"I TOLD you to trust me," iyon ang sabi ko kay Damien, nang pinilit ko siyang sumakay ng Ferris wheel sa may Mall of Asia. Dahil nga takot talaga siya sa matataas na lugar ay nahirapan akong papayagin siya. Pero nang magbanta ako na magtatampo ako sa kanya, napilitan din namang sumama.
Kaya naroon kaming dalawa sa isang gondola, nakatingin sa magandang tanawin sa harapan namin.
"Malakas ka lang talaga sa 'kin," he said, nakangiti. "Patay na patay kasi ako sa 'yo."
"Sus, patay na patay din naman ako sa 'yo," sabi ko pa, na dahilan kaya lalo pang lumawak ang ngiti niya.
Ayon sa paliwanag sa 'kin ng anghel, nang piliin ni Damien na maging masaya at hindi sumama sa mga demonyo ay inilipad niya ang binata patungo sa mundo ng mga tao. Iyon ang dahilan kaya nagkamalay na siya, kahit inakala ko noon na iiwan na niya ako.
Nagpatuloy ang mga masasamang panaginip ni Damien, pero nabawasan na iyon. Ipinaliwanag niya na ang tinig na nagtatanim ng masasamang ideya sa utak niya ay tinig ng demonyo. At sinabi ko rin na kapag nagising siya kalagitnaan ng gabi mula sa bulong ng demonyo, alalahanin lang niya kung gaano ko siya kamahal.
Ganoon ang ginawa niya hanggang sa tila sumuko na ang demonyo sa pagdalaw sa panaginip niya. Mukhang hindi na rin kasi nila pakikibangan ang kaluluwa ni Damien dahil nawala na ang galit at lungkot sa puso nito.
"Natapos na ang misyon mo," sabi sa 'kin ni Eremiel, sa katawan ng isa sa mga professor ko.
"Ano'ng ibig sabihin no'n?"
"Babalik ka na sa dati," he said, with a smile. "Mawawala na ang kapangyarihan ng mga mata mo. You can live a normal life again."
Ako naman ang napangiti. "That would be so nice."
Eremiel. "It was nice meeting you, Leonna..."
"It was nicer to meet an angel," I said. "I'm going to miss you," dagdag pa.
"I'm going to miss you, too. Keep having a good heart, Leonna. Keep having a good heart..."
That happened a few months ago.
"Masaya ka, 'di ba?" naalala kong itanong kay Damien.
Napatingin siya sa 'kin. Napangiti. "Oo naman." Kinuha ang kamay niya at pinisil. "Masaya ako kapag kasama kita, babe."
Ipinaliwanag niya sa 'kin ang lahat. Ipinaliwanag niya na wala silang relasyon ni Sylvia, na isang palabas lang ang lahat. Sinabi niya na ginawa niya iyon dahil sa udyok ng demonyo. At dahil alam kong puno pa ng negatibong emosyon ang puso niya noon, naisip ko nga na malaki ang tsansa na maimpluwensiyahan talaga siya ng demonyo.
Pero ngayon... okay na talaga ang lahat.
"Nagtatanong pala si mama kung kailan ka uli pupunta doon sa bahay," sabi ni Damien.
"Sa Friday, 'di ba?" sabi ko. "Alam mo, si mama din. Itinatanong kung kailan ka pupunta sa bahay."
Inakala ko na maiinis ang mama ko kapag sinabi kong nagkabalikan kami ni Damien. Hindi iyon nangyari. Naging warm ang pagtanggap niya sa boyfriend ko. At siyempre, warm din naman ang pagtanggap ng Mama Angela ni Damien sa 'kin.
"Sa Saturday na lang ako pupunta," sabi ni Damien. He paused. And then he smiled. "My life... it's almost perfect because of you."
Nakaramdam ako ng kilig dahil sa narinig mula sa kanya.
"Thank you for loving me, Leonna. You gave me a purpose. You gave me a reason to live. You gave me something to look forward to... a future with you."
Pinisil ko ang ilong niya, napahagikgik. "Ang galing mo sa mga linyahang ganyan," komento ko. "Pero ako din, I'm looking forward on spending my life with you. I'm choosing to be happy. I'm choosing you. And I promise, just like that song, 'You're not easy to understand, but I'll hold out my hand. I love you, need you, love you baby just as you are."
Napangiti naman si Damien, kumislap ang mga mata. Pagkatapos ay dumukwang at binigyan ng magaang halik ang mga labi ko. Napapikit ako, ninamnam ang masuyong paggalaw ng malambot na mga labi ni Damien.
Nang matapos ang paghalik niya sa 'kin ay nasa tuktok na kami ng Ferris wheel. Hinawakan niya ang kamay ko, sabay sabi, "It's like we're flying."
Tumango ako, may bahid ng ngiti rin sa mga labi. "Yes," I said. Pinisil ko ang kamay niya. "With your love, it feels as if I'm flying. It feels as if I'm free."
Free from sadness and sorrow. Free from fear. Free from the terrible things.
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomanceThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...