LONELY THINGS

659 22 1
                                    


PARANG gusto kong manlumo nang makita kong wala pa ring reply si Damien sa mga mensahe ko sa Facebook. Naka-tatlumpung mensahe na yata ako. Dalawampu doon ay puro "hi" at "kumusta?" Pero hindi sumasagot si Damien.

Mukha na akong tanga. At kinakabahan na rin ako. Dalawang araw na rin kaming walang komunikasyon sa isa't-isa. And that was weird.

Sinubukan ko siyang tawagan, pero hindi niya ako sinasagot. Once, pinuntahan ko siya sa building ng Colle of Engineering, pero hindi ko siya nakita doon. Tinanong ko ang isa sa mga classmate niya at sinabi sa 'kin na dalawang araw na ring hindi pumapasok si Damien.

Nag-aalala na ako kaya nag-message na sa ako sa kanya: May problema ba? Kung may problema, sabihin mo naman, please. Handa naman akong tulungan ka.

Hindi siya nag-reply. Not until two in the morning, and by then I was already sleeping. Nabasa ko na lang ang mensahe niya pagkagising ko ng alas-siyete.

Ako ang problema.

That made me nervous. Hindi kaya depressed na naman si Damien?

Gusto ko man siyang puntahan ay wala pa akong time, marami akong kailangang asikasuhin sa school. Pero sobrang hindi ako makapag-concentrate, hindi maalis sa isip ko si Damien. Sobrang bigat ng loob ko. Hindi ko alam pero talagang kinakabahan na naman ako.

"What's the problem?" tanong ni Henson, nasa opisina kami ng Bible Club. Gusto ko sana siyang bigyan ng space pagkatapos kong tanggihan ang feelings niya, pero siya naman ang nag-insist na 'wag kong ibahin ang trato ko sa kanya

"Wala," sabi ko, pilit ngumiti. Ayoko siyang kuwentuhan ng tungkol kay Damien. Kahit paano ay sensitive ako sa nararamdaman ng iba.

"C'mon, halata sa mukha mo ang problema, oh," he said with a smile. "Sabihin mo na para gumaan. Kahit tungkol pa 'yan kay Damien."

And perhaps I just needed someone that will listen to me, so I told him about the problem. Mukha namang nakinig si Henson nang mabuti, walang indikasyon na dinadamdam ang mga sinabi ko.

"Puntahan mo na siya," sabi ni Henson. "Mabuting ngayon pa lang, alam mo na kung bakit hindi siya nakikipag-usap sa 'yo. Para hindi ka na nahihirapan. They said knowing is better than wondering."

Knowing is better than wondering, nagpaulit-ulit iyon sa isip ko. At doon ko naman na-realize na tama naman ang kasabihang iyon. Mas makakabuting alam ko na ang dahilan ng tila pag-iwas sa 'kin ni Damien kesa mahirapan ako sa matagal na panahon.

Tama. Kailangan ko siyang puntahan. Knowing is better than wondering.

Of course, later that night, I'd discover that sometimes, not knowing is better than discovering the truth and getting hurt.

KINAKABAHAN ako habang naglalakad palapit sa bahay nina Damien. May hula ako na mag-isa lang siya sa bahay ng gabing iyon. It was a Wednesday night and I'm sure his mother and his sister went to church.

Alam ko na makakapag-usap kami nang masinsinan.

Marami akong sasabihin sa kanya. Sasabihin ko na narito lang ako sa mga oras na malungkot siya. Hindi siya dapat mahiyang magsabi. Hindi ako magdadalawang-isip na tumulong. Gano'n naman ang pagmamahal, 'di ba? Kadalasan, hindi na nagtatanong.

Nire-recite ko 'yan lahat sa isip ko habang papasok ako ng gate nila. Pero parang biglang nablangko ang isip ko nang lumabas si Damien ng mansiyon nila. At hindi siya mag-isa. He was with someone. Si Sylvia Aragon. Ang classmate niya na naging unang crush ni Henson. Iyong babaeng iba-iba sa 'kin.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon