THE ANNOYING laughter echoed in my ears, that I wanted to cover them. Inis na inis ako. Kung hindi ba naman tange, bakit niya ako papasukin, eh hindi pa pala siya nakadamit? Pinagkakatok ko uli ang kuwarto.
"Bukas 'yan," natatawang sabi ng lalaki sa loob.
"It's not funny!" Gusto kong sipain ang pinto. "Sana sinabi mo na hindi ka pa bihis! Sana hindi mo ako pinapasok."
"Hindi kita pinapasok," sabi lang niya. "Sabi ko lang, bukas ang pinto, hindi nakalock. Sinabi ko bang pumasok ka?"
Sobra-sobrang inis na ang naramdaman ko sa narinig na iyon, binalak kong balyahin ang pinto. Pero sakto namang binuksan ng pesteng lalaki iyon. Naglanding tuloy ako sa malapad na dibdib niya. Napasubsob ako doon at naamoy ko kung gaano siya kabango.
Natawa naman si Damien, humawak pa sa mga braso ko. Napakainit ng mga kamay niya, at tila nalilipat niya sa 'kin ang init na iyon. My cheeks are now burning.
Umatras ako. He was fully clothed now. Gray na pambahay na tshirt at jogging pants na nakatupi sa dulo. Basa ang buhok niya at malinis ang mukha, dahil nga bagong ligo.
"T-tara na sa sala," sabi ko, nag-iwas na ng tingin. "I-o-orient kita, kailangan mong sumali sa Bible Club."
"No," sabi ni Damien. "Dito na lang sa room ko," sagot lang ni Damien.
"No," panggagaya ko sa kanya. "Doon tayo sa sala."
"Bakit ba ayaw mo rito sa kuwarto ko?" he asked.
"Tingin ko alam mo naman."
Sa sulok ng mata ko nakita ko na bahagyang nagsalubong ang mga kilay niya. "I honestly don't know."
"Hindi ako magkukulong sa isang kuwarto na may kasamang lalaki," sabi ko, full of dignity.
"Ah," sabi niya, full of mockery. Napailing pa siya. "Problema sa inyong mga conservative, ang dudumi ng isip n'yo. Wala naman akong gagawing masama sa 'yo, pero akala mo, meron. Paano kung mas komportable lang ako rito kaysa sa sala? Masyado kang praning."
I knew he was just testing my patience. Siguro, gusto niyang sumuko na lang ako. Pero ewan ko ba, sa puso ko, alam ko na kailangan niya talaga ng tulong.
"Fine," I said. "Fine. Let's talk here. Pero dapat bukas ang pinto. Malay ko ba kung psycho killer ka?"
He just smiled sleepily at me. "Fair enough."
Niluwangan niya ang pagkakabukas ng pinto ay pumasok kami pareho sa kuwarto. In fairness naman, hindi iyon mukhang kuwarto ng psycho killer. Hindi amoy bangkay. Hindi rin very organized at hindi rin naman sobrang gulo.
Agad kong kinuha ang silya na malapit sa kama niya at hinila iyon sa bintana. Doon ako uupo. Pagkaupo ko roon ay kinandong ko ang bag ko, binuksan para kumuha ng pamphlet ng club namin. "Maupo ka kung sa'n mo gustong maupo. Ang importante lang ay maipaliwanag ko sa 'yo ang layunin ng--"
Bumukas ang TV. Nakaupo na sa sahig si Damien, sa TV lang nakatutok ang mga mata. Nainis na naman ako.
"Ang ganda ng pelikulang 'to," he said. "Ang sexy ng bida."
"Mr. Arnaiz," I said, so annoyed. "Let's be serious here."
"Call me Damien," he said.
"Damien," I said. "Makinig ka na sa 'kin."
Hindi nagsalita agad si Damien, tutok lang ang mga mata sa TV. Akmang magsasalita na ako nang bigla siyang may sinabi.
"Ilang gabi na kitang napanaginipan," he said. And that stunned me. I was lost for words.
"Napanaginipan ko 'yong araw na sinabihan mo 'kong bastos. 'Yong araw na tumingin ako sa mga mata mo. At may boses na nagsasabi sa 'kin na... 'wag akong tumingin sa mga mata mo"
May nagbubulong kay Damien na 'wag tingnan ang mga mata ko? Iyon na ba ang demonyong tinutukoy ng anghel na gumaya sa katawan ni Ate Alice?
