HIDDEN, HORRIBLE THINGS

765 28 1
                                    


MINSAN, kapag gumagala ang mama ni Damien--na Tita Angela na ang tawag ko, at ang kapatid niyang si Prim, nagpapaiwan si Damien. At minsan, ini-imbita niya ako para manood ng pelikula sa laptop niya.

Minsan, nakaupo kami sa sofa sa sala, kalagitnaan ng panonood ng isang pelikula ng magtanong ako:

"Kailan mo ko ipapakilala sa mama mo bilang girlfriend mo?"

"Soon," he said. "Sigurado naman ako matutuwa siya kapag nalaman niya. Dahil daw kasi sa 'yo, kaya naging masiyahin na ako."

"Ako naman talaga ang dahilan, 'di ba?" sabi ko.

Natawa siya, bumaling sa 'kin. Tumitig sa ilong ko. Pinisil niya iyon. "Yumayabang ka na."

"Ikaw ang may kasalanan, eh," sabi ko.

Natawa lang si Damien. Tapos mayamaya ay nagseryoso. "Ikaw, kailan mo ko ipapakilala sa mama mo?"

Hindi agad ako nakasagot. Parang bigla akong nahiya. Ibinaling ko ang tingin sa laptop niya. "Alam mo naman ang sitwasyon, 'di ba?"

Tumango siya. Hindi ko siya basta basta puwedeng ipakilala. Pakiramdam ko kasi ay hindi matutuwa ang mama ko.

"Nah, 'wag na muna nating isipin 'yan," sabi niya, siguro napansin na nalungkot din ako. Pilit siyang ngumiti kahit nakitaan ko ng lungkot ang mga mata niya.

Nang matapos ang pelikula ay sinabi kong kailangan ko ng umuwi. Sinabi niya na ihahatid niya ako sa sakayan ng tricycle. Palabas na kami ng bahay kung hindi ko lang nakita ang picture frame kung na nakapatong sa mesa sa tabi ng pinto. Dinampot ko iyon at napangiti habang nakatingin sa family picture ng mga Arnaiz.

"Kamukhang kamukha mo ang papa mo," hindi mapigilang komento ko. "He has your eyes."

Lumapit sa 'kin si Damien, kinuha mula sa 'kin ang picture frame at ibinalik iyon sa dati niyong puwesto. Nang tingnan ko siya, nakita kong parang bahagya siyang namutla. Natakot.

"Are you okay, Damien?" nag-aalalang tanong ko.

"He's not my real father, Leonna," he said. "So please don't tell me na magkamukha kami."

Hindi ako nakapagsalita dahil sa narinig mula sa kanya. Hindi ko inaasahan ang ganoong reaksyon niya.

Ngumiti lang siya, para siguro mawala sa isip ko ang sinabi niya. "Tara na doon sa sakayan, para hindi ka masyadong gabihin."

Nakasakay na ako sa tricycle ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari. Hindi ko pa rin makalimutan ang naging reaksyon ni Damien.

May kinalaman yata sa papa ni Damien ang sekreto niya... nasabi ko sa sarili ko.

At hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig. Siguro dahil naramdaman ko kanina na hindi pa handang mag-open up si Damien tungkol sa sekretong iyon. Kaya alam ko na malaking sekreto iyon.

Minsan, pakiramdam ko, kilalang-kilala ko na si Damien. Na nakikita ko ang mabuting tao na pilit niyang itinatago gamit ang maskara ng isang rude at supladong lalaki. Pero may mga panahon, tulad ng gabing ito, na isa siyang estranghero para sa 'kin.

NIGHTMARES are normal. Mga usual na theme ng nightmares: falling, death of a loved one, and being chased by monsters.

My nightmares are worse.

Nothingness. Darkness. I could only hear a voice. A deep, dark voice. And sinister, I have to mention that it was sinister.

And it would call my name. "Damien..."

"Nasaan ka?" I would say. "Magpakita ka, Abaddon."

Minsan nang nagpakilala sa 'kin ang tinig. Abaddon ang daw ang pangalan niya at matutulungan niya raw ako na maging masaya.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon