NANG makasalubong ko si Damien ay hindi ko alam ang sasabihin. Sinubukan kong basahin ang mukha niya, sinubukan kong malaman at maintindihan ang nararamdaman niya.
At alam ko na agad na hindi siya masaya. Nakita ko iyon sa mga mata niya. Kaya habang nakaupo kami sa bench at hindi siya nagsasalita ay hindi ko alam ang gagawin.
Nang ilang segundo pa rin siyang hindi nagsalita ay dinutdot ko na siya sa tagiliran. "Knock knock," sabi ko.
Tumingin siya sa may ilong ko. "Ano?"
"Knock-knock," sabi ko pa, kinatok ang balikat niya.
"Who's there?" tila napipilitan niyang sabi.
"Ginabing kokey," sabi ko, sabay tikhim.
"Luma na 'yan, eh," sabi niya.
Hinampas ko siya sa balikat. "Hindi mo naman ako pinatapos eh!" I said. "Naghanda na 'ko eh!"
Doon na siya biglang natawa. Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin. Nasundan ng dahan-dahang pagbagsak ng mga tuyong dahon. Ang isa ay lumapag pa sa balikat niya.Pinagpag ko ang balikat niya. "Ikaw kasi, eh. Napapa-knock knock joke tuloy ako. Para kasing ang lungkot mo. Ayoko pa namang malungkot ka."
Nang marinig niya iyon ay may ngiting dahang-dahang sumilay sa mga labi niya. "It's just... kanina, nang tawagan kita, you called me... Henson."
"Eh, ganito kasi 'yon..."
At ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat.
"Pero tinawagan lang talaga niya ako para samahan ko siya sa feeding program. Eh ako naman, hindi naman ako tumatanggi sa mga gano'ng bagay. Gusto kong nakakatulong sa mga tao." Namaywang ako, then nagchest out. Nag chin up pa. "Superhero yata 'yong girlfriend mo."
Natawa si Damien. Tapos ay natigil siya sa pagtawa, titig na titig sa 'kin. "Tama. Superhero ang girlfriend ko." Dumukwang siya at binigyan ako ng mabilis na halik sa mga labi. "Perpekto ang girlfriend ko."
Hinampas ko siya sa dibdib. "Ang OA naman nito--"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Pinatahimik na niya ako gamit ang mga labi niya.
PINAYAGAN naman ako ni Damien na makisali sa feeding program ng simbahan nina Henson. Sa totoo nga ay nag-request siya kung puwede ba siyang sumama. Natuwa naman ako doon. Naisip ko kasi na baka may mabuting idulot sa kanya ang pagtulong sa mga tao. Baka isa iyon sa dahilan para mabawasan lahat ng negatibong emosyon sa puso niya.
Kaya nandoon kami ngayon, nasa kaliwa ko si Henson, nasa kanan ko siya. Nakasuot kaming tatlo ng hairnet, plastic gloves at apron. Si Damien ang nagsasandok ng sopas, inilalagay niya sa isang mangkok. Ako ang naglalagay ng gatas doon at iba pang sahog, pati na tinapay. Si Henson naman ang nag-aabot sa mga nakapilang tao na walang tahanan.
"Kumain kayong mabuti, ha," sabi ni Henson, sabay abot ng mangkok ng sopas sa isang payat na batang lalaki.
Ngumiti ang payat na batang lalaki, lumitaw ang mga naninilaw na ngipin. "Salamat, Kuya Henson!"
Ngumiti lang si Henson, nakipag high five sa bata. Sunod naman sa pila ang babaeng siguro ay fourteen, bitbit bitbit ang isang bata na tingin ko ay dalawang taong gulang pa lang.
"Kate, kumusta na si Bruno?" wika ni Henson, may pag-aalala sa tinig habang nakatitig sa sanggol na bitbit ng babae.
"Okay naman, kuya Henson," sabi ng dalagitang tinawag na Kate. Hindi siya makatingin kay Henson at namumula ang mga pisngi niya. Pakiramdam ko ay may gusto siya kay Henson. "Salamat pala doon sa pera. Naipagamot namin si Bruno. Nakakahiya, baon mo ata 'yon kuya."
![](https://img.wattpad.com/cover/183894475-288-k692387.jpg)
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomanceThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...