FIFTH LEVEL OF HEAVEN 2

713 24 0
                                    


Sinalubong si Eremiel ng yakap ni Angel Muriel. Yumakap din si Eremiel sa anghel.

Walang tao sa kaharian ni Angel Muriel bukod sa kanilang dalawa. Ang ibang anghel siguro ay abala sa pagtulong sa binabantayan ng mga ito. Isa iyong normal na araw para sa kanilang mga guardian angel. Ang ibig sabihin ay tapos na ang problema.

"You did a very good job, Eremiel," sabi ni Angel Muriel.

Eremiel shook his head. "Leonna did a very good job," he said. "She's amazing. Tama lang ang ginawa nating pagpili sa kanya."

Angel Muriel smiled and didn't say anything, just stared at him with appreciative eyes.

"It's over, right?" sabi ni Eremiel.

"For now," sagot ni Angel Muriel, tumingin sa malaking salamin. Doon, nakita nila ang mga taong may kalungkutan at galit sa puso. "Pero alam natin na kahit kailan, hindi matatapos ang laban. May tao pa rin na magkakaroon ng sobrang lungkot at galit sa puso nila."

Eremiel smiled. "But we're here," he said. "And as long as we're here, we're going to do our best to help them."

Angel Muriel nodded, then tapped him on his shoulders. "That's true," he said.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon