SCARY THINGS

675 26 0
                                    


PAGKATAPOS kong masaksihan sa isip ko lahat ng itinatago ni Damien ay ilang segundo rin akong hindi nakapagsalita.

It was beyond my expectations. Hindi ko inaasahang ganoon ang makikita ko. Nanikip ang dibdib ko dahil doon. Pakiramdam ko nga ay masusuka pa ako. The scenes I saw on my head--Damien's memories--were too disturbing for me to handle. Hindi ko malaman kung maiiyak ako o magagalit.

"B-babe?" sabi ni Damien, lalong tumindi ang takot sa mga mata. Pati na rin sa tinig.

Agad akong nag-react. Hinila ko siya palapit sa 'kin at niyakap. In my arms, he let the ice he built around his heart melt. Humagulgol siya sa balikat ko at kumapit sa 'kin ng mahigpit na para bang natataakot siyang bitiwan ko siya.

When a teenage boy gets raped, our society wouldn't have the same compassion as much as it would have if it was a teenage girl. It is a secret that would just be swept under the rug. Some will even say, "Lalaki ka naman, walang mawawala sa 'yo." Pero meron. Innocence. Dignity. And the ability to believe that someone will love them unconditionally.

Sa loob ng ilang taon, itinago lang ni Damien lahat ng takot at galit sa puso niya. Pero ngayon ay unti-unti na niyang nailabas iyon, at tila nararamdaman ko ang bigat niyon sa mga balikat ko.

Hinayaan ko siyang umiyak. Hinimas ko ang likod niya at hinigpitan pang lalo ang pagyakap sa kanya.

Nang nabawasan na ang panginginig ng katawan niya ay dumistansiya ako sa kanya at pinunasan ang luha sa mga mata niya.

C'mon, he's a guy. Guys may be strong and brave and tough, but they needed someone to take care of them. Magiging magulo ang buhay nila kapag wala.

"I will take care of you," lumabas mula sa bibig ko, bago ko pa mapigilan. "Alam kong wala na akong magagawa. Alam kong magsumbong man tayo sa pulis ay wala na ring mangyayari. Alam kong sabihin ko man sa 'yo na ipagtapat mo sa Mama Angela mo ang lahat, hindi mo 'yon gagawin dahil wala na rin naman iyong babaguhing kahit ano. Alam kong hindi ko na mababago ang nakaraan mo, pero hayan mong alagaan kita, Damien. Hayaan mong alagaan kita."

Paraang malulukot ang mukha ni Damien pagkatapos iyong marinig. Muli na namang pinangiliran ng luha ang mga mata niya. At siguro ay hindi na lang niya napigilan, dumukwang siya at binigyan niya ako ng masuyong halik sa mga labi.

Napakapit ako sa pinsgi niya, dinadama ang bawat paggalaw ng malambot at matamis na mga labi niya. Nang nagsimula akong tumugon sa halik niya ay napaungol siya, at nakaramdam ako ng masarap na kilabot nang marinig ko iyon. Parang nawala ang malamig na hangin, para kong magsisimula nang lagnatin.

Nang matapos ang halik ay habol namin pareho ang mga hininga namin.

"I love you, Leonna," Damien said. "I never thought I'd be able to love someone before I met you. Thank you for wanting to take care of me."

"I love you too," I said. Hindi ko na pinahaba. Gusto ko pa kasi siyang halikan. "Kiss me again."

Which he did. Not just once.


HABANG pauwi ay tumatakbo pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari sa rooftop, pati na ang usapan namin ni Damien.

"Ipapangako ko sa 'yo, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mawala lahat ng takot at galit sa puso mo," I said. "Tatalunin ng pagmamahal ko lahat ng negatibong emosyon na nasa puso mo. Love will win, Damien. Our love will win."

At pinaniwalaan ko iyon hanggang sa nakahiga na ako sa kama. Ngayong nasabi na sa 'kin ni Damien ang sekreto niya, sigurado ko na mas gumaan ang loob niya. At ngayon, alam ko, kapag ipinakita kong tanggap ko siya sa kabila ng lahat ng nangyari sa kanya, kapag naipa-realize ko sa kanya na may nagmamahal sa kanya, sigurado akong tuluyan nang susuko ang mga demonyong balak kumuha sa kaluluwa niya. Sigurado akong mananalo kami.

Terrible Things (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon