MAGANDA ang simula ng araw ko. I received dozens of text message from Damien. GOOD MORNING, ang unang nakita ko. Nasundan iyon nang KUMAIN KA NA? Pagkatapos ay ANO ANG INALMUSAL MO? Tatlumpung minuto pagkatapos niyon, nagtext naman siya ng: TULOG KA PA RIN?, na parang masasagot ko ang text message na iyon kung tulog nga ako. Isang oras pagkatapos niyon, may pinadala uli siyang text message na tila galit na. HOY, ITEXT MO KO KAPAG GISING KA NA.
Natawa ako. Dinala ko sa hapag kainan ang cell phone at nakangiti ako habang nagre-reply sa lalaki.
Kagigising ko lang. Napasarap ako ng tulog eh.
"Mukhang masaya ang anak ko ah," narinig ko lang na puna ng mama ko. Kasalo ko siya sa pagkain.
"Hindi naman po," nahihiyang tanggi ko.
"Bagong member ng Bible Club?"
Tumango ako. Mabuti nang iyon ang isipin ni mama. Alam ko kasing masesermunan niya ako kapag sinabi ko na may kachat akong lalaki. 'Di ba nga nasabi ko nang mas conservative pa sa 'kin ang mama ko? Nagpost ng rant sa Facebook ng maging legal ang same-sex marriage, nagbibigay ng unsolicited opinion about divorce... siguradong hindi niya magugustuhan na makipaglapit ako sa ibang lalaki.
"Tumutunog ang cell phone mo, Leonna," Inginuso ng mama ko ang telepono sa mesa.
Tumatawag si Damien. Hindi ko puwedeng sagutin iyon sa harap ng mama ko. Pero hindi ko rin puwedeng babaan si Damien. Nag-excuse ako sa mama ko at nagpunta sa sala. Halos pabulong lang akong nag-hello.
"Kumusta?" medyo masungit ang paraan ng pagtatanong ni Damien. Gano'n talaga siya. Minsan kahit sa pagpapakita ng concern, parang nagsusungit pa rin. Pero kapag nilambing mo naman, ngumingiti din.
Naks. Nakakakilig.
"Okay naman," pabulong na sabi ko.
"Bakit ka bumubulong?" wika niya.
"Baka kasi marinig ako ni mama," sabi ko.
Natahimik siya. Tila nagulat sa sagot ko. Hindi ko tuloy mapigilang isipin na baka na-offend siya sa sinabi ko. Nang hindi pa rin siya nagsalita ay minabuti kong putulin na ang katahimikang iyon.
"Oatmeal."
"Huh?"
"Iyon ang almusal ko. O ang ina-almusal ko. Hindi pa kasi ako tapos kumain nang tumawag ka."
"Sorry," may sincerity naman na sabi niya. "Wala kasi akong ganang kumain."
Nag-alala ako. "May sakit ka ba?"
"Nah. Kasi hindi ka nagreply sa mga message ko. Hindi ko pa rin naririnig boses mo."
Para namang nagdance party ang puso ko sa narinig.
"Ang baduy mo," komento ko, pinagtatakpan ang kilig.
"Baduy ba 'yon?"
"Oo."
"Baduy pala 'ko kung gano'n."
I giggled. "'Tsaka ano ba 'yong mga text mo? Bakit malalaki lahat ng letra? Galit ka ba?"
"Gano'n talaga ako magtext. Sige na, kumain ka na. Kakain na rin ako. Sabay tayo."
"Ang baduy mo."
"Baduy na naman 'yon?"
Natawa na lang ako. Natawa na lang din siya mula sa kabilang linya. And then, silence. But I was smiling like a fool and I was hoping that he was, too.
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomanceThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...