramdaman ko ito para kay Damien.

Siguro masyadong mabilis para sabihing nahuhulog na talaga kami para sa isa't-isa, pero wala naman sigurong makakasisi dahil may koneksyon kaming dalawa. Parang itinadhana pa nga kami ng mga anghel.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon