"NORMALLY, hindi pinapakialaman ng demons ang mga pinili," sabi sa 'kin ng anghel. Bumili lang ako sa sari-sari store ng shampoo ng ma-realize ko na si Aling Letty ay hindi si Aling Letty mismo dahil nilulukuban siya ng anghel. "Kahit ang pinili ang kalaban nila, hindi sila dumadalaw sa panaginip niyon. Ang tanging dinadalaw nila ay ang taong nagma-may ari ng kaluluwa na gusto nilang kunin."
"Pero ginawa nila 'yon sa 'yo. Ginawa nila 'yon sa 'yo, Leonna," sabi pa niya.
"Ano pong ibig sabihin niyon?" nasabi ko, nakaramdam ng takot.
"Seryoso sila, Leonna. Seryoso sila kay Damien. Siguro, kahit napapasaya mo si Damien ay puno pa rin ng takot at galit ang puso niya. At kapag nakuha nila si Damien, siguradong sobrang lalakas ang kapangyarihan nila."
Tumindi ang takot na nararamdaman ko. "Ano'ng dapat kong gawin?"
Dumukwang ang anghel para maglapit ang mga mukha namin. "Kung ano ang talagang dapat mong gawin. Kailangan tuluyang mawala ang galit at takot sa puso ni Damien para mailigtas siya sa mga kalaban natin. Kapag hindi iyon nangyari, siguradong makukuha nila si Damien, Leonna. Siguradong makukuha nila si Damien."
At nakaramdam ako ng sobrang panlalamig sa narinig kong iyon. I was suddenly so scared.
IT WAS probably the coldest evening of my life.
Nasa rooftop uli kami ng bahay nina Damien, magkatabi kami habang nakaupo sa sahig na nalalatagan ng banig. Malakas ang hangin ng gabing iyon, parang may parating na bagyo, kahit wala naman. Pero siguro mayroon talagang bagyo--pero nasa loob iyon ng puso ni Damien.
Nararamdaman ko na naghe-hesitate pa rin si Damien na magkuwento. Nararamdaman ko na punong-puno pa rin talaga ng takot ang puso niya. Alam kong iyon ang sandata ng mga kalaban namin. Alam kong iyon ang gagamitin ng mga kalaban namin para patayin ni Damien ang sarili niya.
This time, kailangan maging mas seryoso na ako sa misyon ko. Kailangang matulungan ko na siya.
Bago pa mahuli ang lahat.
"Are you sure you're ready?" tanong ko. Dahil tingin ko ay hindi ko siya dapat piliting magkuwento. Kailangang maging palagay at komportable siya.
Tumango si Damien. "I think I am."
Lalo pang lumakas ang ihip ng napakalamig na hangin.
Inabot ko ang kamay niya at pinisil iyon. "I'm here, Damien. I'm always here," I said.
Ngumiti siya, ngiting takot pa rin. Binasa niya ang mga labi niya at humugot ng malalim na hininga. "I am adopted, Leonna," he said. "Akala ng mama ko, hindi na sila magkaka-anak ng... ng papa ko." I noticed na nahirapan siyang sabihin ang salitang "papa." "So they adopted me. Anak ako ng kasambahay nila dati. Namatay ang totoong nanay ko sa panganganak at walang silang ideya kung sino ang papa ko. It felt as if I was meant to a part of this family. Lalo na kamukhang-kamukha ko talaga ang... ang papa ko."
"Soon, nagkaroon din sila ng anak. Pero kahit ganoon, pareho pa rin ang trato sa 'kin ng mama ko. Pero naging iba ang trato sa 'kin ng... ng papa ko..."
And then he stopped. And his eyes were now full of fear and hatred. And he was shaking now. He seemed so weak. So... small.
Lalo pang lumamig ang hangin.
Naisip ko na baka hindi kayanin ni Damien magkuwento. At isa lang ang alam kong solusyon doon."Babe?"
"Yes?" garalgal ang tinig na sagot niya.
"Look at my eyes," I said.
Hindi agad siya nakapagsalita. Sobrang lakas na ng hangin na may tunog na iyon, tila tili ng isang babae.
"Don't be afraid, Damien," I said. "Look at my eyes."
Hinawakan ko ang mukha ni Damien, ipinihit iyon paharap sa 'kin. Hindi pa rin siya tumitingin sa mga mata ko. Iniiwasan pa rin niyang tumingin.
"Look at my eyes, Damien. Look into my eyes."
Nakailang buntong-hininga muna si Damien, bago siya dahan-dahang nag-angat ng tingin. Nagtagpo ang mga mata namin. Matagal. At ang kanyang mga mata ay naging itim, naging isang walang katapusang balon.
"Nagbago siya," he said, his voice almost robotic. "O siguro hindi talaga siya nagbago. Maybe he was like that from the start. Sick. Disgusting."
Napalunok ako, ihinanda ang sarili sa maari kong marinig.
"And I was thirteen... when he started abusing me."
Doon ako nag-desisyon na hawakan ang isang kamay niya. Mahigpit. And then I saw everything...
![](https://img.wattpad.com/cover/183894475-288-k692387.jpg)
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomansaThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...