-Jasmin’s POV present time-
7:00 pm departure time. Ito ang nakalagay sa ticket na hawak ko. Papunta akong France para mag- aral ng Photography. Isa kasi ako sa mga natanggap na iskolar sa isang kilalang university doon.
Masaya pero medyo malungkot ako na naghihintay sa tamang oras ng aking pag alis. Naglalakad na ako papunta sa Departure Area. Hinahanap ko ang upuan na tugma sa seat number ko, ng makita ko na malapit iyon sa bintana, naisip ko na medyo swerte parin naman pala ako sa ibang bagay.
“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung aling daan ang tatahakin ko. Pero nagbago ang lahat ng makilala ko ang taong nagbigay kahulugan at kulay sa buhay ko.”
Nagsalita na yung flight attendant, naririnig ko ang mga sinasabi niya pero may iba akong iniisip. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang hindi alalahanin ang pinakamasaya at pinakamalungkot na pangyayari sa buhay ko.
3 years before. . . .
-Jasmin’s POV 3 years before-
“Jasmin San Jose!” -Mae
Yun si Mae Sanchez. Sa aming tatlo na magkakaibigan sya ang pinaka madaldal at kwela.
“Oh, bakit? J” -ako
“Kamusta ang bakasyon mo? Naramdaman mo na bang matatalo na kita sa pagiging Dean’s Lister? J” -Mae
“Hahaha, parang naramdaman ko nga. Dapat pala mag- aral pa akong mabuti. J” -ako
“Ahh teka, binabawi ko na pala young sinabi ko. :/” -Mae
Nagkatawanan kaming dalawa sa sinabing iyon ni Mae.
“Sandali, hintayin ninyo ako!” –Christine
Sigaw naman ni Chirstine habang tumatakbo papalapit sa amin ni Mae. Si Christine Soledad naman ang pinakamalapit sa ugali ko.
Pero imbis na huminto lalo pa kaming bumilis sa paglalakad. Dahil dito may nabunggo akong isang lalaki mukha syang masungit kaya naman nakakatakot. May kasama pa siyang mga kaibigan na presko ang dating. Mukha silang mayayaman kaya siguro ganun ang aura nila.
-Joseph’s POV 3 years before-
Ako si Joseph Miguel Chua. May dugong Chinese pero mas Pilipino ang ugali ko. Dito na kasi ako pinanganak at lumaki sa Pilipinas. Bunsong anak ako, dalawa lang kaming magkapatid. Isang businessman ang papa ko, sa kasamaang palad patay na ang mama ko.
Presko, maloko at walang interes sa pag-aaral yan ang ilan sa mga ugali na nakadikit ata sa pangalan ko. Ewan ba pero yun ang tingin sa akin ng mga taong hindi ako lubos na kilala. Mabuting kaibigan at maaasahan, yan naman ang tingin sa akin nila Micheal at Calvin. Ang mga bestfriends ko. Ewan din kung bakit nila nasabi yun pero dahil na rin siguro pare- parehoho lang kami ng mga gusto kaya nagkakasundo- sundo kami.
-Jasmin’s POV present time-
“Yon ang unang araw na nagkita kami ni Joseph. Sa gate ng University. . .”
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Teen Fiction“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...