HINDI pala madaling maging okay pagkatapos ng heartbreak. Let's just say you stubbed your toe or something, it's very painful but you only need several minutes to recover. A heartbreak is different. It feels as if you will never recover.
Pero pinipilit ko na maka-recover. Dumalo ako sa maraming prayer meeting, nagbasa ako ng Bible, gumawa ako nang mabuti. I distracted myself from pain. Most of the time, nagagawa ko. But the nights are the worst. Loneliness would be waiting on my bed. And before I sleep, he would embrace me. Crush me inside his cruel arms.
Umiiyak ako gabi-gabi. At siguro, narinig iyon ng mama ko. One morning, nagbe-breakfast kami together, bigla siyang nagtanong.
"May problema ka ba, Leonna?"
"Wala, 'Ma," sabi ko, hindi tumitingin sa kanya. Bukod sa alam kong may kapangyarihan pa rin ang mga mata ko, hindi ko talaga siya natitingnan kapag nagsisinungaling ako.
"Anak naman, eh," sabi ng mama ko. "Ramdam ko naman na nasasaktan ka. Nanay mo 'ko."
Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang sa mangkok na may lugaw. At nang may pumatak na likido sa lugaw, doon ko lang na-realize na umiiyak na ako.
"Leonna..." sabi ng mama ko, humawak sa kamay ko.
"Ma, I'm sorry..." I said. "I'm really really sorry..."
"Why are you sorry?" wika niya, na parang handa akong intindihin.
"Nagkaro'n ako ng boyfriend, 'Ma. Without telling you. I'm so sorry..."
I cried. My mother was silent. But she was still holding my hand. She was even squeezing it.
"Don't cry," my mother said after a while. "C'mon, alam ko na sinabi ko sa 'yo na mag-boyfriend ka kapag nakatapos ka ng pag-aaral, pero natural naman na sabihin ko 'yon. Magulang ako, eh. Pero kahit na sinabi ko 'yon, hindi naman ako hahadlang sa magpapasaya sa 'yo."
But that was the thing. Hindi na ako pinapasaya ng pag-ibig ngayon. Kabaliktaran na ang nangyayari ng mga sandaling iyon.
"Besides, ga-graduate ka na ng college, eh. Napaaga lang ng kaunti, anak, pero hindi na 'yon masama," my mother said. "Inisip mo ba na hindi ko maiintindihan, anak?"
Hindi pa rin ako nakapagsalita.
"Cheer up, anak. Ano ba'ng pangalan ng lalaking 'to? Kailan mo ipapakilala sa 'kin?"
Doon ako nagkaroon ng lakas na magsalita. "Hindi ko siya puwede ipakilala," I said.
"Bakit naman?" wika ng mama ko, bahagyang natawa. "Hindi ko naman siya susungitan."
"No," I said. "Hindi ko siya puwedeng ipakilala kasi... kasi he already broke my heart."
At paunti-unti kong naikuwento sa mama ko ang lahat--hindi ko siyempre isinama ang sekreto ni Damien at ang kapangyarihan ng mga mata ko. Nang matapos naman akong magkuwento ay sandali ko siyang sinulyapan, at may nakita akong nakakaunawang ngiti sa mga labi niya.
"Bad boys," she said. There was a pause, before she squeezed my hand again. "You know, your father is a bad boy, too."
For a moment, I was silent.
"Ayaw sa kanya ng lolo at lola mo. He liked rock and roll and he smoked and he liked drinking beer a little bit too much."
May nakita akong malungkot na ngiti sa mga labi ng mama ko, habang nakatingin sa mga kamay naming dalawa.
"He's not an ideal guy. But he captured my heart. That's the thing about bad boys. They can really capture your heart. Especially kapag ipinakita niya sa 'yo 'yong softer side niya."
Napatango ako, sang-ayon sa sinabi ng mama ko.
"But then your father broke my heart. And if a bad boy breaks your heart, they can really break it so hard you're going to cry the whole day," she said. "Pero that's what love is, anak. It's putting your heart into the hands of someone else. If they decided to take care of it, you're lucky. If they decided to break it, wala kang magagawa. You just have to pick up the broken pieces, then build yourself a fortress."
Hindi ko alam pero lalo yata akong mapapaiyak sa narinig ko kay mama.
"Sometimes, love is a terrible thing."
Tumango ako, pumatak uli ang mga luha. Lumapit sa 'kin ang mama ko at niyakap ako nang mahigpit. Umiyak ako sa dibdib niya, isang bagay na matagal ko nang hindi nagawa. Huli ko yatang ginawa iyon noong grade six ako, pinagtawanan ako ng mga kaklase ko dahil zero ako sa exam. Matagal ko nang hindi nagawa na ngayon ko lang naalala uli na iba pala ang ibinibigay na comfort kapag niyakap ka ng nanay mo.
"You can get through this, anak. I swear, after ng ilang taon, tatawanan mo na lang 'tong nangyaring 'to."
And how I wished she was telling the truth. Because right now, it felt as if she was just lying.
KASAMA ko si Henson sa opisina ng Bible Club. Nag-uusap kami tungkol sa leadership seminar na gusto niyang gawin.
Natutuwa talaga ako kay Henson. Kahit tinanggihan ko ang feelings niya ay hindi niya ako iniwan ngayong sobrang nasasaktan ako. Sa totoo lang ay sobra ko talaga siyang na-a-ppreciate ngayon.
"Kinakabahan nga ako eh," Henson said. "Baka hindi ako makapagsalita ng maayos sa harap ng mga school mate natin."
"Kaya mo 'yan, ano ka ba. Ikaw pa?" I said.
Pero kahit na natutuwa ako kay Henson, alam ko na hindi malilipat sa kanya ang nararamdaman ko para kay Damien. Sa ngayon nga ay siya naman ang iniisip ko, ang ilan sa mga sinasabi ni Henson ay hindi na rumerehistro sa isip ko...
Hanggang sa bigla akong nakarinig ng malakas na singhap. Tumigil sa paglipad ang isip ko at napatitig ako kay Henson. Titig na titig siya sa cell phone niya, nanginginig ang mga kamay habang may binabasang mensahe doon. "This is terrible..." he said. Nagmukha siyang papel dahil sobra siyang namumutla.
At nang tumingin siya sa 'kin nang may halu-halong emosyong nakaguhit sa mga mata ay hindi ko maiwasang makaramdam ng masama.
Naglayo ako ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Alam ko na may sasabihin siyang hindi maganda. Alam ko.
"Si Damien..." Henson said. Tunog nanghihina ang tinig ni Henson. Halos pabulong na nga lang iyon. "Si Damien..."
Nakaramdam ako ng panlalamig. Hindi ako makapagsalita. Titig na titig lang ako sa nanginginig kong mga kamay.
"Damien committed suicide, Leonna," Henson said, and it chilled me to the bone. "Damien killed himself."
I swear, after I heard that news, I felt as if my heart stopped. I swear it felt as if I was no longer breathing.
My whole body trembled. And no, I could not hold it any longer. I let out a scream. A scream that was so full of pain, it would haunt even the hardest heart.
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomanceThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...