-Joseph’s POV 3 years before-
Last day of school. Ngayon na ang araw na sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Simula ng makilala ko siya, nagbago ako. Kahit malayo na ako sa dating sarili ko masaya ako dahil para sa akin siya na ngayon ang buhay ko. Hindi ko maintindihan pero parang kinikilig ako. J Ngayong araw ipapakilala ko si Jassmin sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko.
“Mama, makikilala mo na si Jasmin.”
Gusto kong maging espesyal ang araw na ito para sa kanilang dalawa.
“Ano ba naman to? Sumasabay pa tong hilo na to oh. Makisama ka naman wag kana ngayon magparamdam.”
Nitong mga nakaraang buwan palagi akong nakakaramdam ng pagkahilo. Ayoko nalang pansinin kasi nawawala rin naman siya ng kusa.
-Jasmin’s POV 3 years before-
“Ano naman kaya ang meron, bakit sa Arts Studio pa niya napiling makipagkita?”
Tanong ko sa sarili habang naglalakad papunta doon.
“Jasmin!” –Mae
Sigaw ni Mae habang tumatakbo papalapit sa akin.
“Oh, kayo pala.” –ako
Sagot ko sa kanilang dalawa ni Christine.
“Papunta ka rin ba sa Arts Studio?” -Christine
“Oo eh. Kayo doon din ba punta ninyo?” -ako
“Oo titignan naming young exhibit. Sabi nung iba na nakapunta na, maganda at refreshing daw sa pakiramdam ang mga photos doon.” -Christine
“May exhibit pala? Sino kaya yung artist?”–ako
Nagulat ako kasi ako ang fan na fan ng Arts Club tapos walang alam sa exhibit na yun.
“Oo nga parang biglaan wala rin kasi akong nabalitaan na may magaganap na exhibit ngayon eh, narinig ko lang sa ibang estudyante kaya titingan ko na rin. Hindi raw nagpakilala yung artist eh.” -Mae
Nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Joseph.
-Joseph’s POV 3 years before-
“Bakit ba ang tagal nya? Ang dami ng tao dito ha?” “Teka baka nakalimutan nya yung pinagusapan naming ah.” “Tawagan ko na nga lang.”
“Jasmin.” –ako
“Joseph, may exhibit pala ngayon sa studio. Gusto mo parin bang dito tayo magkita? O kaya sabihin mo na yung sasabihin mo ngayon, dito nalang sa telepono.” -Jasmin
“Nandito na ako sa studio.” -ako
“Ha? Nasan?” –Jasmin
“Andito sa kanan.” –ako
Nakita ko siya mula dito sa kinatatayuan ko. Ang ganda niyang pagmasdan. Ngayon alam ko na kung ano ang nagustuhan ko sa kanya. Napaka simple lang nya, pero yun ang katangian na angat siya sa iba.
“Ah okay nakita na kita, papunta na ako diyan.” -Jasmin
“Sandali, wag mong ibaba ang telepono.” -ako
“Hmm?” –Jasmin
“Tumingin ka sa monitor.” –ako
Napansin ko ang sarili ko na nakangiti habang tinitignan ko ang magiging reaksyon nya.
-Text sa monitor-
DO YOU WANT TO TAKE PICTURES WITH ME, HAVE ANOTHER EXHIBIT, AND BE MY GIRLFRIEND JASMIN?
-End of text-
BINABASA MO ANG
PRECIOUS PHOTOS: My First Love
Jugendliteratur“Nang makilala ko siya isa akong simpleng junior student sa isang public university, kasama sa Dean’s Lister ng Business Course. Pero kahit ganon, hindi ko parin alam kung ano ang tunay kong gusto. Hanggang sa mga panahong iyon hindi ko alam kung al...