PAPALABAS ako nang building para sa mga Education students, may balak na magmerienda. Nagutom kasi ako dahil ang dami dami kong iniisip. Okay, si Damien lang naman ang iniisip ko. Ewan ko ba, pero hindi mawala sa isip ko ang lalaking iyon.
"Paano ko naman siya tutulungan, eh, napakagaling niyang mang-asar?" nasabi ko na lang sa sarili ko. Wala naman masyadong tao na naglalakad sa school ground kaya okay lang magsalita ako mag-isa ng gano'n.
"Still, kailangan mo pa rin siyang tulungan," biglang may nagsalita sa tabi ko.
Napalingon ako sa nagsalita. Si Mang Reymond, isa sa mga security guard sa school. Sumasabay siya ng lakad sa 'kin, pinapaikot sa kamay niya ang batuta niya. May matamis na ngiti sa mga labi niya. His eyes seemed so wise.
"I'm Eremiel. I'm a guardian angel, Leonna. I'm here to guide you in helping Damien." sabi niya, dahilan para makumpirma ang hinala ko. "Dapat masanay ka na sa bigla ko na lang na pagkausap sa 'yo."
Huminto ako, pinakatitigan siya. "You know what, you're crazy. This situation is crazy," I said. "I don't like this. I don't like to hear more terrible things from other people--"
"'Yon ang mga sekretong itinatago nila," pagputol ng anghel sa sasabihin ko. "Mula nang ikaw ang mapili naming mga anghel na tutulong kay Damien, binigyan ka namin ng kapangyarihan. Lahat nang mapapatingin sa mga mata mo, hindi nila mapipigilang sabihin sa 'yo ang mga pinakatatago nilang sekreto. You would hear their innermost thoughts, thoughts they're trying so hard to sweep under the rug."
As if hindi ko pa naman alam iyon. Nahulaan ko nang iyon ang nangyayari sa dami ng narinig kong mga depressing na sekreto mula sa ibang tao.
"Use your power, Leonna," dagdag ng anghel. "Use it on Damien. Makipaglapit ka sa kanya, tingnan mo siya sa mga mata. Tapos hawakan mo siya sa kamay. Nabigyan ka rin ng kapangyarihang maintidihan pang lalo ang mga itinatago ng isang tao kung tititigan mo sila sa mga mata habang hawak ang kamay nila."
"Wait lang--"
"Doon mo mas lalo pang maiintindihan si Damien, Leonna. Kapag alam mo na lahat ng itinatago niya."
Mas lalo akong na-frustrate. "Pero ayaw na niya akong tingnan sa mga mata," sabi ko. "Sinabi niya sa 'kin 'yon."
Biglang naging seryoso ang mukha ni Mang Reymond--ng anghel na nagpakilalang Eremiel. "Isang demonyo ang may kagagawan niyon," sabi ng anghel. "Si Abaddon siguro iyon, ang demonyong naatasang gumulo sa isip ni Damien."
"Ang mga demonyo, pumapasok sila sa isip ng mga tao. O kaya sa panaginip. Doon nila tuluyang sinisira--pinapatay ang taong iyon. You need to convince Damien to trust you, and not the demons inside his head."
Hindi ako nakapagsalita. Naisip ko iyong kilabot na naramdaman ko nang sabihin ni Damien ang mga salitang, 'takot ako na pandirihan nila ako.' Tingin ko, kahit ako ay hindi magiging handa sa sekretong maririnig ko mula sa kanya. It must be a very very terrible thing.
"I know you're scared," sabi ng anghel, pinakatitigan ang mukha ko. "Pero sa ngayon, ikaw lang ang makakatulong sa kanya. You know he's thinking about killing himself. And that idea is still on the corner of his brain. We don't want the demons to feed that idea, to make it grow..."
Kinilabutan ako sa sinabi ng anghel. Hindi ako nakapagsalita. Sa isip ko ay meron lang akong isang tanong at hindi ko rin naman napigilan ang sarili ko na isatinig iyon. "Bakit ako?"
That was a valid question, I think. Bakit nga naman ako? Bakit hindi ang Presidente? Bakit hindi ang Santo Papa? Bakit hindi ang mama ni Damien? Bakit ako ang napili na tulungan ang binata?
"Dahil nakita namin kung gaano kalinis ang puso mo," sagot ng anghel, a hint of smile was now on his lips. "Walang kahit anong galit o takot sa puso mo. Walang pagdududa sa Panginoon. Puro pagmamahal lang ang nasa puso mo. Hindi na gaanong mahalaga iyon. The important thing is... You're chosen. And you need to help him."
"Paano ko ba siya matutulungan?"
"Puno ng galit at takot ang puso niya, Leonna. Kapag nagtagumpay siyang patayin ang sarili niya, mapupunta siya sa teritoryo ng mga demonyo at hihigupin nila ang kaluluwa niya. Lalong lalakas ang kapangyarihan ng mga demonyo," paliwanag ng anghel. "Pero kung makakagawa ka ng paraan para mawala ang lahat ng takot at galit sa puso niya, hindi na siya makakapitan ng mga demonyo. At kapag nagawa mo rin iyon, mawawala na ang kapangyarihan ng mga mata mo."
Sa sinabi nitong iyon ay may pumasok na namang tanong sa isip ko. "Bakit siya?" I said. "Bakit? Maraming tao na ang nagsabi sa 'kin ng mga sekreto nila, mga bagay na nagpapahirap sa kanila. Pero bakit si Damien lang ang kailangan kong tulungan?"
Mang Reymond touched my face gently. "Cause unlike others, he could not take it anymore, Leonna. He's dying inside. He's a ticking time bomb," the angel said. "Ilang beses na din itong nangyari. Ang kaluluwa niya ay katulad ng kaluluwa nina Hitler, Bin Laden, Nero, Eric Harris, at Atilla the Hun--nagdurusa. Ang kaluluwa niya ay nagdurusa. Posible siyang makapatay ng iba, pero tingin namin ay mas posibleng patayin niya ang sarili niya. At kapag nakahigop ang mga demonyo nang kaluluwang nagdurusa, siguradong sobrang lalakas ang kapangyarihan nila at kakayanin pa nilang lalo na makaimpluwensiya ng iba pang tao dito sa mundo n'yo."
Tila nanlambot ako nang marinig ko iyon. At nakaramdam din ako ng awa para kay Damien. Tulala lang ako sa mukha ng anghel--o mukha ni Mang Reymond at natauhan lang ako nang bigla siyang kumindat.
"Palapit na siya," the angel said. Ngumuso ang anghel sa kaliwa.
At nang mapatingin ako sa gawing kaliwa ko, nakita ko si Damien, naglalakad palapit sa 'kin, seryoso ang ekspresyon ng mukha. Suwabe ang bawat galaw niya at napaka-guwapo niya nang araw na iyon.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Bumaling ako sa anghel, magtatanong sana nang sunod na gagawin, pero naglalakad na siya palayo sa 'kin.
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomanceThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...