"I don't want to look at your eyes," he said.
"You're weird," sabi ko na lang, dahil kahit ako ay nalilito pa rin. "Tigilan mo 'ko sa mga panaginip mong 'yan. Ang kailangan ko, ipaliwanag sa 'yo na kaya ka naming tulungan, kung handa ka ring tulungan ang sarili mo. So please, tigilan mo na 'yang panonood at makinig ka na sa 'kin, Damien."
Inabot ni Damien ang remote na ipinatong niya sa sahig. Akala ko ay papatayin na niya ang TV pero nilakasan lang niya ang volume niyon. Lumingon pa siya sa 'kin, nagbelat. Kung hindi ba naman hobby niya na manira ng araw ng iba.
"Para kang bata!" sabi ko. Nilapitan ko siya, umupo rin ako sa sahig. Pinilit kong agawin sa kanya ang remote. Mabilis nga lang ang mga kamay niya, pinalipat-lipat ang remote doon. Para akong bansot na basketall player na hopeless na masupalpal ang tira ng kalaban.
"Hep, hep," natatawa pang sabi ni Damien, nae-enjoy ang paghihirap ko.
"Nakakainis ka talaga!" sigaw ko, hindi na nakapagtimpi, itinulak ko siya. Kaya nga lang, humanap siya sa 'kin ng suporta. Humawak siya sa mga balikat ko at nang mapahiga siya sa sahig, naglanding ako sa ibabaw niya.
Napasubsob ako sa mabangong leeg niya, lalo pang nadama ang init ng katawan niya. For a moment, parang nawala ang capability ng utak ko na makapag-isip. Hindi ako nakagalaw, para akong nanlambot na hindi mawari. Nang maramdaman kong pumulupot ang braso niya sa likod ko, bumilis na ang tibok ng puso ko.
Napalunok ako nang ilang ulit, aamining masarap sa pakiramdam ang maramdaman ang init ng katawan niya. Pero nang ma-realize ko ang pinag-iisip ko, pinilit kong bumangon, kung hindi lang ako pinigilan ng mga kamay niya.
Ngayon ay napatitig na ako sa mukha niya, umaabot sa pisngi ko ang mainit at mabangong hininga niya. Damang-dama ko sa palad ko ang pagtaas-baba ng dibdib niya at kakaibang kilabot ang dulot sa 'kin niyon.
And I just looked at his handsome face, and held my breath. Hindi man niya gusto ay hindi na sinasadyang nagtagpo ang mga mata namin. After a few seconds, his eyes turned into bottomless pits once again.
"Wala akong pinagsabihan," he said. "Takot akong pandirihan nila ako kapag nalaman nila ang nangyari."
Agad akong kinilabutan sa narinig kong iyon mula sa kanya. Agad akong naglayo ng tingin, at gamit ang lahat ng lakas ko, pinilit kong kumawala sa kanya. At nagawa ko naman. Tumayo ako, napaatras.
Bumangon naman si Damien, tatawa-tawa. Hindi na itim na itim ang pupils ng mata niya. At malamang, wala siyang naalala sa sinabi niya kanina.
"A-aalis na 'ko," nabubulol na sabi ko, tinitingnan lang siya sa sulok ng mata ko.
"Hindi naman kita pinapaalis," nanunuksong sabi ni Damien, itinaas-baba ang mga kilay habang tila nang-aakit ang ngiti. "Puwede naman nating ituloy ang yakapan natin kanina." Kinindatan pa niya ako.
Nakaramdam ako ng inis sa sinabi niya, nawala ang takot na nararamdaman. "Aalis na 'ko! Masyado kang presko!" sabi ko. "Ayoko na! Isusumbong kita kay Mrs. Arnaiz. Kinukunsumi mo lang ako! Aalis na lang ako!"
"Gusto mo ihatid kita?" may halong pang-aasar na sagot ni Damien.
Hindi ko na siya pinansin at mabibilis ang hakbang na lumabas ako ng kuwarto niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/183894475-288-k692387.jpg)
BINABASA MO ANG
Terrible Things (COMPLETE)
RomanceThis story changed my career. Sabi ng editor: this is disturbing. Tungkol to kay Leonna, lahat ng taong tumitingin sa mga mata niya, sinasabi ang pinakatinatagong sekreto ng mga ito. At may napakaitim na sekreto ang guwapong lalaking si Damien. Isa...